March 14th.
Umupo ako sa bench na bakante at tahimik na inaabangan si Haru.
Nandito ako sa park ngayon. We both agreed na dito na lang magkita at nagpaalam siya na magpa-park lang siya ng sasakyan niya sa parking lot.
Malamang ay nahihirapan 'yon maghanap ng bakanteng p'westo dahil maraming tao ngayon.
Habang nag-aabang sa kanya ay iginala ko ang aking tingin sa buong paligid.Nagkalat ang mga mag-anak na nagpi-picnic. Maraming bata na nagtatakbuhan at naglalaro. Kung saan-saan din naglipana ang mga kabataang nag-d-date.
Maya-maya lang ay nag-ring ang aking cellphone. Pagkatingin ko sa screen ay tumatawag pala si Haru.
Kaagad ko itong sinagot.
Habang nakadikit ang cellphone sa aking tainga, nagsimula na rin manginig ang aking mga kamay.
"Moshi moshi (Hello)," paunang bati niya mula sa kabilang linya.
"Hello," tugon ko.
"Where are you?" tanong niya.
I analyzed my spot and hurriedly look for the most eye-catching landmark."Uhm. . .I'm sitting here on the bench. Located near the playground."
"Asobiba (playground)?" Mas lalo kong naramdaman ang lalim ng kanyang boses.
"Un (Yes)."
Hindi ko alam at sobra akong kinakabahan. Matagal ko na siyang nakakausap pero hindi ko maiwasang magkaganito dahil sa magkahalong takot at hiya.
"Souka (I see)."
Sandali na namagitan ang katahimikan sa aming pagitan at hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita.
"Oh, there! I already saw you. Wait for me a little bit, I'm coming."
Kasunod ng mando niya ay ang pagkaputol ng linya.
Huh? Bakit gano'n?
Sa sobrang dami ng tao na nasa paligid ko ay nahanap na kaagad niya ako? Paano?
Ni hindi man lang siya nagtanong kung anong itsura, suot, kulay ng damit, height, or anything specific na tungkol sa akin para maging basis niya sa paghahanap.
Ang takot na nararamdaman ko kanina ay mas lalong tumindi. Paano na lang kasi kung masamang loob pala talaga itong si Haru?
Napailing na lang ako.
Eh, kung tumakas na kaya ako tapos mag-alibi na lang ulit ako na may emergency?
Dinampot ko ang aking bag at saka mabilis na tumayo. Bahagya kong iniyuko ang aking ulo upang itago ang aking mukha.
Paghakbang ng ikatlong beses ay bumangga ako sa kung saan.
"Fely-chan."
Natuod ako sa kinatatayuan matapos marinig ang isang pamilyar na boses mula sa binanggan ko.
Kaagad kong iniangat ang aking ulo at natagpuan sa harap ko ang isang familiar na mukha.
Bahagya akong napanganga habang nakatulala sa mukha niya— ang mukha ng lalaking mukhang oppa na araw-araw kong nakakasabay sa train. Ang lalaking madalas kong mahuli na nakatingin sa akin.—

BINABASA MO ANG
Sangatsu Juuyokka (March 14)
NouvellesA short story about two strangers inside the train- A man who randomly sent an AirDrop message to a woman named Fely.