Part 4

10 0 0
                                    

It took a few hours before he accepted my friend request. Hmm... masyadong pa-hard to get.
Simula noon, napanatili namin ang communication sa isa't-isa. Hanggang sa heto na nga, nakasanayan na namin na mag-usap araw-araw.

Greetings, kaunting daily updates, or whatever random topics na p'wedeng mapag-usapan. Sa bawat araw, marami na ang tatlong o limang messages mula sa kanya.
Medyo marunong siya mag-English kaya hindi rin siya mahirap unawain.

Ohayou (magandang umaga); Shigoto wa dou? (Kumusta ang pagtratrabaho?); Oyasumi (good night)— ito ang mga malilimit na laman ng kanyang mensahe. Kung hindi salita, mga cute emojis.

Ganito ang paraan ng kanyang pagbabahagi ng thoughts and feelings niya kapag nag-uusap kami.

Kung dumating man sa point na naging mahaba ang pag-uusap namin, 'yon ay no'ng time na kinikilala pa namin ang isa't-isa. Maliban d'yan, kapag nag-uusap kami tungkol sa mga creepy experiences, multo, or mga plano namin kapag nalalapit na ang holidays and festivals.

Siguro, less than 10 times? Yes. Bilang na bilang sa kamay.

Hindi naman dahil sa hindi kami interested sa isa't-isa. In fact, gusto ko siya makausap palagi kahit sa ganitong paraan, at ayon sa kanya, gano'n din ang nararamdaman niya para sa akin.

Masyado lang talaga kaming abala sa kanya-kanyang trabaho kaya limitado lang din ang panahon na kayang naming ilaan. Gano'n pa man, hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagkabagot.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kahit na sobrang kabisado ko na ang mga linya niya sa bawat araw, hinahanap-hanap ko palagi ito. Gusto kong mabasa, madalas hinihintay. Hindi ako nagsasawa.

Minsan nga ay nakararamdam ako ng hiya dahil pakiwari ko ay parang ako na lang ang gustong makipag-usap sa kanya. Dumating pa sa point na ako na ang nag-iinitiate na itigil na ang lahat pero patuloy niyang pinapatatag ang ugnayan na sinusubukan ko ng putulin.

Bigla-bigla siyang mag-o-open-up ng random topics para lang patuloy ang chat. Kahit madalas, walang sense, para may mapag-usapan na lang.
Ilang beses niya na akong niyaya na makipagkita sa kaniya, ilang beses na rin akong tumanggi.

Minsan tinatamad ako o kaya naman ay natatakot. Kung may mga panahon na pinaplano, bigla naman nauudlot o hindi natutuloy dahil sa iba't-ibang dahilan.

Bukas. Sangatsu Juuyokka (March 14). White Day. Panibagong plano ng aming pagkikita. Pareho kaming walang pasok sa araw na ito at kapwa libre.

Magkahalong kaba at pananabik ang aking nararamdaman dahil this time around, wala ng atrasan. Wala ng alibi o excuses. Gusto ko na rin siyang makita. Gusto ko pa siyang makilala personally.

Sangatsu Juuyokka (March 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon