"Otsukaresama! (good job for today!)"
I couldn't forbid myself from smiling after receiving that message from him.
Just a while ago, he asked me if I've already finished my working shift.
After replying 'Yes, and I'm on my way back home.', mabilis rin na nakaabot sa akin ang mainit niyang ekspresyon na ito.
Kaagad rin ang aking pagtugon, "Otsukaresama!"
Pagkapasa ng mensahe ay napadungaw na lamang ako sa bintana habang napapa-hum ng himig na gawa-gawa ko lang.
Nakalulunod ang saya ko at labis din ang kilig na aking nadarama.
Batid ko na hindi na siya magrereply pa. Well, gano'n naman dito sa Japan. Marami na ang tatlong replies sa isang araw sa pakikipag-chat.
Teka, sino nga ba ang kausap ko?
Si Haru Kitamura, 28, single, pure blood japanese, office staff, at kagaya ko ay dito rin siya nagtratrabaho sa Aichi Prefecture.
Location ng bahay niya? Hindi ko alam. Hindi niya sinasabi at wala akong balak itanong ang tungkol dito.
Alam ko naman kasi na mas'yadong maiingat ang mga japanese when it comes to disclosing of their personal information. In short, mahalaga sa kanila ang privacy at ayaw nila ng sobra silang inuusisa lalo na kung 'di pa sila ready magsabi ng kung anu-anong personal tungkol sa kanila.
Birthday niya? Malay ko.
Kahit favorite color, food, tv show, or books ay wala akong idea.
Limited lang ang alam ko kagaya ng hobbies niya– ang matulog, at maglaro ng soccer.
Tungkol naman sa itsura niya, one time, may pinakita siya sa aking picture niya pero hindi ko na matandaan.
Kung mayroon man akong naalala sa detalye ay tanging ang mata niyang singkit at buhok niyang nakaayos sa style na 'casual mush or mushroom', which is a very common hairstyle for japanese men.
Maliban sa mga ito, wala na talaga.
Well, ano pa bang maalala ko kung one year ago ko pa nakita ang picture niyang 'yon? Kaagad niya rin kasi itong binura after a few seconds ng pag-send niya sa akin nito. Hindi na rin naman ako nagdemand ng pictures niya since mukhang ayaw niya rin naman magpakita sa akin.
Nahihiya raw siya, so, inunawa ko na lang.
As I've said, masyadong mahalaga sa kanila ang privacy.
Yes, it's been a year since I've encountered him.
Paano? Through a random AirDrop message inside the train.
—
BINABASA MO ANG
Sangatsu Juuyokka (March 14)
Short StoryA short story about two strangers inside the train- A man who randomly sent an AirDrop message to a woman named Fely.