Kabanata 2

623 15 1
                                    

Kabanata 2





Walang imik si Faith habang tinatahak namin ang daan pabalik ng hacienda. At mukhang malalim din ang iniisip niya, halata din sa mukha niya ang kalungkutan dahil sa hindi pag sipot ng kasintahan.

Nag iwas ako ng tingin. Gano'n ba talaga ang pag ibig? 'Yung tila mapapatulala kana lang sa kawalan kakaisip sa taong mahal mo?

"Mababait silang tao, Miriam..." bigla itong nag salita.

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti nang lingunin ko siya at agaran na nag iwas ng tingin.

Wala naman akong sinasabing masama silang tao ah?

Maaari din bang mabaliw ang isang tao dahil sa pag ibig?

At pagkatapos nun ay hindi na nasundan pa ng kung ano man ang mga sinabi niya.

Dahan dahang lumipat ang mga mata ko sa nagpapaligsahang mga bundok dahil sa katanyugan ng mga ito, at napaisip.

Na kung paano kaya kung hindi nangyari sakin ang bagay na iyon noon ay magiging masaya kaya ako ngayon? Siguro, oo. I was seventeen years old when I was raped.

Marami akong pangarap. Pero lahat ng 'yon ay naglaho na parang isang bula simula ng mangyari ang lahat ng iyon sa akin. Insecurities, pain and disappointment hit me. Iyon ang nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Na halos kasuklaman ko na ang bawat pag patak ng oras, dahil sa bawat pag patak ng oras at pag lipas ng panahon ay walang oras na hindi ako dinadalaw ng mga alaala, alaala na gusto ko ng kalimutan...

Pero makakalimutan ko ba sila gayong sila ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko?

At sana kung pwede pang maibalik ang oras ay babaguhin ko ang nakaraan ko. Nakakatawa lang dahil humihiling ako sa bagay na imposibleng mangyari, dahil isa lamang iyong kabaliwan. Dahil kahit kailan ay hindi na mababalikan pa ang nakaraan.

At ang misteryosong lalaki na iyon... At sana kung nasaan man siya ngayon ay gusto ko siyang tanungin na kung may konsensya paba siya sa sarili niya? Tatlong taon. Naghintay ako na may lumapit sa akin at aminin ang kasalanan niya. Pero walang lumapit para sumuko. Gano'n naba siya kaduwag para manatili sa lugar na pinagtataguan niya? Hindi ba siya naaawa sa akin? Sobrang tagal kong nagdusa pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakakamit ang hustisya.

"Saan kayo nanggaling? Kanina pa ako naghahanap sa inyong dalawa," malamig na tanong ni Tita Maureen ng nasa bungad na kami ng mansyon at nasa likod niya ang mga bata na ngayon ay tumatakbo na patungo sa puwesto ko.

Tiningnan pa sila ni Tita at lumipat din sa akin ang tingin niya kaya napaiwas din ako ka agad ng tingin sa 'di malamang kadahilanan.

Hindi ako ang dapat matakot kasi hindi naman ako 'yong nakipag kita sa kalaguyo. Kundi si Faith! Kaya kalma lang self.

"Nakakatakot po ang babaeng 'yan, Ate. Lumayo kapo baka po kainin ka niya," bakas ang takot sa mukha ni Marmoris nang sabihin niya iyon.

Ngumiwi ako.

Hindi ko din naman siya masisisi kung matatakot sila kay Tita. Dahil nakakatakot kasi kung tumingin si Tita kapag sasalubungin mo ang tingin niya ay para kang tinatansiya ng kulay itim na itim nitong mga mata. At tila mapapaamin ka na lang ng wala sa oras sa mga titig pa lamang niya, lalo na kung may itinatago kang sikreto.

"Lumabas lang po kami ni Miriam para makipagkita sa isang kaibigan, " mahinang sagot ni Faith.

Pero infairness ang tafang ni gurl Faith.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon