* Chapter 13 : Play

55 3 0
                                    

* Chapter 13 : Play

Meiji's POV

Mejo kumalma na ako matapos ng mahabang kwentuhan namin nila Mands with Zeah and the company. At si Jess? Di na bumalik.

Naiflush na ata niya yung sarili niya.

At ngayon ay nasa girls' locker room kami ni Mands nagpapalit ng pang P.E namin. At etong isang to ay kanina pa daw tinext si Jess pero wala pa ring reply.

"Mands, di porket nagkaron lang kayo ni Jess ng minor accident eh dinaig mo pa ang girlfriend sa pagtitext sakanya" pang-aasar ko

"Loka!! Partner, ko siya sa P.E ngayon eh!" sabi niya

"Ah... Wait! Anong partner? May ganon na ba??" takang tanong ko.

Tumango lang siya, saka inayos na ang locker niya!

"Pero! Wala akong partner!" sabi ko.

"Duh! Last week pa pinost ni maam sa site ng section natin ung partnerings! Di ka nanaman ba nagcheck ng account mo? Grabe anong petsa na!"

Waaaah!! Naman kase nakakaloka kayang magbukas ng acc. dun!! Saka nakalimutan ko ung passwprd ko dun. TT.TT

"Oh. Eto na! Iyak ka na eh. Your partner is.." saka niya inabot sa akin yung Iphone niya.

"AARON LUICO LEE?! NANDEEEE!?"

***

Nanglalatang nakapila ako sa girls dahil sabi yun ni Maam. At mejo malayo sakin si Mands dahil magkatapat sila ni Jess.

Dapat kasi magkatapat kayo ng partner mo. At yung partner ko ay balak atang indianin ako. T.T

Sakit sa ulo talaga yung Luico na yon! -___-

"Okay, class. We're going to play your favourite childhood games" wika ni Maam at as usual ang mga estudyante bulungan dito at doon.

"And yup! They are the, patintero, kasal-kasalan, sock race, and etc. And you'll play that with your partners. So you must be excited!!" pagpapatuloy pa niya.

Eh siya nga lang ata yung mukhang excited eh. O ako lang yung walang gana ngayon? Arrrgh!!

Paano ako maglalaro? Eh wala pa yung partner ko-___-

Nakita kong papalapit saakin ung dalawa. Si Jess at Mands. Habang yung iba kong classmates ay nagbubunutan kung anong group sila mapupunta.

"Ay ateng! Waley ka pang partner??" tanong ni Jess

"Di ba obvious Jess? Madalas talaga shunga ka eh" pambabara sakanya ni Mands

"Sinech ba yung partnerskii mo?"

"Si Luico" sagot ko

At biglang nasamid si Jess, saka binigyan ako ng di makapaniwalang tingin na akala mo ay may apoy na lumalabas sa ulo ko -__-

"Ayos ka lang??" tanong ni Mandy kay Jess

"Yup"

"Okay class, magsisimula na ta-- Ms. Tanaka where is your partner?"

Sabi na eh, mapapansin ako ni Maam

"Uhm, wala po at-"

"Sorry I'm late!"

I look at him. His face is emotionless at napakasungit pa rin ng aura niya. Napayuko ako agad ng lingunin niya ako.

"It is rude to stare" he said with teasing tone. Though emotionless pa rin yung mukha niya.

"Aishh"

"Oh, Mr. Lee. Now I guess lahat na nandito-" naputol ung sasabihin ni maam ng may apat na lalaki pa ang pumasok sa gymnasium.

Fate & Destiny (on-going-slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon