Chapter 05
Warning; This chapter contains a lot of bad words and other words that maybe you are not comfortable to read. You can skip this chapter if you want. Thankie!
***********
"Gago kamo siya! Five pesos lang naman utang ko sakan'ya, ah!"
Napangiwi nalang ako sa lakas ng boses nitong katabi ko. Matapos ko kasing sabihin sakaniya na sinisingil na siya ni Cleven sa utang niyang FIVE PESOS, todo rant na naman siya.
"Bakit kasi hindi mo agad binayaran?" Tanong ko naman sakaniya.
"Aba! Eh sa nakakalimutan ko? Atsaka bakit kailangan sayo pa siya dumiretso, bakit hindi sa akin, eh ako naman ang may utang sakaniya? Inabala ka pa talaga!" Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Selos ka naman agad. Hayaan mo, sasabihin ko sakaniya kapag nagkita kami na sayo siya dumiretka pagsingil ng utang mo at huwag na sa akin." Nakangisi kong sagot sakan'ya, natigilan naman siya at nakataas ang kilay niyang humarap sa akin.
"Wala akong sinabing gan'yan!"
"Pero 'yon din naman ang gusto mong iparating," sagot ko agad. Hindi naman siya agad nakapagsalita at umiwas agad ng tingin sa akin.
Napangisi ako sakaniya.
"Akala ko ba kay Russell ka?"
"Tangina mo, manahimik ka!" Sagot niya na ikinatawa ko naman.
Apaka defensive naman ng bebe ko. Hahahha!
Tutuksuhin ko pa sana siya ng bigla akong tawagin ni Trisha, kasama nito si Trixie, ang kakambal niya. Lumapit agad ako sakanila at iniwan si Dessa mag-isa doon. Medyo bad mood na naman dahil kay Cleven.
"Wat and way?" Tanong ko sa kambal ng tuluyan na akong makalapit sakanila.
"Samahan mo kami sa canteen," sagot ni Tricia. Bagsak ang balikat kong tumingin sakanila. Kagagaling ko lang doon kanina, babalik na naman ako? Jusmiyo marimar!
"Bakit hindi kayo sumabay sa akin kanina?" Tanong ko. Napakamot naman ang dalawa sa batok nila.
"Hindi pa kasi kami gutom kanina nung nag-aya ka," sagot naman ni Trixie na ikinangiwi ko naman.
Pambihira nga naman. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak at ng digestive system ng kambal na 'to. Magulo pa sa magulo.
"Alam kong hindi mo kami matatanggihan kaya tara na," sabi pa niya kasabag nito ang paghawak nila sa magkabilang braso ko.
Walang gana akong nagpahila sakanila palabas ng classroom, papunta sa canteen. Vacant naman kami sa susunod naming subject kaya ayos lang na lumabas kami ngayon. Huwag nga lang sana silang abutin ng isang oras sa canteen, dahil delikado kami sa next subject namin after vacant.
Nang makarating kami sa canteen, sila nalang ang pinapila ko para bumili ng pagkain at ako nalang ang naghanap ng pwede naming pwestuhan. Pinili ko nalang yung bakanteng pwesto sa may dulo para malapit lang sa exit nitong canteen. Ganito talaga kapag medyo matalino at ang kalahati ay katamaran na. Bakit ko nga naman pipiliin ang pwesto kung saan mapapalayo pa kami pagbalik?
Napangiwi nalang ako sa mga walang kwentang ideyang pumapasok sa isip ko.
"Bakit dito ka nanaman pumwesto?" Biglang tanong ni Trixie na kararating lang dala ang binili niyang sopas at banana cue, samantalang nasa likuran niya naman ang kambal niyang si Trisha na burger at shopao naman ang hawak.
YOU ARE READING
What Is Love? (Four Letter Series #1)
Teen FictionSusugal ka pa rin kahit hindi ikaw ang pinili niya? Ipipilit mo pa rin ba, kahit alam mong wala ng pag-asa? Wendy Leghien Cuares a girl who never forced her self to be with someone who will never love her back. Ngunit mapaglaro ang tadhana, hindi ma...