"O-okay ka lang?" - tanong nya sa akin
"O-okay lang naman." - sabi ko saka umalis mula sa pagkakabuhat nya sa akin.
Ang awkward naman nito :3 tss.
"Ano ba kasing kinukuha mo dun? - sabi nya habang itinatayo yung natumbang bangko. Ipinakita ko lang naman sa kanya tong hawak kong pringles. Napangiwi naman sya nung nakita yun. Tss.
"Wala ka bang balak alisin yang nasa mukha mo?" - medyo natatawa-tawa pa nyang sabi.
Naalala ko na naman tuloy yung kalokohang ginawa sa akin ni Josh. Lechen pinsan ko yun aba! Lakas ng tama eh!
Tatalikod na sana ako sa kanya para maghilamos sa sink ng bigla syang lumapit sa akin kaya napa-atras ako hanggang sa naramdaman ko na lang yung sink sa likod ko.
Binuksan nya yung gripo at isinahod yung kamay nya. Tas bigla nyang inalis yung nasa pisngi ko. Sa sobrang gulat ko hindi na ako naka-react. Masyado syang malapit sa akin at saka ano baaaaaaa....KINIKILIG KAYA AKO!
Nakahawak pa rin sya sa pisngi ko at pinagpapatuloy ang ginagawa nya ng tumatawang pumasok ang mga kaibigan namin. Napalingon agad ako sa kanila at nakita ko ang mga nanlalaking mata nila pero iniharap ulit ni Ryner yung mukha ko sa kanya at pinagpatuloy yung ginagawa nya.
FCK!
"Uhhh guys balik na lang tayo dito mamaya. Mukhang *ehem* nakakaistorbo ata tayo sa kanila" - sabi ni Shone
"Yeah guys. Leave." - pautos na sabi ni Ryner.
Mas lalo namang lumakas ang tawanan ng mga kalalakihan.
Ilang sandali pa kaming tahimik ng bigla syang bumitaw at may inabot sa kabinet. Kumuha pala sya ng tissue. Ang buong akala ko ay iaabot nya sa akin iyon para ako na mismo ang magpunas pero nagulat ako ng lumapit sya at sya na mismo ang gumawa.
"K-kaya ko naman eh"
"Kaya ko rin naman"
"Pero.."
"No buts Miss."
Inirapan ko na lang dahil sa pagputol nya sa gusto kong sabihin. Ugh! Nakakainis naman tong isang to. Napaka-MOODY!
Kanina lang halos mamatay sya katatawa tas ngayon naman ang sungit sungit nya. Hays! Ewan ko ba sa mga lalaki ngayon! Nakakainis sila huh!
Pagkatapos nun eh natahimik na ulit kami. Uhhh ano bang sasabihin ko?
"S-salamat pala. Kaya ko naman talaga eh. Tss."
"Parang ayaw mo pa ah? Naalibadbaran lang ako. Ang pangit mo na nga mas pumapangit ka pa pag may ganun ka sa mukha"
"Ish! Epal ka talaga no? Eh sino ba nag-utos nun? Tss. Baka nga ikaw pa eh at saka wala naman akong sinabing ikaw na ang gumawa kaya ko naman. Epal ka lang talaga. Ish." - pagkasabi ko nun ay nag-martsa na ako palabas ng kitchen at papunta naman ng sala kung saan nandun pa rin sila.
"H-hoooy Zhairaaaa" - narinig ko pang sigaw nya
"Ano ba na naman yan Cous? Kanina lang ang sweet sweet nyo tas ngayon LQ na naman kayo?"
"Shut up Josh!" - tapos binato ko sya ng unan. Napansin ko naman na parang wala ata si Akira. "Teka nasan ba si Aki?"
"Di ba nagpaalam sayo? Umalis na sya eh. Tumawag daw Daddy nya. Pinapauwi. Kala ko pa naman dito yun matutulo. Sayang" - sagot ni Ava
Bigla namang pumasok si Ryner kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nakatingin naman agad sya sa akin kaya naman inirapan ko na lang sya. Sus! Laking epal talaga! Tss.
x-x-x-x
Nakalipas ang isang linggo na wala muna kaming gimik gimik na magbabarkada. Busy din kasi ang lahat kasi exams na. Hays buhay estudyante! Napag-alaman ko din na hindi pala namin kaklase si Akira. Hindi rin namin sya schoolmate.
Sa school nila Ryner sya pumapasok. Oh well, kaya siguro ang saya-saya nun na nagawa pa nyang hindi ako kontakin. Well, kinokontak din nama nya ako kaso madalang. Kung dati ay halos nakaka-ilang tawag sya sa akin sa isang araw, ngayon ay halos isang beses isang araw na lang sya kung tumawag.
Si Ryner naman, after school pumunta sa bahay para makikai. Ginagawa na nga ata ako nung personal cook nya eh. -_- Grabeh ha! Ang swerte nya, bukod sa masarap ang luto ko, maganda pa ang cook nya! Tss.
So bale ang set-up namin palagi eh after school pupunta na agad yun dito para mang-asar, mang-inis, at makikain. Galing nya no? Dakilang tamad. tss.
Last day na ng exams ngayon at eto nasa bahay na ako. Bubuksan ko na ang gate ko ng napansin kong andyan na yung kotse ni Ryner. Ang agap naman nito. Binuksan ko na ang gate at tuluyan na akong pumasok. Nagbihis lang ako at nagtungo na sa kusina para magluto ng hapunan.
Habang hinihintay kong maluto ang ulam napatingin ako sa relo ko. Teka parang late ata si Ryner ah. Dapat ganitong oras eh nandito na sya. Oh well, siguro busy pa.
Nang lang sandali pa ay naluto na nga ang ulam. Naghintay ako ng 10 minutes bago ko sya tinawagan. Sa pngatlong ring ay sinagot na nya. "Hello Ryner? Asan ka na ba? Kakain na kaya. Tss. late ka na ah" - may pagka-irita ang pagkakasabi ko nun. Well gutom na rin kaya ako tas pinaghintay pa nya ako. Sya na nga tong pinagluluto ko gabi-gabi eh.
"Hello Zhai?" - boses ni A..Akira.
"Uh Hello?"
"Hello Zhai." - masiglang bati pa nito. "Nasa kwarto nya kasi si Ryner. Tas nandito naman sa sala tong phone nya eh narinig kong nagri-ring tas ikaw ang caller kaya sinagot ko na."
"A..ah. Andyan ka pala kila Ryner?" - antanga nung tanong ko di ba? Obvious na naman po kasi yung sagot. Tss. Gaga!
"Ah yes. Nag-offer kasi ako na ipagluto sya ng dinner. Nung una ayaw pa nya kaso syempre alam mo na mapilit ako kaya kahit ayaw nya eh sinundan ko sya dito sa bahay nila. Ahaha" - natatawa-tawa pa nyang sabi.
Sa gulat ko ay hindi ko alam kung anong ire-react ko.
Nandun sya sa bahay ni Ryner para ipagluto ito ng hapunan. B-bakit hindi agad sinabi ni Ryner? Bakit? Pinaghintay pa ako nito. Sana man lang eh sinabi nya di ba? Ng hindi ako mukhang tanga na naghihintay sa wala. May iba na palang nagluluto ng hapunan nya.
Unti-unti ay may namuong galit sa loob ko kaya naman kahit di pa ako nagpapa-alam kay Akira ay pinatay ko na ang tawag. Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya naman padabog ko na lang niligpit ang mga nakahaing pinaggan at pinagtatabi ang ulam at ang kanin.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpasya na matulog na lang. Noong una ay hindi pa ako makatulog sa kaiisip sa ginawa sa akin ni Ryner. Alam naman siguro nito na naghihintay ako so sana man lang sinabi nya di ba? Tss. Ngunit dala na rin siguro ng pagod ay nakatulog na rin agad ako.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my KAPITBAHAY
Ficção Adolescente~pano kung ma-inlove ka sa kapitbahay mo?~ Lahat tayo nasasaktan Lahat tayo nagmamahal pero hanggang saan nila kakayanin ang mga pagsubok na dumadating sa buhay pag-ibig nila? Hangagng kelan?