~Chapter 19~

129 7 5
                                    

Nagising ako ng may marinig akong sunod-sunod na pag door bell. Napatingin ako sa wall clock ko at nakita kong 8pm pa lang. Napangiwi ako ng makita ko ang oras. Masyado pang maagap. Sa tingin ko ay wala pang dalawang oras ang tulog ko.


Mabibigwasan ko talaga ang kung sino mang nang-istorbo. Gabing-gabi na nang-iistorbo pa. Padabog at dali dali akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa gate. Padabog ko rin iyong binuksan at nakita ko si Ryner. Para syang galit na ewan.


"Ano ba?" - singhal ko agad sa kanya. 

"Anong ano ba? Kanina pa kaya kita tinatawagan at tinetext. Tas kanina pa rin ako dito sa labas ng bahay nyo." - pagalit nyang sigaw sa akin.

"So? Kasalanan ko ba yun? At saka bakit ba?"

"Alam mo namang dito ako kakain di ba? Dito ako naghahapunan. Bakit? Nalimutan mo na agad?"

"Ako pa? Ako pa talaga?" - binatukan ko sya.

"Aray naman oh! Ano bang problema mo?"

"Ako pa ang nakalimot ha? Hinintay kaya kita. Tinawagan pa nga kita eh. Pero si Akira yung sumagot. Tas sabi nya pinagluto ka daw nya. Na dun ka na lang kakain. Nakakainis ka! Sana sinabi mo agad di ba? Tss. Sayang yung pagkain. Andami-dai ko pa namang niluto kasi alam kong may halimaw dyan sa tiyan po." - bahagya ko pang tinuro yung tyan nya

Padarag syang napakamot sa ulo nya at napatingin sa bahay nila. "That brat. Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko. sumunod sya bahay. Pinabayaan ko sya sa kusina at umakyat sa kwarto ko. Tas di ko na namalayan yung oras kasi nakatulog ako. At saka kahit naman magluto sya dito pa rin naman ako kakain. Kasi alam kong ikaw ang nagluto. Alam kong andito ka at hinihintay ako para sabay tayong kumain"


Pagkatapos nyang sabihin yun eh napayuko sya na para bang hiyang-hiya syang sinabi nya yun. Hindi ko na namanlayan na napangiti pala ako dun. Kinikilig ako pero bago pa nya makita yun eh nilunok ko na sa sarili ko ang kilig na nagbabadyang umusbong.


Humalukipkip ako at napatingin sa kanya. Napansin siguro nya yun kaya nag-angat din sya ng tingin sa akin.


"Ano kumain ka na ba?" - tanong nya sa akin.

Sa tingin mo makakakain ako? Nawalan kaya ako ng gana. Gusto kong sabihin sa kanya yan. Pero...nevermind. Bahagya akong umiling saka sya sinagot, "H-hindi pa."

Hinawakan nya ako sa pulsuhan ko at hinikit papasok sa loob. Ginaya nya ako sa kusina at pinaupo sa dining table at sya na mismo ang naghanda ng mga pinggan at kubyertos.


"T-teka lang. Iinit ko lang yung ula—"

"Wag na. Masarap pa rin naman yan."


Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa sinabi nya. Sa loob ng isang linggong nakalipas hindi nya sinasabi kong nasasarapan ba sya o hindi sa mga niluluto ko. Hindi na rin naman ako nagtatanong kasi baka magtalo lang din kami. Kasi alam ko naman talagang masarap akong magluto at kung kokontrahin nya lang yung. Ayaw ko lang talaga makipagtalo.


Tahimik lang kami habang kumakain. Tanging tunog lang ng kubyertos na tumatama sa pinggan ang lumilikha ng ingay.


Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko. WTH! Bakit ganun? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Is it really possible?


"Kamusta exams mo?" - napatingin ako sa kanya ng itanong nya yun. Pagkatapos nyang itanong yun ay sumubo naman sya.

"O-okay lang naman." - sagot ko. Tumungo ako at pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko.

"Pangit, nate-tense ka ba?"


Bigla naman akong napatingin sa kanya. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka. Ngayon na lang ulit nya ako tinawag na pangit tas ganun pa yung tanong nya.


"Anong sabi mo?"

"Pangit, nate-tense ka ba? Nate-tense ka ba pag kasama ako?"


Binato ko sya ng tissue na nasa tabi ko.


"Kapal mo. Kala mo talaga ang gwapo-gwapo mo! Lul! Nangangarap ka na naman dyan. At saka bakit naman ako mate-tense pag kasama ka/ Like duh~" - inirapan ko pa sya pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.


"Gwapo naman kasi talaga ako kaya nga crush mo ko eh." - nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. WTH! Tumawa lang naman sya sa naging reaksyon ko. Ano bang pinagsasasabi nitong bang-aw na to?


"A-anong sabi mo? C-crush kita? Ikaw? Ikaw crush ko? Youve got to me kidding me." - at bigla naman akong natawa. Ang lakas kasi makapagbiro nitong lalaking to eh,


Wag kang mag-alala bang-aw. Aamin naman ako sa yo na gusto kita, but now is not the right time. Yes, I like him but Im still unsure if this feeling can go deep down. Im still unsure.


"Bakit? Is it a sin na magka-crush sa akin? Im every girls dream boy kaya." - maarte pa nyang sabi.


Napahalkhak talaga ako sa sinabi nya. Hahahahah Every girls dream boy? Lakas talaga ng tama nito. Ang YABANG!


"Whatever you say Ryner. Youre so mayabang." - sabi ko na natatawa-tawa pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In Love with my KAPITBAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon