Chapter 12
"Oyy! Bakit ang daming taga STEM sa labas?"
"Gags, mga girl fans ata ni fafa Chris 'yan."
Narinig kong bulungan ng ilan sa mga kaklase ko sa may pintuan ng classroom namin. Doon ko lang din napansin ang mga babaeng may kulay dilaw na Id lace, palatandaan na nabibilang sila sa STEM. Lalapitan ko na sana sila nang may biglang humawak sa braso ko dahilan para matigilan ako at mapaharap sa taong 'yon.
"Can we talk?"
Hindi ako sumagot at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Eto na naman po tayo sa bugso ng aking damdamin. Nakahawak lang naman siya sa braso mo Wendy para pigilan ka, tapos ngayon parang nakikipag unahan na naman ang puso mo sa mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok nito.
Lintik na karupukan! Huwag na huwag mo akong sasaniban ngayon!
Bago pa ako tuluyang lamunin ng aking bugso ng damdamin, hinawakan ko na ang kamay niyang 'yon at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Wendy, kahit saglit lang..."
"A-Ano kasi... Hindi ako pwede ngayon, may gagawin pa kasi ako." Sagot ko sakan'ya.
"Pero–"
"Una na ako, Prince. Bye," huling saad ko
bago siya talikuran at iwan doon.Honestly, wala naman talaga akong gagawin. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta at ano ang gagawin ko. Kanina pa nga ako boring na boring sa classroom. Paano ba naman kasi, iniwan ako nung apat sa room. They didn't even tell me kung saan sila pupunta, mag pashnea talaga!
Napagdesisyonan ko na tuluyan na lang lumabas ng room. Sa kabilang pinto ako dumaan dahil maraming estudyante sa kabilang pinto. Hindi ko nga alam kung bakit ang daming taga STEM ang napadpad sa room namin. Last week pa simula noong dagsain kami ng mga taga ibang strand lalo tuwing break time nandito sila. Silip ng silip sa bintana, hindi ko naman alam kung sino ang sinisilip. Knowing na wala namang heartthrob sa section namin. Ang du-dugyot kaya ng mga kaklase kong lalaki.
"Wendy!"
Isa pa 'to!
"Sandali lang Idol!"
Napapikit agad ako ng mariin ng muli itong sumigaw habang papalapit sa pwesto ko.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko agad sakan'ya ng makalapit ito sa pwesto ko. Napahawak naman siya sa parehong tuhod niya at tila pagod na tumingala para salubungin ang tingin ko.
"W-Wait lang naman Idol... Hihinga lang ako saglit," napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Sino bang nagsabi na tumakbo ka, ha?" Tanong ko sakaniya.
"Si Ano, basta!" Tinaasan ko agad siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Sumama ka sa akin, now na, nasa canteen silang lahat ngayon, hinahanap ka."
"Ano naman kung nandoon silang lahat?" Nakakunot ang noo kong tanong sakaniya.
"Pinapatawag ka nga," sagot niya. Napairap naman ako ng wala sa oras. Ano naman kayang gagawin ko this time? Ilang days pa lang ang nakakalipas simula nong matapos ko ang tulong na hinihingi nila, tapos ngayon meron na naman?
"Ano na naman kailangan nila sa akin?" Tanong ko. "Kung pabor na naman iyan, sorry Cleven, but I think I can't help you. I guess enough na ang tulong na ibinigay ko sainyo, and it's done already." Dugtong ko pa.
"Woahh! Chill ka lang, Wendy. Hindi ko alam ang dahilan, okay? Nag-usap kasi kanina si Daiana at Zedrick about sa plano niyo sa Christmas ball, kaya nandoon silang lahat ngayon. And then Zedrick ask me to fetch you here, dahil kailangan ka nila doon." Paliwanag nito sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. Ano na naman ba ang pinaplano ng mga kaibigan ko, mga bosit talaga!
YOU ARE READING
What Is Love? (Four Letter Series #1)
Teen FictionSusugal ka pa rin kahit hindi ikaw ang pinili niya? Ipipilit mo pa rin ba, kahit alam mong wala ng pag-asa? Wendy Leghien Cuares a girl who never forced her self to be with someone who will never love her back. Ngunit mapaglaro ang tadhana, hindi ma...