"Fely-chan."
Natuod ako sa kinatatayuan matapos marinig ang aking pangalan mula sa binanggan ko.
Kaagad kong iniangat ang aking ulo at natagpuan sa harap ko ang isang familiar na mukha.
Bahagya akong napanganga habang nakatulala sa mukha niya.
Sa mukha ng lalaking mukhang oppa na araw-araw kong nakakasabay sa train. Ang lalaking madalas kong mahuli na nakatingin sa akin.
Kilala niya ako? Paano?
Teka, 'wag mong sabihing siya si...
"Haru desu (Ako si Haru)," sambit niya kasunod ang pagngiti niya ng malapad, "Yoroshiku onegaishimasu (It's nice to meet you)."
Natameme na lamang ako dahil sa labis na pagkagimbal sa mga nagaganap.
Matagal na akong kilala personally ni Haru? Pero bakit hindi siya lumalapit sa akin kahit minsan para kausapin ako?
"Hey, are you okay?"
Paulit-ulit na lang ako sa pag-iling dahil hindi talaga ako makaimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Oh, I'm so sorry if it took me a lot of time to approach you. If you only know, I did a lot of attempts to introduce myself to you but I'm too shy. I'm so sorry."
Okay. Naiintindihan ko.
Nagsimula na akong kumalma matapos marinig ang kanyang paliwanag.
Maya-maya lang ay nagsimula siyang humakbang pa ng kaunti papalapit sa akin dahilan upang mas lalo kong makita ng malapitan ang maamo niyang mukha at maamoy ang natural scent mula sa kanya.
Nagsimulang kumabog ang aking dibdib. Para akong sasabog at no'ng bigla siyang ngumiti ulit, pakiwari ko ay naglaho ang aking lakas.
Nakakapanghina.
Kasunod nito ay ang pag-abot niya sa akin ng isang kahon ng mamahaling tsokolate.
"I'm so sorry if it took me a lot of time to give you something like this. Please, take this. It's my respond for your Valentine's gift last year."
*THE END*
—
Copyright ©2023 Heneral Braso

BINABASA MO ANG
Sangatsu Juuyokka (March 14)
Short StoryA short story about two strangers inside the train- A man who randomly sent an AirDrop message to a woman named Fely.