04

3 2 0
                                    

Chapter 04


"Sigurado ka? Hindi ba talaga siya??" Ilang beses ng tanong nila.

"Bakit naman kasi ganun yung code na ginamit mo, Theo?!" Pagtatanong pa ni Dianna sa nakaupong si Theo sa harap ng computer niya. Seryoso itong nakatingin sa amin dahil naabutan nila kaming pinagkakaguluhan ang pinakamamahal niyang computer.

Kararating lang nang tatlong lalaki kaya agad silang tinalakan ng tinalakan ni Dianna. Samantalang ako naman naman ngayon ay gulantang pa din sa mga nangyari. Sa totoo lang ay wala naman kaso 'yon sa akin at hindi naman talaga big deal. Wala naman akong pakialam kay Theo at doon sa ex niya kuno na kapangalan ko. Ang issue ko lang talaga ay iyong napakaganda kong name. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng taong pwede kong makapareho ng pangalan, ex pa talaga ni Theo!

Na-issue na naman tuloy ako! Bosit!

"Did I tell you to come here in front of my computer? Wala akong maalala na sinabihan ko kayo na maaari kayong lumapit sa pagmamay-ari ko, right Dianna?

Natahimik naman ito at tumingin sa gawi ko. I just shrugged at her, dahil wala naman akong alam sa mga pinag uusapan nila.

Bakit kasi parang big deal 'yon sa tatlong babae? May gusto ba silang tatlo kay Theo?

Bakit parang interesado ka naman self?

"Huwag mong ibahin ang usapan! Ex mo ba siya? Siya ba yung Ex mo na tinutukoy mo noon?" Pang-uusisa pa ni Hannah. Napakunot naman ang noo ko dahil sa naging tanong niya.

Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin?! Kanina ko pa sinasabi sakanila na hindi nga ako ang Ex na sinasabi nila! Ni wala nga akong naging boyfriend since day one ko dito sa DCHS, naging Ex pa kaya?

Hindi nga ako kina-crushback, Ex pa kaya? Hindi nga ako magustuhan ng lalaking gusto ko, ex pa kaya?

Alam ko namang mukha akong broken hearted, pero beh! Wala pa akong ex! Mah goodness!

Yakk! Iww! Kadiri!

"Bakit ba kasi ayaw niyong maniwala sa akin? Hindi ko nga sabi Ex 'yan!" Napatingin naman silang lahat sa pwesto ko. Kitang-kita ko pa kung paano pa umirap si Theo sa akin.  Napairap din tuloy ako.

"Sinabi niya naman pala sainyo, bakit kinukulit niyo pa ako?" Tanong nito sa mga kasama niya.

Oo nga?!

"Malay ba namin na nag d-deny lang si Wendy–"

"Leghien. Leghien nalang, please." Putol ko sa sasabihin ni Dianna. Kinikilabutan na tuloy ako sa sarili kong pangalan, lalo na kapag naririnig ko mismo sakanila.

"It's already 5:00 pm, guys." Biglang sabi ni Mr. Red hair guy na katabi ni Jellaine. Hindi ko kasi alam name niya, kaya Mr. red hair guy nalang.

Napatingin naman ako sa suot kong relo. 5 pm na nga, naubos ang 2 oras namin kakahintay sa tatlong lalaki. Tapos pagdating pa nila dito ay issue agad nung Ex ni Theo ang hinungkat ni Dianna, ni hindi man nga lang ako ipinakilala sa tatlo. And today supposed to be nakaunang shots na dapat ako sakanila, pero dahil sa maliit na misunderstanding na pinalaki nila, wala kaming naumpisahan.

"I need to go home," sabi ko sakanila.

"Maaga pa naman, kaya pa siguro hanggang six?" Napangiwi agad ako sa sinabi nung isang lalaki, hindi ko din alam ang name. Bahala naman siya kung sino man siya.

"Hindi ako pwede hanggang 6, Mr." Sagot ko agad sakaniya.

"Mr? Hindi mo pa ba ako kilala?" Hindi makapaniwalang tanong niya pa. Napairap lang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya.

What Is Love? (Four Letter Series #1)Where stories live. Discover now