Unedited.
-----
ANG INGAY ni Two at Three ang bumungad kay Ciara nang pumasok siya sa condo ni Onyx. Nakasalampak sa sahig ng sala ang magkapatid habang nanonood ng horror movie.
Si Onyx naman ay nasa kusina, hinahain nito ang mga inorder na pagkain. Binati niya ang mga kapatid nito bago siya lumapit sa kasintahan at malambing na yumakap rito.
"Hindi mo ba nabasa ang text ko?" tanong ni Onyx nang nilingon siya.
"You texted? Hindi ko kasi nilabas ang phone sa bag ko."
Nang maihanda na ang lahat sa mesa, humarap si Onyx sa kaniya at kinintalan siya ng halik sa noo. Kinuha naman ni Ciara ang cellphone.
"Oh, you want us to celebrate in a restaurant sana?"
"Yes. Bigla kasing dumating si Two at Three dito. I want to be with you alone," anito at sinulyapan ang dalawang kapatid.
Ciara pinched his cheeks. "Hayaan mo na. We can do it next time. Okay, love?"
Tumango ito at hinigpitan ang yakap sa kaniya na may halong gigil. Ngumuso nalang siya.
Si Two at Three ay magkayakap na at sabay na napapatalon sa pinapanood. Nagkalat na ang popcorns at iba pang snacks sa sahig.
"Girls, kakain na," tawag ni Onyx sa dalawa.
Si Three ang naunang tumayo. "Yes, foods!" Sumasayaw itong nagpunta sa kusina.
Si Two ang nag-off ng TV habang nakapikit. Sabog ang buhok na umupo ito sa kaharap na upuan ni Three.
"Let's pray first," si Ciara.
Tumango si Onyx. "Three, lead the prayer."
"Okie dokie!" Pinagsiklop na nito ang mga palad na sinundan ng tatlo. "Lord, thank you for today. Thank you for the give of life you have given us. Thank you for the blessings, to the food that we eat, and to the drinks. Today marks the first anniversary of Kuya Onyx and Ate Ciara, thank you for guiding them and keeping them strong together. I hope that whatever problem or challenges they may encounter, they will stand still and fix it. I'm asking for your forgiveness to all our sins, those who we wronged and those who wronged us. Amen."
"Kainan na! Happy anniv, kuya and ate!" si Two na sumandok na ng kanin.
Panay ang kuwento ng bunso nila Onyx sa pinapanood na horror kanina. Napapangiwi naman si Two habang kumakain.
"And then kinain-"
"Oh, stop that Three! Kumakain tayo," putol ni Two sa kapatid.
Napapailing naman si Onyx at hinayaan lang ang dalawa. Nang matapos kumain, nagpresinta ang magkapatid na sila ang maghuhugas ng pinagkainan. Si Ciara at Onyx ay nasa sala na.
Nakaupo si Onyx at nakasandal sa sofa habang nakahiga si Ciara sa mga hita nito.
"Love, what if mag-travel tayo next anniversary? I mean sa malayo, " untag ni Ciara sa katahimikan.
Napangisi si Onyx. "You like that?"
"Hmm..." si Ciara na nag-iisip na.
"Actually, I thought of that too. Hinihintay lang kita na magsabi kasi baka hindi mo gusto." Yumuko ito at kinintalan siya ng halik sa noo.
"Of course, gusto ko! We're traveling out of town kaya, but then hindi naman super malayo dito."
"Bakit next anniversary pa? You know we can always travel if we're both free."
BINABASA MO ANG
Until The End (Epistolary)
Roman pour Adolescentsthe cordero siblings i - Until The End (Onyx Enzo) Onyx Enzo's love for Ciara Venice is beyond anyone's imagination. He would do everything to keep her close in his arms until the end, fighting against all odds, even against her family's traditions.