10

3 1 0
                                    

Chapter 10

"Kumusta naman ang araw niyo? Kaya pa ba?" Tanong ni Kuya Zeddy. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa canteen, kumpleto kaming lima ngayon dahil wala nang gagawin si Dessa at kuya Zeddy. Once in a blue moon lang talaga kaming lima naku-kumpleto kapag kakain kami ng lunch.

"Kaya pa naman, ewan ko sa diyan sa dalawa. Mainit pa naman mga ulo niyan," sabi ni Dessa. Nakikinig lang naman ako sa mga sinasabi nila habang kumakain. Kahit na kausapin ko sila o hindi habang kumakain, wala pa rin akong gana ngayon.

Una dahil nakita ko na naman ang Theo na 'yon kanina. Tangina ng lalaking 'yon, kung makatingin ay akala mo ako pa ang may kasalanan sakan'ya. As if naman makakalimutan ko ang ginawa niya sa account ko. Eh, hanggang ngayon nga ay hindi niya pa binabalik sa akin. Pangalawa ay si Prince, I'm not really sure if he already have an idea about my feelings towards him. Hindi ko din kasi sure, baka sinabi na ng depungal niyang pinsan na may gusto ako sakan'ya. Isa pa talaga 'yon sa rason ko kung bakit nabo-buyset ako sa Theodore na 'yon. Hindi ko nga alam kung sisiputin ko pa sila sa Saturday gaya ng usapan namin last week. Tinatamad ako sakanila.

"Trisha, anyare ba kasi sa love life niyo, beh? Tanong ni kuya Zeddy sa kaniya. Hindi naman umimik si Trisha at tiningnan lang siya. "Ay wow, the audacity na hindi sagutin ang tanong ko?" Natawa naman si Dessa at Trixie dahil do'n. Kahit ako ay bahagyang napangiti dahi sa sinabi ni kuya Zeddy. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain, habang silang tatlo ay kinukulit pa rin si Trisha. Ayaw nilang tantanan kahit na halatang naiinis na si Trisha sa kakulitan nilang tatlo.

"Takte niyo, manahimik muna kayo ah!" Inis na sabi ni Trisha at sinamaan ang tatlo ng tingin. "Legit na galit, hayaan niyo muna 'yan." Natatawang sabi ni Trixie, kaya natahimik ang pwesto naming lima. Gusto kong matawa sa mga itsura nilang apat, mga pinagsakluban ng langit at lupa, at akala mo ay mga inutangan ng isang daang milyon na hindi binabayaran hanggang ngayon.

Ayan ang napapala kapag ginalit ang pusa, nagiging Tigre tuloy.

Una akong natapos kumain sa kanila, kaya naka-upo lang ako at hinintay silang matapos. Nag c-cellophone lang ako hanggang mag 12 pm na at tumunog ang bell, oras na para sa lunch break ng ibang strand. Hindi pa rin sila tapos kumain kaya pinagpatuloy ko lang ang pag i-scroll sa Facebook account ko. I decided to stalk my other account which is yung hinack ni Theo.

Magkasalubong  ang kilay ko habang tinitingnan kung may nagbago ba sa account ko bukod sa hindi na tao ang gumagamit nito. Wala pa rin naman pinagbago, same pa din naman ang bio, and other info na makikita when they stalk my account. And the post, still the same, jeje posting pa rin naman. Sinasadya ko talagang mag jeje posting, hindi 'yon dahil sa jejemon ako. Hmp!

I know walang kwenta naman ang account ko, pero bakit hindi pa ibalik ng depungal na Theo na 'yon sa akin? Wala naman siyang mapapala sa account ko na 'yon, bago ko pa tuluyang hindi mabuksan 'yon ay na delete ko na lahat ng ka-ekekan ko doon, kaya wala na siyang mababasa. Until now, hindi ko pa rin alam kung bakit niya hinack ang account ko. If you guys thinking na naniniwala ako sa rason niya before? Hell no! Ang babaw ng rason niya, parang tanga lang kung iisiping mabuti. Ang useless.

"Pwedeng maki-upo?" Tanong ng isang pamilyar na boses, dahilan para bahagya akong matigilan. Sa dami ng pwede niyang pwestuhan ay dito pa talaga niya napili sa amin.

Ano kayang nangyari sa mundo ngayon at bigla niyang naisipan na sa amin sumabay kesa sa babaeng mahal na mahal niya. Akalain mo nga naman, nagawa niyang hindi makasama ang girlfriend niya ngayon at sumabay sa amin. Bumaliktad na ba talaga ng tuluyan ang mundo ngayon?

"Tapos na kayo? Mauuna na ako, may kailangan pa akong tapusin sa classroom." Sabi ko sa tatlo na hanggang ngayon ay hindi pa tapos kumain. Nagkatinginan naman sila at sabay sabay pang nilingon si Prince na nakatayo sa may gilid ko.

What Is Love? (Four Letter Series #1)Where stories live. Discover now