041

22 1 0
                                    

Unedited.

-----

BUMANGON NA AKO sa kama para maligo. I'm so excited to meet Onyx's family today. I've met them at my party last night, pero iba pa rin sa pakiramdam na silang pamilya lang ang kasama ko.

I'm wearing a simple floral sleveless dress. My hair is in a ponytail. Mainit ang panahon sa Batangas ngayon. I'm not going to ride my car. Malapit lang naman ang hotel na tinutuluyan ng pamilya Cordero.

I put my things inside my bag and decided to go out already. I didn't check my phone because I'm really so excited to meet them again.

"Hi, Ciara! Congratulations on your graduation!" bati sa akin ng mga tao pagkababa ko. They are living in this condominium building too.

"Thank you!" I smiled. Napapatigil pa ako sa paglalakad dahil may mga lumalapit para bumati. May mga natatanggap pa akong mini flowers.

Nakangiting sumakay ako sa elevator para makababa sa ground floor. Iiwanan ko muna ang flowers sa front desk dahil wala akong mapalagyan kasi maglalakad lang ako.

"Good morning, po."

"Ciara! Mabuti naman at nandito ka na."

Kumunot ang noo ko. "Bakit po?"

"May naghahanap sa'yo sa labas."

"Sino po?"

"Hindi ko alam, eh. Lalaki siya, naroon sa labas. Hinaharangan ng guards kasi lasing."

"Okay, lalabas ako. Can I leave my flowers here for awhile?"

"Sure, no problem."

I mouthed my thanks. Kuryoso na lumabas na ako ng building.

"Let me go! I want to see Ciara! Hindi niyo ba ako kilala?" sigaw ng lalaki.

"Sir, hindi nga pwede. Umalis na kayo dito, nakakaistorbo kayo," naiinip na sambit ng isang guard.

"What's happening here?"

Napalingon ang guards sa akin. "Miss Ciara..."

"Ciara!" sigaw ng lalaki.

Kumunot ang noo ko. "Astro?"

"Hinahanap ka nito, miss..."

"Ako na ang bahala, kuya."

"Ciara, let's talk." Lasing na lumapit si Astro sa akin. Inalalayan siya ng guards dahil natutumba. Sinalubong ko na rin siya. Lumayo sa amin ang security.

"What are you doing here, Astro? And you're drunk! You should just go home."

"B-Bakit hindi ako, C-Ciara?"

"H-Huh?"

Hinablot niya ang braso ko. Napaigik ako sa sakit. Lasing siya kaya mabigat ang kaniyang kamay.

"Ano ba, Astro?! Let me go!"

Nagpumiglas ako pero hinigpitan niya ang yakap sa akin. "T-Tell me, Ciara. B-Bakit hindi ako ang p-pinili mo!"

Until The End (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon