011

40 1 0
                                    

Unedited.

—————

MAHIGPIT NA YAKAP ang salubong ni Onyx kay Ciara nang magkalapit sila sa isa't-isa. Nakangiting ibinalik naman ng dalaga ang yakap ng kasintahan. Nagkikita naman sila every week, pero miss na miss pa rin nila ang isa't isa.

Kung hindi lang tumikhim ang Kuya Cris niya ay baka hindi pa sila nagkahiwalay.

Uminit ang pisngi ni Ciara nang kumalas sa yakap ng kasintahan. Nakalimutan niyang kasama pala nila ang kapatid niya!

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Onyx nang makita ang pamumula ni Ciara. Hinapit siya ito sa bewang kasabay ng pagtango nito sa step brother niya.

"Thank you for bringing her here," saad ni Onyx. Nakapamulsang tumango si Cris. "No worries. May pupuntahan din naman ako rito kaya sinabay ko na."

Sumingit si Ciara. "Thank you, kuya. Ingat ka sa pag-uwi."

Cris smirked and waved them goodbye. Sabay na pinagmasdan ng magkasintahan ang pagpasok nito sa loob ng sasakyan hanggang sa mawala ito sa paningin nila.

Iginiya siya ni Onyx papasok sa elevator na magdadala sa kanila sa condo unit nito. May mga kasama sila sa elevator at ramdam niya ang tingin ng mga ito sa kanila, o sa kasintahan niya lang.

Paano ba naman kasi? Onyx looks hot even without putting an effort. From his soft wavy hair, thick brows, dark piercing eyes, high pointed nose, and to his well-defined jaw, added with those hot stubbles, sino ang hindi mapapalingon sa binata?

Sumiksik si Ciara kay Onyx na nagpababa ng tingin nito sa kaniya. Nginitian niya lang ito at hindi na kumalas hanggang makarating sila sa unit nito.

His unit looks comfy and aesthetic. Napangiti nalang si Ciara. Her man is an art god, hindi na siya nagtaka na ganoon ang ayos ng condo nito.

"Do you want something to drink?" Nilingon niya si Onyx. Nakapamulsang pinagmamasdan siya nito.

"Can we have some milktea? I'm craving." Ngumuso siya at lumapit sa kasintahan. Kinantalan nito ng halik ang sentido niya.

"Sure, I'll order. What flavor do you want? Do you want to add some foods?"

"Matcha. Hmm, for the food, I guess pizza nalang, love."

"Alright." Humiwalay siya kay Onyx nang hugutin nito sa bulsa ang cellphone para mag-order.

Nagtingin-tingin nalang muna siya sa paligid habang abala ito sa cellphone. She spotted their pictures on the left corner of the condo. Nakalagay sa frame ang mga iyon kaya nilapitan niya para tingnan.

Most of the pictures, she is hugging Onyx like a baby. Clingy siya pagdating sa kasintahan kaya naman halos lahat talaga ng pictures nila ay nakayakap siya rito.

"Gusto mo bang magpahinga muna? You can sleep in my room," baling ni Onyx sa kaniya pagkatapos isilid sa bulsa ng pantalon ang cellphone nito.

Sa sinabi ng binata ay napahikab tuloy siya. Nakatulog naman siya sa byahe kanina ngunit hindi pa rin sapat ang tulog niya. Hindi siya sanay na gumising ng maaga since panghapon ang klase niya.

Onyx chuckled while watching her. Hindi niya man sabihin ay alam na nito ang sagot niya. Lumapit ito sa kaniya at hinila siya papasok sa isang pintuan na hula niya ay silid nito. Dalawang kwarto ang naroroon sa unit nito.

Nakita palang ni Ciara ang malambot na higaan nito ay gusto na niyang mahiga agad. Pinaupo siya roon ni Onyx at nag-squat ito sa harap niya. Inaantok na pinagmasdan niya ang kasintahan. Sinuklay niya ang malambot na buhok nito na tumatabing sa mga mata nito.

"I'll wake you up later," ngumiti ito. Ngumuso siya at tumango. Mahinang tumawa si Onyx at hinayaan na siyang mahiga sa kama nito. Huling naramdaman niya ang paghalik nito sa noo at pisngi niya bago siya hinila ng antok.

Nagising siya sa marahang haplos sa mukha niya. Dahan-dahan niyang inimulat ang mga mata at bumungad ang gwapong mukha ng kasintahan sa kaniya.

"Morning," he said jokingly in a husk. Ngumuso siya at kinusot ang mga mata bago bumangon.

"My sisters are here." Nagising ang inaantok niya pang diwa nang marinig ang sinabi ni Onyx.

"W-What?"

Bumuntonghininga ito at inalalayan siyang makababa sa kama.

"Hindi man lang nagsabi na pupunta dito. I'm sorry," hingi nito ng paumanhin.

Umiling siya. "N-No, it's okay. Kanina pa ba sila?"

"Hmm, not really," sagot ng binata saka pinagmasdan siyang mabuti. "Are you sure, it's really okay to meet them now?" maingat nitong tanong kapagkuwan.

Napakagat-labi si Ciara. Sa totoo lang ay nahihiya pa talaga siyang makilala ang pamilya nito. Pero hindi naman puwede na ipagtabuyan ni Onyx ang mga kapatid dahil lang sa ayaw niya pang makilala ang mga ito.

"Magbibihis lang ako, love. Mauna ka na sa labas."

Sandali pa siyang tinitigan ni Onyx bago ito tumango. Nagpakawala ng malalim na hininga si Ciara nang makalabas ang kasintahan. Tumayo siya at sinimulan ang pag-aayos sa sarili.

Maingay ang kusina nang lumabas siya sa silid. Tanaw niya roon si Onyx na salubong ang kilay habang nakikinig sa kuwento ng mga kapatid. Inilabas niya ang cellphone para kuhanan ng litrato ang mga ito.

Napalingon sa kaniya ang kapatid ni Onyx na masungit ang mukha. Alanganing ngumiti si Ciara, kinakabahan sa reaksiyon nito.

"Owemjiiii! She's so pretty, kuya!" tila nito kapagkuwan na nagpangiwi sa kaniya. Napalingon din tuloy sa kaniya ang mga kapatid nito.

Namilog ang mga mata ng kapatid ni Onyx na nawawala ang mata kapag ngumingiti na sa hula niya ay bunso ng mga ito.

"Hi, ate!" Mabilis na nakalapit ang dalawa sa kaniya at sinunggaban siya ng yakap na para bang matagal na silang magkakilala.

Tumili nang sabay ang dalawa na kinatawa niya. Gumanti siya ng yakap sa mga ito, sinulyapan si Onyx na nakangiting pinagmamasdan sila. Parang maiiyak siya sa sayang nararamdaman.

Twila Odyssey ang pangalan ng sumunod kay Onyx. Ang bunso naman nila ay si Thea Reese.

"Nice to finally meet you, ate! Ang ganda mo lalo in person! Aagawin talaga kita kay kuya kapag sinaktan ka niya!" sambit ni Thea, na ang sabi nito ay tawagin nalang niya na Three.

Natawa siya. Onyx groaned and walked towards them. Hinila siya nito palayo sa mga kapatid at niyakap siya mula sa likuran. Uminit ang pisngi niya, hindi inasahan ang ginawa nito sa harap ng mga kapatid, lalo pa at nakita niyang umirap si Twila.

"Ang damot mo naman, kuya!" simangot nito.

"You two are so loud. Aagawin niyo pa ang girlfriend ko." Onyx tsked. Siniko niya ito.

"Nice meeting you girls," ngiti niya sa dalawa.

Hindi kalaunan ay kumain na silang apat. Nang makaalis sa kusina ay inaya naman siya ng dalawa para magpicture. Hindi niya mabilang kung nakailang kuha sila ng litrato. She had fun, though.

Natawa nalang siya nang hilain ng mga ito si Onyx para kuhanan sila ng litrato. Sumimangot ang kasintahan na ang akala ay isasali ito sa picture.

Nilambing nalang niya si Onyx nang umuwi na ang mga kapatid nito dahil nagtatampo raw.

——

A/N: Any thoughts?

Until The End (Epistolary)Where stories live. Discover now