Chapter three

12 3 0
                                    

Coffee

Mabilis akong napamulat nung may naramdaman akong presensya sa tabi ko. Handa na sana akong atakihin siya nang makilala ko kung sino siya. Mabilis kong pinigilan ang sarili ko.

"Sir?... Ano pong ginagawa niyo dito?" I asked, frowning.

Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko? how did he get here? Kung hindi ko siya nakilala kanina ay baka nasaktan ko siya. Nakakagulat naman kasi ang bigla niyang pagsulpot dito.

"Make me a breakfast." utos niya.

Napatingin naman ako sa cellphone ko makita ko ang oras ay halos napanganga ako sa kanya. It's just 4 o'clock am for God sake!

"Pero sir.. sobrang aga pa po."

"I thought your my personal assistant and personal maid? Then why the heck are you talking back?"

Bahagya akong sumigla dahil tinanggap niya na ako bilang personal assistant niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil mas magagawa ko ng maayos ang misyon ko.

Pero hindi ko gusto ang pagpasok niya dito sa kwarto ko ng ganitong oras! parang pakiramdam ko ay kapipikit ko pa lamang at tinamatamad pa ako bumangon. Hindi niya ba alam na wala pang 6 hours ang naitutulog ko. Hindi niya ba alam na masakit yon sa ulo?

Parang nakikita ko na sa hinaharap na talagang mahihirapan ako sa misyon na 'to. Kung ganitong oras siya lagi gigising at papasok sa kwarto ko para utusan ako ay parang gusto ko siyang ipakain sa mga pating sa dagat.

"You're fired. Ang bagal bagal mo kumilos, aalis pa ako."

Nang marinig kong aalis siya ay mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo, Maliksi at mabilis. well I am well trained soldier kaya hindi na sa akin mahirap ang kumilos ng ganon.

Humarap ako sa kanya. Nakaawang pa bahagya ang bibig niya.

"Sir, maghihilamos lang po ako." Paalam ko bago pumuntang banyo.

Focus na focus ako sa pagluluto ng sunny side up and pancake. Oh shit! Im into eating, not cooking! Wala siyang sinabi kung anong breakfast ang gusto niya kaya ito na lang ang niluto ko.

Kailangan kong ma perfect ang sunny side up at pancake na 'to , Hindi dapat ito masunog! sa mga panahong ito ay gusto kong tawagin si Charmayanne dahil siya lang ang marunong magluto saming tatlo nina Fatima. Dapat pag nag kita ulit kami ni Charmayanne ay dapat magpaturo ako. The hell! dito pa lang yata ay papalpak na ako sa misyong 'to.

"I'm hungry."

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at humugot ng malalim na hininga. Parang gusto ko siyang singhalan at sigawan! Umiiksi na ang pasensya ko dito, dahil bukod sa natatalsikan na ako ng mantika ay kala mo kung sino siyang hari na makapag utos. Eh kung siya nagluluto ng breakfast niya besides siya naman ang kakain! Hindi yong parang inip na inip na siya at nag aantay lang ng ihahanda sa kanya. Well that's my fucking job.

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko na lang ang pagluluto ko. Gusto kong tumalon sa tuwa nung makita ang niluto ko. Medyo sunog lang sila at masasabi kong talagang nag improve ako dahil sa pokus at determinasyon.

Inilagay ko sa plato at pancake, nilagyan ko na din ito ng maple syrup, bago ibinigay sa kanya. Ngumiti pa ako sa kanya ng matamis.

Tiningnan lang niya ako bago tumingin ulit sa niluto ko bago bumalik ulit ang tingin sa akin... paulit ulit lang.

"I thought you can do everything....." he took a deep breath. "Nevermind." sambit niya bago siya kumain.

Hindi nawala ang ngiti ko. "Coffee sir?"

Taming the HeatWhere stories live. Discover now