Chapter 07
"For the preparation for our incoming Christmas party, majority of the classroom officers decided that we're having a beach party theme. But, to respect your decisions, we will still let you to decide what theme you guys want for our Christmas party." Sabi ni Kuya Zeddy, ang Classroom president namin.
"In short, hindi pa 'yon final. Meron pang ibang suggestions galing sa ibang member ng classroom officer na baka gusto niyong pagpiliian, pwede din kayong mag suggest ng kung anong gusto niyo." Dagdag naman ni Dessa.
9:50 in the morning. Nandito kaming lahat sa classroom, katatapos lang ng ikalawang subject namin sa umaga which is the Piling Larang. Ngayon naman ay nag pa-plano kaming lahat para sa gagawin namin sa Christmas party. Malapit na din kasi kaya puspusan na ang preparation na ginagawa ng president namin kasama ang ibang member classroom officers.
Tahimik lang naman akong nakatingin sakanila, wala kasi ako sa mood makigulo sakanila ngayon. Mostly every discussion nila sa mga kaklse namin ay nag-iingay ako at kinukulit sila, but now, sinapian ako ng isang anghel kaya nanahimik ako ngayon. Or maybe because untill now ay hindi pa rin ako makamove-on doon sa nangyari last week.
Yeah...One week na ang nakakalipas, but still, I'm stock! Sa t'wing papasok sa isip ko lahat ng nangyari last week pati na rin yung mga sinabi niyang napaka-ewan naman, naiinis ako sa sarili ko.
Bakit iba ang epekto non sa akin?!
I don't hate him but I don't like him either! Weird but, I'm not comfortable when we are together–I mean, kapag kasama ko sila ng mga kaibigan niya, nila Dianna. Hindi ko feel kapag nandiyan siya, kapag nagsasalita siya, and even his simple moves. Wala namang dahilan pero hindi ko maintindihan, nakakatanga.
"WENDY LEGHIEN CUARES!!" Gulat akong napatingin sa harap ng biglang sumigaw si Dessa. Halos takpan ko ang tenga ko sa lakas ng pagkakasigaw niya, dinaig niya pa yung nakalunok ng megaphone.
"What?" Tanong ko nalang. Tumaas naman ang kilay nitong tumingin sa akin.
"Anong what? Kanina ka pa tinatawag ni Zedrick, tulala ka riyan. Iniisip mo na naman ba yung lalaki last week?" Bahagya namang nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya.
Kahit na tama 'yon hindi pa rin ako nagpahalata, umiwas lang ako ng tingin sakan'ya at lumingon nalang kay kuya Zeddy na nasa tabi niya lang naman.
"Bakit? Tapos na kayo?" Tanong ko nalang sakanila.
"Hindi pa beh, tagal mo kasing tapusin day dream mo." Sagot niya naman. Napakamot naman ako sa kilay ko.
"Ano bang topic niyo na?"
"Kung paano ka namin kukulamin," mabilis na sagot ni Dessa.
Napanguso naman ako. " Seryoso nga, ano na?"
"Ayan kasi hindi nakikinig!" Mataray na sigaw ni Dessa.
"Nakikinig naman ako kanina," sabi ko.
"Wow ahh, sige nga, ano ba pinag-usapan namin?" Tanong niya.
"Classroom officers decided na beach party ang theme ng Christmas party natin, sabi 'yon ni kuya Zed kanina, pero sabi niya na din na hindi pa 'yon final. And then, sabi mo naman na may iba pang suggestions ang ibang officers na baka gusto din namin, and also we can suggest the theme that we wanted to." Paliwanag ko naman.
"And then?" Tanong niya agad.
Napakamot naman ako sa kilay dahil hindi ko na alam ang sunod na pinag-usapan nila. Lumutang agad isip ko eh! Epal kasi 'yong Theo na 'yon at hanggang ngayon ay hindi ako lubayan sa isip!
YOU ARE READING
What Is Love? (Four Letter Series #1)
Genç KurguSusugal ka pa rin kahit hindi ikaw ang pinili niya? Ipipilit mo pa rin ba, kahit alam mong wala ng pag-asa? Wendy Leghien Cuares a girl who never forced her self to be with someone who will never love her back. Ngunit mapaglaro ang tadhana, hindi ma...