Kabanata 29

253 7 0
                                    

Kabanata 29





Unti unti ay nagsisimula na kaming gawin ni Adonis ang gawain ng mga mag asawa, ang mag trabaho at alagaan ang asawa at ipagluto ito ng masasarap na pagkain.

Nagtra-trabaho si Adonis bilang mangingisda at ibinebenta niya ang mga isdang nahuli niya sa suki nila sa Calbayog port. Habang ako naman ay tumutulong sa mga gawaing bahay at sumasama sa mga matatandang kaibigan ni Tiya Emelda na gumagawa ng perlas na kwintas, sa tabing dagat kami gumagawa dahil inaabangan ko din si Adonis para ibigay sa kaniya ang pagkain niya na niluto ko.

Tumutulong ako sa paggawa ng kwintas na perlas dahil gusto kong makatulong sa gastusin sa bahay. Kahit pa man isang daan lang ang sahod ko sa isang araw kapag nakakagawa ako ng maraming mga kuwintas na perlas o higit pa doon ay ayos na.

"Oh ayan na pala ang asawa mo! " narinig kong sabi ng mga kasamahan ko.

Kaya napalingon ako sa karagatan at nakita ko na nga siya. Nakatayo siya habang nasa direksiyon ko nakabaling ang kaniyang katawan habang kinakawayan ako.

Napangiti ako at kumaway pabalik. Masyadong maliwanag dahil sa araw, maslalo pa iyong lumiliwanag dahil sa kakisigan ni Adonis.

Mabilis kong kinuha ang tupperware na may lamang pagkain at tumakbo malapit sa dagat, hindi ko na hinintay pa na maunang dumaong ang bangka nila Adonis.

"Asawa ko! "

Salubong niya sa akin at binuksan ang dalawang braso at malaya ko siyang niyakap. Araw araw ganito ang gawain namin. At lagi akong tinatawag ni Adonis ng asawa ko. At masarap pakinggan iyon at para akong kinikiliti, pakiramdam ko ay may humahaplos din sa puso ko sa tuwing tinatawag niya ako ng gano'n.

Kumawala ako sa yakap niya at ibinigay sa kaniya ang tupperware. Nagbaba siya ng tingin doon at tinggap ito.

"Luto mo? " tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Sinarapan ko iyan! " natawa siya dahil sa sinabi ko.

Bigla ay inakbayan niya ako at inilapit sa kaniya at hinalikan ang sintido ko at bumaba ang labi sa tainga ko. "Masarap ka naman talagang magluto, kaya hindi na ako magtataka kong lalo akong maiinlove sayo. " nakaramdam ako ng kiliti dahil sa mainit niyang hininga na tumatama sa aking tainga maging sa aking leeg.

Mahina kong kinurot ang tagiliran niya at mahaderang umirap para maitago ang hiya.

Yumuko siya at inabot ang kamay ko na namula dahil sa aksidenteng nangyari kanina at marahang pinisil ang kamay ko.

"Bakit namumula ang kamay mo? " baritonong tanong nito at tila hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya ngayon.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko at dahan dahang binawi iyon kaya tinignan ako ni Adonis, seryoso ang tingin niya.

Lumunok ako. "Natalsikan lang ng mantika. " paliwanag ko at nakaramdam ng kaonting tensiyon dahil sa pagiging seryoso nito.

Pakiramdam ko kasi sa tuwing seryoso siya ay nakagawa ako ng kasalanan. At parang nawawala ang magaan na aura ni Adonis.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Adonis. "Lang? Nasaktan ka, Miriam. At ayaw ko na nasasaktan ka. "

Nag iwas ako ng tingin. "P-pasensiya k-kana... G-gusto ko lang namang makatulong sa gawaing bahay... " parang bumibigat ang dibdib ko habang sinasabi iyon, gusto ko lang naman kasi talagang tumulong pero hindi pa yata ako nakatulong kay Adonis.

Lumambot ang ekspresiyon ni Adonis nang mapatingin sa mga mata ko.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at ikinulong ako sa mga bisig niya. Niyakap ko din siya pabalik at humigpit pa ang hawak ko sa damit niya.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon