03

5 2 0
                                    

Chapter 03

"Oral recitation tomorrow, so be prepared." 

We all groaned because of what our professor suddenly announced. Hindi pa ba sapat ang documentation and term paper? Feeling ko hindi ko na kakayanin kapag may dumagdag pa. Kapag may dumagdag pa talaga, hahatiin ko na katawan ko-pira-piraso.

"Chill everyone, ang makapasa sa oral recitation tomorrow ay exempted na sa summative test next week. Kaya mag aral na agad kayo, lalo na kayong mga lalaki d'yan at the back. Huwag puro ml, lalo na kung pabuhat lang din naman." Sabi ni Ms. Babylon.

Natawa naman kaming lahat kasabay ng pag ingay ng mga kaklase naming lalaki dahil sa sinabi ni Ms. Babylon. Masyado pang pinag tatanggol ang mga sarili, puro naman sila mga mali.

Chariz!

"Sure akong exempted na naman si Dessa sa summative next week," narinig kong sabi ni Syriana.

Mukhang narinig din 'yon ni Dessa dahil agad siyang nag react dito.

"Malamang! Mag r-review kasi kami, try niyo din kaya para exempted kayo." Masungit niyang sabi kila Syriana kasabay pa ang pag irap nito sa direksyon nila.

Natahimik tuloy ang karamihan at napatingin sa amin, I mean sa katabi ko pala. Grabe talaga ang babaeng 'to, walang pinapalampas basta nadawit ang pangalan niya, sige lang.

Lumingon ako sakaniya at binigyan siya ng kakaibang tingin. Tumaas agad ang kilay niya dahil do'n

"Oh bakit? Totoo naman ah," sabi niya.

Napailing nalang ako sa sinabi niya at lumingon sa direksyon nila Syriana. I mouthed 'pag pasensyahan niyo na, red days kasi' at them. Tumango naman agad sila at ngumiti sa akin, kasabay nito ang pag thumbs up nila, senyales na okay lang sakanila. Ngumiti ulit ako sakanila at muling humarap sa unahan.

Mabuti nalang talaga at nasanay na kami sa ganitong attitude ni Dessa. Hindi nakakapagtaka kung karamihan sa amin ay naiinis sakaniya, masyado kasi siyang perfectionist at palaging confident sa sarili. Madalas magsungit at magalit sa mga kaklase namin, kaya kung sinong napapa daan sa harap ng classroom namin laging napapalingon sa loob eh. But I guess that's her way to show her love to us, kaya palagi siyang may napupuna.

"Again, please be prepared for our oral recitation tomorrow and advance review na din para sa summative test next week. And that's for all today, class dismissed." Ms. Babylon said. Nag paalam din kami sakaniya bago siya tuluyang lumabas ng classroom.

Nanatili akong nakaupo sa upuan ko at hinintay na maka labas ang mga kaklase ko. Deserve ko ng malawak na pintuan para makalabas. Hindi naman kailangan ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa iisang pinto.

Parang humuhugot ka ba self?

"Hoyy, yung mga sweepers d'yan! Aba naman!" Sigaw ni Dessa.

Narinig ko naman ang sunod sunod na turuan ng mga kaklase kong ubod ng katamaran, pero masisipag pagdating sa kalatan. Balatan ko kaya sila ng buhay?

"Sila Dave ang sweepers ngayon."

"Anong ako? Martes pa lang ngayon ah, bukas pa kami sweepers." Rinig kong sigaw ni Dave mula sa labas ng classroom.

What Is Love? (Four Letter Series #1)Where stories live. Discover now