* Chapter 17: Book

10 1 0
                                    

* Chapter 17: Book

Meiji's POV

Matapos naming magpakabusog heto nanaman po siya naglilibot-libot sa mga boutique ng mga men's wear. Shopping nga ito. Pshh..

Siyempre sunod lang ako ng sunod sakanya dahil wala akong pera baka iwan ako nito. Ayon kukuha siya ng damit ipapabuhat saakin bale tagahawak niya ako. Ang gentleman lang talaga eh no! Tsk.

"Hoy Sungit! Bibilhin mo ba to lahat?" Tanong ko sakanya na patuloy paring naglalakad at nagtitingin tingin ng mga damit.

"Don't know" simpleng sagot niya

Medyo pang-asar pala 'to eh -____-

"Tsk! Ibababa ko na nga to! Bahalaka ngalay na ako oh!" Akmang ibababa ko na yung mga damit sa sahig ng pigilan niya ako at hinatak papunta sa may fitting area.

"H-hoy! Bawal kaya ang dalawang tao sa loob ng fitting room! Bakit mo ko tinulak rito??" Babala ko sakanya mamaya kung ano pang isipin ng mga tao pag nakitang dalawa kaming lumabas dito!

"Tss. Sino bang may sabi sayong magsusukat ako ng damit na nandito ka? Mamaya pagnasaan mo pa ako eh. Isampay mo lahat yan doon." Turo niya sa sampayan sa loob ng fitting room

Inirapan ko muna siya siyempre bago ko ginawa yun. Inaabuso ako neto eh -___-

Lumabas na ako agad ng fitting room na yun nang matapos ko ang pagsasampay ng mga damit niya. Hinintay ko na lang siya sa sofa na nasa waiting area.

Mga minuto pa ang lumipas at hindi pa rin nalabas yung mokong. Ano na kayang nangyari dun? Tsk.

Nagsoundtrip na nga lang ako. Ang tagal niya promise! Nakakainip!

Ilang minuto pang muli ay may nangbato saakin ng hanger. At pagtingin ko kung sino yun si Sunget pala.

"Ano nanaman?!" Pwede naman kasing tawagin ako eh nambabato pa -___-

"Kunin mo na yung mga damit dun tapos dalhin mo sa cashier" utos niya saakin at saka naupo sa sofa na inuupuan ko rin.

"Tsk" sambit ko na lang

Pasensya Meiji! Pasensya!

Nang makuha ko na eh agad kong diniretso yun sa may cashier at siyempre siya yung nagbayad.

"Uhm sir dahil po lagpas ng 5000 pesos yung napurchase niyo meron po kayong free limited edition Arrogant magazine. With exclusive interview pa po with To The TOP's main dancer Aaron Lee-"

"Just give it to her" pagputol ni Luico dun sa sinasabi ng cashier girl na medyo kinikilig kilig pa. Pfft dami talagang naloloko ng mokong na'to eh.

At siyempre si ateng masunurin pati yung mga paperbags saakin ibinigay kasama yung magazine.

"Maam? Boyfriend niyo ba yung cute na nerd na yun? Medyo masungit siya ha" bulong pa sakin ni ateng.

"Ah hehe. Bye na po" sabi ko na lang pfft.

Si Sungit ayun nasa labas na.

Yes! May magazine na din ako. Hmm sana may mapapakinabangan dito. Except sa mukha ni Sungit yung nandito.

Nang makarating kami sa pinagparkingan niya ng kotse niya ay agad kong ibinato sa loob ng back seat yung mga paper bags tapos kinuha ko yung magazine saka naupo ng ayos sa front seat.

"Ganyan ka ba talaga ka curious sakin?" Tanong niya saka iniandar yung sasakyan

"Psh. Nakapagtataka kasing sumikat ka eh ang sungit sungit mo. Siguro mangkukulam ka?" Di na siya nagreact at aba himala! Hindi siya highblood ngayong mga oras na'to

Fate & Destiny (on-going-slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon