Chapter One

14 3 0
                                    

New Mission

I quickly showered and dressed even though I felt like I had only been asleep for a few hours.

Oh Damn! Mabilis kong isinuot ang uniform ko at saka sumakay sa kotse.

Habang nasa daan ay iniisip ko kung anong kailangan sakin ni General, tapos na ang misyon ko 6 days ago at impossible na may kasunod ulit 'yon. Possible! sa trabahong meron ako, lahat ay possible.

It's funny to think that I've been shot several times but I'm still not dead. I remembered my last mission, I was hit by a bullet in the shoulder, but it was only a slight blow and it healed quickly.

Nakita 'yon ni mama nung bumisita ako sa kanya sa Canada. Naalala ko pa kung pano siya naging oa at mas lalong ipinipilit niya sa aking ang pagsali sa beauty Queen o kaya ay ang pagiging model. Dahil kung itsura at pangangatawan ay hindi daw ako magpapahuli. I have a diamond face. Ang tangos ng ilong ko ay namana ko naman sa aking Ina while may black-brown eyes ay namana ko naman kay papa. And I know that I have a beautiful long pair legs. I have a hourglass body. Mapapagkamalan nga akong may lahi kahit one fourth lang naman ang dugong meron ako galing sa banyaga. Mga katangian na pwede sa pageant para sa beauty Queen o kaya ay pagiging model. Kung ayaw ko daw naman ay wag na daw ako mag sundalo at manage na lang ng business namin.

Damn! it's so boring. I don't want to live like a princess. I don't need a crown, all I need is gun. Mas nabubuhay ang dugo ko kapag nakakahawak ako ng baril, at mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakatulong ako sa mga inagrabyadong tao laban sa mga taong abuso, o mga halang ang kaluluwa.

Until now ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi sila maubos ubos. Marami na ang nalagas sa mga kabaro ko, katulad na lang ng papa ko, Kaya hanggang ngayon ay nagni-nitnit pa rin ang loob kong ubusin ang lahat ng mga taong masasamang loob. Ayokong masayang ang paghihirap at pagsasakripisyo ng aking mga kabaro, lalo na ng aking ama dahil alam kong marami ang nagluluksa at nangungulilang pamilya dahil nawala ang mga mahal nila sa buhay dahil sa pakikipaglaban para sa bayan.

"Salute sir. Lieutenant Alitha Sarmiento summoning for duty sir." tumayo ako ng tuwid at saka sumaludo.

Sumaludo din siya sa akin, at saka seryoso akong tiningnan.

"I know na kababalik mo lang galing sa misyon, how's your wound?"

"It's okay now Sir!"

Tumango naman siya at may kinuha siya sa kanyang drawer. Habang kinukuha niya ang folder sa kanyang drawer ay nararamdaman ko na agad na may bagong misyon ulit kami. Aalis ulit ako, saang bansa kaya ako ipapadala ngayon? O baka saang bayan? sa Mindanao ba o sa Cotabato.

Iniabot niya sa akin ang folder at mabilis ko naman itong tiningnan.

"Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. You have a new mission. A special mission for you. The Governor Villarreal is in Danger lalo na ang pamilya niya, ilang beses na may nagtangka sa buhay nila, bagama't maraming sundalo ang nakapaligid sa kanila ay hindi pa rin iyon sapat. Last time, may nagtangkang bumaril kay Mr. Grayson Villarreal, the only son of Governor Villarreal. Ayaw niya ng mga sundalong pro-mo-protekta sa kanya. He hates soldier at iyon ang problema ni Governor, that's why humingi siya sa akin ng tulong. And you, ikaw ang napili kong promotekta kay Mr. Grayson Villarreal, you need to under cover your real identity. Because if he finds out that you are part of the army, everything will gonna be mess. Ang isang anak naman na babae ni Governor ay nasa ibang bansa pa, at kung sakaling uuwi siya ay ako na ang bahalang humanap ng proprotekta sa kanya. For now, you need to protect Mr. Grayson Villarreal."

Binubuklat ko ang impormasyon na nasa folder na inaabot sa'kin ni General Menlez. My eyes get bigger and bigger when I see the picture of the man, the man I made out last night!

Oh shit! Why him? Nagdadalwang isip ako kung tatanggapin ko ba ang misyon na 'to. The hell, why do I need to protect the man I made out last night. And wait he hates soldier? Why? ano ang mga dahilan niya para magalit sa aming mga sundalo. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang protektahan ang mga taong nangangailangan sa amin yet, kinagagalitan pa din pala kami.

If he hates soldier, why do we need to protect him?

But sa isiping may gustong pumatay sa kanila ay biglang kumulo ang dugo ko. Governor is a kind man, matulungin siya sa lahat ng nangangailangan at napatunayan kong hindi siya kurap gaya ng ibang namumuno sa politiko.

"Bukas na magsisimula ang misyon mo, In order to hide your true identity, you will be his personal maid and personal assistant. Alam na din ni Governor na bukas ka magsisimula, and naihanda na ang lahat ng mga papeles mo."

May bahagi sa sarili ko na magsasabing huwag tanggappin ang misyon, mayroong din na kailangan kong tanggapin dahil bawal akong tumanggi sa kung ano mang misyon ang ibibigay sa akin. Ngunit sa tono pa lang ng pagsasalita ni General ay may pinalidad na ito, at hindi nito tatanggapin ang kahit na anong rason ko para tanggihan ang misyon ko. As if I can tell him that I can't accept this mission because this guy, the guy you want me to protect is the guy the I made out last night!

Kung maari ko nga lamang sabihin 'yon pero hindi. Napakababaw namang dahilan 'non and I need to be a professional for God sake!

"I trust you hija, I trust your ability and skills. That's why ikaw ang napili ko, at wala din akong ibang gustong pagbigyan sa misyong ito kung hindi ikaw. Malapit sa akin ang pamilyang Villareal, kaya hindi ko sila kayang ipagkatiwala sa kung kanino man."

Lumambot ang ekspresyon ko nung tinawag niya akong hija, he is like my father to me, siya ang tumayo kung ama mula nong namatay si papa. Siya ang tumulong sa akin upang mas lalo pang maging matatag at mapagtibay ang loob ko. Isa siya dahilan ngayon kaya naging mahusay akong sundalo. How can I refuse him? as if I have a choice.

"And after this mission, you can have 1 month vacation, I won't bother you again... Promise." dagdag niya.

Matagal ko ng pinangarap na magkaroon ng isang buwang bakasyon, palagi na lang kasi halos isang linggo na lang ang pagpapahinga ko galing sa misyon, minsan nga ay tatlong araw lang. Heaven na para sa akin ang pagkakaroon ng 1 month vacation. Alam kong nakikita ni General ang pagni-ningnig ng mga mata ko dahil sa narinig ko.

"Salute sir! I accept this mission."

We talked for a few minutes because I knew he was still busy with his work. After that I said good bye to him.

Nakaupo ngayon sa study table ko at binabasa ang impormasyon tungkol Kay Mr
Grayson Villarreal.

Grayson Villarreal, 30 years old, first born, at kung ano ano pa. Nalaman ko din na isa siyang model at baseball player. Uhuh? that's why I'm his personal assistant. Mukhang model naman talaga siya dahil sa hubog pa lang talaga ng pangangatawan niya. His broad shoulders and his chest like an iron steel. Napailing na lang ako pag naalala ko ang nangyari kagabi.

At the age of 27, I'm not innocent anymore but I'm still a virgin. Wala akong hinahayaang makahawak sakin, gaya ng paghawak sa'kin ng lalaking 'yon kagabi. I don't know kung bakit mabilis akong madala ng lalaking 'yon. Ganon ba ako na attract sa kanya kagabi at hinayaan ko na lang siyang hawakan ako ng gano'n.

And tomorrow I will meet him again, I just really hope he doesn't recognize me. Nakagat ko ang aking labi nang maalala ang mga hawak niya sa akin. Iwinaksi ko ang mga ala alang 'yon, ang misyon ko ay protektahan siya, wala ng iba.

Iginayak ko na ang mga gamit ko at dinala ko din ang ilan sa mga baril ko. I always carry my pistol because it's small and easy to hide. Isang maleta lang ang dinala kong mga damit, mga damit na pili lang. Utos ni General ay dapat simpleng damit lang ang mga dalahin ko dahil hindi dapat mahalata ng mga nandon na hindi ako isang mahirap, dahil nakalagay doon sa aking mga papel at resume na hanggang high school lang ang natapos ko.

Damn! Mas gusto ko pang ipadala ako sa gyera. Ito lang ata ang misyong labag sa kalooban kong tinanggap ko. I lay in my bed and starred in the ceiling. It's better If I'm going to sleep now, cuz I freaking feel that I have a hang over. Bukas ko na lamang iisipin kung paano ako magtatagumpay sa misyong 'to.

Taming the HeatWhere stories live. Discover now