Part 5

7 0 0
                                    

Mga ilang minuto pa ay malapit na rin akong bumaba. Kaya naman, hinanda ko na ang aking mga gamit.

Pagkatapos, aksidenteng napagawi ang aking tingin sa lalaking nakasuot ng navy blue na trench coat, matangkad, at may mala-korean ang hairstyle na aakalain mong 'oppa' sa isang korean drama.

Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, hanggang ngayon ay iniisip niyang gusto ko siya dahil nabigyan ko siya ng chocolate during Valentine's day last year. Hindi naman para sa kanya talaga 'yon.

Honestly, para 'yon kay Haru pero hindi ko siya sinipot sa plano naming meet-up kaya sobra akong kinain ng guilt feelings ko no'n.

Nagkataon na nakita ko ang lalaking mukhang oppa sa isang train station. During that time, nadatnan ko siyang sobrang malungkot. Dulot ng awa, ibinigay ko na lang sa kanya ang bitbit kong chocolate. Iniisip ko kasi na baka broken-hearted siya no'n.

Pinagsisihan ko rin naman na ginawa ko 'yon dahil nalaman ko rin lately from a friend na ang pagbibigay ng something sweet or chocolate gifts sa isang lalaki kapag Valentine's day ay isang paraan upang maipahayag mo ang espesyal mong nararamdan para sa kanya.

Palagi ko siyang nakakasabay sa train. Malamang ay iisa lang din ang way ng aming mga destinasyon.

"Mamonaku Fushimi touchaku shimasu."

Pagkatapos ng anunsyo sa tren, pinanood ko siyang tumayo at maglakad patungo sa tapat ng pinto.

Actually, kabisado ko na ang station na binababaan niyan. Sa Fushimi. Mas nauuna siyang bumababa kaysa sa akin.

Matapos ang ilang segundo ng paghihintay sa pagtigil ng tren, nakababa na rin siya at tuluyan ng nawaglit sa aking paningin.

Ang araw-araw na binabaan niyang istasyon ay kapareho ng lugar kung saan bumaba si Haru matapos ang unang beses naming pag-uusap.

Minsan ko na rin inisip na baka siya si Haru pero malabo. Magkaiba sila ng get-up base sa nag-iisang litrato na pinakita sa akin ng lalaking 'yon.

Anyway, kung siya si Haru, matagal na akong kinausap no'n. He never approach me, so, malabo talaga.

Inihanda ko na lang ang aking bag at iba pang mga gamit dahil malapit na ako bumaba.

Sangatsu Juuyokka (March 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon