It was New Year's day. Nananahimik ako no'n sa isang sulok ng train habang natutulog. Nagising ako matapos ko maramdaman ang vibration ng aking phone.
Pagkatingin ko sa screen, may isang random person hiding behind its username na 'spring0314' ang nagsend ng file thru AirDrop.
S'yempre, dahil ako ay dakilang chismosa, I didn't hesitate to accept it. Kahit na hindi ko alam kung biyaya ba ang laman nito o isang kamalasan.
Pagkabukas, tumambad sa akin ang isang clipart ng dinosaur at nakasulat sa background nito ang hiragana characters na 'Akemashite Omedetou Gozaimasu!' na ang ibig sabihin ay 'Happy New Year!'.
Nagpalinga-linga ako sa ibang dako ng tren upang hanapin ang nagpasa ng litrato. Nadatnan ko lang naman ang mga tao na abala sa kani-kanilang mga ginagawa kagaya ng pakikinig sa music gamit ang earphones, pagbabasa ng libro, paglalaro ng mobile games, at pagtulog.
Nakagat ko na lamang ang aking labi dahil bigo akong matunton ang nilalang na 'yon.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa phone.Naisip ko lang na mag-reply dito ng kahit ano dahil sa pagbabakasakaling mahuli ang identity niya.
Kaagad akong nag-scan ng presentableng larawan ng kahit anong bagay sa gallery ko. Landscapes at mga pagkain. Itong dalawa lamang ang pinamimilian ko.
Dahil maliban sa mga ito, mga pictures ko na ang naka-save dito at hindi naman kapasa-pasa sa ibang tao ang pagmumukha ko, so, nevermind.
Ipinasa ko na lang sa kanya ang isang larawan ng hot matcha tea dahil... wala lang, trip ko lang at gusto ko lang talaga siya matunton dahil nakaka-curious siya.
Naghintay ako ng ilang sandali at nagbakasaling magreresponde siya. Sa kabuting palad, wala pang ilang minuto ay muli siyang nag-AirDrop sa akin.
Excited ako na binuksan ang file. Isang picture kung saan nakalagay ang emoji na naglalaway at may nakasulat na hiragana characters– 'Umasou', na ang ibig sabihin ay 'mukhang masarap'.
Napatawa ako ng bahagya at pakiwari ko'y biglang nabuhay ang aking dugo.
Nag-AirDrop pa muli ako ng isa namang slow-mo video kung saan nagbubuhos ako ng maple syrup sa isang plato ng pancake. Medyo nakaramdam lang ako ng something weird para sa sarili ko dahil no'n ko lang din napagtanto na pati pala mga ganitong walang kwentang eksena ay nagagawa ko pa palang kuhaan ng documentation.
Anyway, hindi naman ako kilala ni spring0314, so, walang dapat ikahiya.
Naghintay ulit ako sa message niya. Fortunately, nagreply siya.
Isang clipart naman ng pusang naglalaway at sa gilid ay may nakasulat na 'hoshii' , na ang ibig sabihin ay 'gusto ko n'yan'.
This time, napatakip na ako ng bibig upang pigilin ang paglabas ng ingay na nililikha ang aking pagtawa. May mga matatanda kasing nakaupo malapit sa p'westo ko. Sensitibo pa naman din ang mga hapon sa ingay kaya kailangan ko talaga tumahimik.
Anyway, ang interesting ng ganitong set-up. Sobrang misteryoso ng identity niya pero kaya niya akong pasayahin ng wala sa oras.
Inisip ko ang susunod na ipapasa ko sa kanya. Nag-scan muli ako ng mga pictures at habang abala sa ginagawa ay muli na naman siyang nag-AirDrop sa akin.
Binuksan ko ang file. Napanganga na lang ako dahil sa gulat matapos makita ang QR code ng LINE account niya. Sinundan pa ulit ito ng isa pang larawan kung saan nakasulat ang 'Mata Ne' ('see you around').
Huh? Malapit na pala siya bumaba? Ang bilis naman.
Mabilis na nawala ang excitement ko at unti-unting gumuhit ang panghihinayang sa aking mukha.
'Mamonaku Fushimi touchaku shimasu' (We will be soon arriving at Fushimi station).
Pagkatapos ng train announcement ay unti-unti itong bumagal at maya-maya pa ay huminto na ito sa nabanggit na istasyon.
Inobserbahan ko ang mga taong nagsisibabaan palabas ng train pero wala akong makuhang hint na makakapagturo sa akin kung sino ba ang kausap ko.
Saan kaya nakatira si spring0314? Dito ba 'yon? Or baka may pupuntahan lang siya dito?
Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hindi ko rin alam ang sagot sa mga katanungan sa aking isipan.Ilang sandali lang ay naalala ko ang QR code na ibinigay niya sa akin. Biglang nagliwanag ang aking mood. Kaagad akong nagsend ng friend request sa kanya.
—

BINABASA MO ANG
Sangatsu Juuyokka (March 14)
Short StoryA short story about two strangers inside the train- A man who randomly sent an AirDrop message to a woman named Fely.