""Do you like him?"
Pauli-ulit! Parang ume-echo sa tenga at isipan ko ang tanong na yan. Gusto ko ba sya? OO GUSTO KO SYA! Gusto kong isigaw sa kanya yan pero....hindi ko kaya. Napahawak ako sa kama sa tabi ko para humingi ng suporta. Pakiramdam ko ay bibigay na lang ang tuhod ko. Para akong matutumba ng wala sa oras sa tanogn nyang iyon.
Simple lang naman ang tanong nya, kayang-kaya kong sagutin....kung hindi lang sya ang nagtanong. Kung hindi lang syang pinsan ko ang nagtanong. Pinsan kong katatapos lang sabihin sa akin na gusto nya ang lalaking gusto ko. Paano ko ba masasabi sa kanya?
Sa isip-isip ko at gusto ko na lang patayin ang sarili ko dahil sa sobrang nahihirapan na ako sa pagsagot.
*knock*knock*
Sabay kaming napatingin sa pinto.
Di ko man aminin pero napahinga ako ng maluwag dahil sa sino mang kumatok. Napasalamatan ko ata lahat ng santa ng dahil sa pagsaklolo nila sa akin sa sitwasyong ito. At kung sino man ang kumatok na yun ay ipagdadasal ko gabi-gabi.
"Bukas yan. Pasok ka"
Bumungad sa amin ang nakangiting mukha ng pinsan ko, pero ng nakita nya si Akira ay biglang napawi ito. Binalewala naman iyon ni Akira dahil sanay na naman sya dito. Sadyang malamig talaga ang pakikitungo nito sa kanya simula pagkabata pa. Ayaw kasi ni Josh sa mga spoiled brat, which clearly explains na kung bakit ayaw nya kay Akira.
Tinry ko namang pag-ayusin sila, kaso sabi sa akin ni Josh sa susunod daw na gawin ko ulit yun ay hindi na nya ulit ako kakausain. At dahil ayaw kong mangyari yun ay hindi ko na ulit sinubukan.
"Sige Zhai, baba lang muna ako." - pagpapaalam ni Akira.
Tuluyan na namang pumasok si Josh sa kwarto at humalukipkip. Ng makalabas si Akira ay napansin ko pa ang pag-irap nito kay Akira. Ang sungit talaga eh. Lumapit ito sa akin at ng makalapit na ay bahagya kong hinampas sa braso nya.
"Ouch" - reklamo nya.
"Maka-ouch ka dyan"
"Bakit ka ba kasi nangha-hampas?"
"Ang sungit mo naman kasi pagdating kay Akira."
"Whatever. Well, anyways, ayaw mo ba talagang dito na lang kami patulugin? Well, pwede namang dito ako matulog right?"
"Oo pwede. Tss. Bahay naman natin to no. Kaso mukhang mas magiging masaya ka naman kung kasama mo dun yung mga barkada mong abnoy eh di dun ka na."
"Maka-abnoy ka naman sa kanila Cous."
"Whatever!"
"So ano nga? Pwede bang dito sila matulog?"
"Bahala kayo. Basta magkakabukog ng kwarto"
Bigla naman itong napa-suntok sa ere. Problema nito? Tss. If I know masaya lang yan kasi makakasama nya buong gabi si Ava. As if namang papayagan ko like duh~
"Oy hanggang 12am lang kayo pwede magsama ni Ava. Dapat by 12 nasa mga kwarto na tayo"
"Cous naman. 8pm na oh? Tas 12 am? Grabeh dinaig mo pa si mommy eh"
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my KAPITBAHAY
Teen Fiction~pano kung ma-inlove ka sa kapitbahay mo?~ Lahat tayo nasasaktan Lahat tayo nagmamahal pero hanggang saan nila kakayanin ang mga pagsubok na dumadating sa buhay pag-ibig nila? Hangagng kelan?