* Chapter 19 : Mei & Mae?

3 0 0
                                    

* Chapter 19 : Mei & Mae?

Meiji's POV

Vacant na!

Sa wakas!

Kung kaya't agad kong inaya sina Mands at Jess sa cafeteria. Oo nga pala Jess came back mga 3 days after ng window shopping namin ni Mands.

Dumalaw lang naman daw pala siya sa lola niya out of town kaya nag-MIA ang bakla. Pero nag-excuse naan daw siya sa mga teachers namin. And since may online education naman sa ASIA hindi nahuhuli sa lessons at sa mga quizzes namin si Jess kasi ini-email siya ng teachers namin.

No wonder yung T.Top din kahit kalahati na ng klase pumasok noon eh nakacope-up parin saamin. Kaya siguro kampante rin yung mga yon! Tamo till now di parin nabalik.

Nang makarating na kami sa cafeteria ay agad kaming pumwesto sa favourite spot namin. Good thing walang tao! Dito sa may glass window ang pinakafave spot namin dahil kitang-kita yung soccer field. Yung grass field na nagsisilbi ring tambayan ng Asians.

"Hoy Jess! Dahil nawala ka ng walang paalam, kaya manlilibre ka!" sabi ni Mands kay Jess

Naku naku talaga tong si Mandy! Makatipid lang eh! Para-paraan!

"Oy! Hindi ko naman na obligasyong magpaalam ano!" maarteng sabi naman ni Jess

"Orily?" inilapit ni Mands yung mukha niya kay Jess kaya si bakla eh palayo ng palayo.

Tagapanood lang talaga nila ako. -.-

"Aishhhh! Oo na nga! Ano bang ord-"

Naputol ang sasabihin ni Jess ng tumunog yung speaker sa loob ng caf. Kaya halos lahat din ng mga nandito eh napatigil din at naghihintay na may magsalita.

"May announcement ata" bulungan nung mga estudyante habang nakatingin parin sa speaker at naghihintay.

"Mic test.. Mic test.." sabi nung boses sa speaker

Muli ay nagkaroon ng bulungan sa caf

"May naglalaro ata sa control room" bulong saakin ni Mands

"Oo nga. Mapapagalitan yang mga yan!" sabi ko naman

Si Jess naman ay nananatiling naghihintay na may magsalitang muli.

"Pfft. Okay.. Good Day ASIA! Good Day World! This is your DJ Daniel and-" naputol yung sasabihin ni Niel dahil rinig na rinig namin mula sa speakers na may umagaw ng mic mula sakanya.

At dahil nga si Niel iyong nagsalita ay nagtilian ang mga fangirls ng T.Top

"OMG! T.Top is baaaaaaack!!! I kennat!" isa lang ho yan sa mga nakakarinding komento ng mga tao dito

Napaismid nalang tuloy ako. Tss.. Nandiyan na pala sila! Edi andiyan nanaman si Sungit!!

Habang busy ang lahat ay tinignan ko yung pila sa cashier kaya sinamantala ko na at inutusan si Jess. Siyempre siya ang manlilibre ngayon eh!

"Jess! Order mo 'ko ng Takoyaki at Chicken Teriyaki with rice tapos Sprite ang drinks ko. Thank youu! *smile*" sabi ko

Napatingin naman ako kay Mands ng magreact siya.

"Gutom na gutom?" sabi niya saakin. More on pangungutya niya saakin.

"Wag ka nga! Umorder ka na lang din kung naiinggit ka!" sabi ko naman

"Hmm, italian food ang type ko ngayon so pasta and pizza tapos pineapple juice ang saakin Jess. Mamaya na yung dessert dahil malulusaw" all smile pero halos pasigaw na sabi ni Mands

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate & Destiny (on-going-slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon