𝐬𝐢𝐱𝐭𝐞𝐞𝐧. 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨

111 0 0
                                    

a tagalog adstin au

"so, ganon ganon na lang ba talaga?" naiiyak na saad ni justin sa lalaking nakatayo sa harapan niya, isang hindi maipintang ekspresyon ang makikita sa mukha.

napailing ang lumuluhang lalaki.

"adam naman," sabi niya at napahikbi, "hindi mo man lang ako binigyan ng pag-asa bago ka pumunta sa iba... 'di ka ba naawa o nakonsensiya, kahit kaunti lamang?"

"justin, please.."

"hindi! adam, mahal na mahal kita! alam mo 'yun! bakit mo naman ginawa sa akin 'to?" hinanakit niya at humagulgol. walang masabi si adam kaya't siya'y nanatiling tahimik habang nakatingin sa lupa.

"akala ko okay na ang lahat. akala ko mapapasa'kin ka na kasi nararamdaman ko na. nararamdaman ko na ang paglapit natin sa isa't isa, adam! ikaw ba? hindi mo ba naramdaman? hindi mo ba naramdaman ang lubos na pagmamahal ko sa iyo?"

"hindi mo man lang ki-nonsider ang feelings ko.. oo, nanliligaw lang ako. oo, wala pang tayo. pero adam, kaya nga kita nililigawan para maipakita ko sa iyo na kaya kitang alagaan, kaya kitang pasayahin, kaya kitang mahalin ng lubusan. kayang kaya ko naman talaga adam eh, pero bakit naghanap ka pa ng iba?"

"pasensiya ka na talaga, justin..."

tinikom ni justin ang kaniyang mga labi para huminga, pakalmahin ang sarili niya bago pa siya tuluyang masira. ang isip niya'y gulong-gulo. hindi niya maintindihan, hindi niya matanggap, hindi niya kaya ang sakit na kaniyang nararanasan.

siya ay lubusang nahihilo. feeling niya maaari siyang mawalan ng malay anumang segundo. ang dibdib niya ay naninikip; hindi siya makahinga. wala na siyang ibang gusto kundi ang ihagis ang sarili niya sa kaniyang kama at ilabas ang lahat ng hinanakit na gusto niyang ilabas.

gusto niyang umiyak, sumigaw nang malakas na malakas. ramdam niya ang unti-unting pagkakapunit ng kaniyang naabusong puso, kada pilas ay nagbibigay ng sandamakmak na kirot.

akala lang ba talaga lahat ng inisip niya? ang kaniyang pangarap na makasama sa wakas ang lalaking kaniyang tinatangi nang kay tagal, hanggang pangarap na lang ba talaga ito? ang mga panaginip na hinahagkan niya ang mala-rosas na mga labi na kasing lambot ng mga ulap sa kahipapawiran, hanggang panaginip na lang ba?

wala na ba talagang pag-asa?

akala ko mapapasa-akin ka na. akala ko nagwagi na ako sa puso mo, ngunit may iba pa palang tatalo sa akin sa labang ito.

at 'di ko matanggap na natalo niya ako nang ganon ganon lang.

"hinintay kita, adam. ang sabi mo, hintayin kita hanggang sa maging handa ka na. naghintay ako ng ilang taon, nagtiis ako kahit gustong-gusto na talaga kitang ikulong sa mga braso ko at ipagdamot sa mundo. ang hindi ko lang inaakala, na sa oras na handa ka na, hindi ako ang makakahawak sa mga kamay mo. hindi ko inakala na ang tagal na tiniis ko, masisira ng taong parang kahapon mo lang nakilala."

ngayon pumasok ang inis at galit na pilit niyang inilulubog sa kaloob-looban ng kaniyang damdamin. ayaw niyang magalit sa taong mahal niya, pero hindi niya mapigilan. nagagalit siya. galit na galit.

pero mas nagagalit ako sa katotohanang kahit na pinaasa mo lang ako, mahal pa rin kita. at parang hindi ko magawang bawiin ang pag-ibig na inialay ko sa iyo. ang mga sakripisyong ginawa ko na sinayang mo.

pero mahal pa rin kita, adam. mahal na mahal.

"hindi ko kasalanang mamahalin ko si terrence, jus. magiging tapat ako sa'yo, akala ko rin na magugustuhan din kita. nararamdaman ko na, jus.. pero sumulpot bigla si renz. at hindi ko rin inaasahang mahuhulog ako sa kaniya," umiiyak na sagot ni adam.

"kaya humihingi ako ng tawad sa iyo. nasasaktan din ako, justin. hindi lang ikaw! akala mo ba hindi mahirap sa akin na mahalin si renz kasi alam kong naghihintay ka pa rin sa'kin, at ayaw kitang saktan."

natahimik silang dalawa, at sa pag-aakalang hindi sasagot si justin ay nagsalita muli si adam.

"jus, you know how much i hate hurting people. pinipigilan ko ang sarili kong mahulog kay renz kasi ayokong masaktan kita. ayokong masaktan ka kasi nagmahal ako. mahal kita, jus, and i care about your feelings. please lang, intindihin mo rin naman ako."

ilang minuto ang lumipas nang magpaliwanag si adam ng nararamdaman niya tungkol sa sitwasyon. ngayon ay magkaharap sila, sa isang parkeng walang tao. ang buwan ng hatinggabi sa itim na kalangitan na nagiging saksi sa kanilang paghihirap.

"justie..."

nagtaas ng tingin ang tinawag na lalaki, mga mata ay pulang-pula sa kakaiyak.

"may isa lamang akong hiling mula sa'yo. my last request, after a million."

he's asking me to let him go.

"i am going to sound selfish for this, but i'd much rather be than lead you on to something that will never be true. jus, i love you, really. but i love renz more," huminto siya nang makita ang mga namumuong bagong luha sa mga namamagang mata ni justin, at siya'y kinabahan. umurong ang mga salitang nais niyang sabihin, ngunit alam niyang kailangan niya itong ilabas para matahimik na silang dalawa.

"justin, i'm deeply sorry. alam kong masasaktan ka, pero alam ko, one day eventually, you will move on. you deserve so much better, someone who will truly love you as much as you love them. i'm sorry i couldn't be that person, i'm sorry i can't love you back,

i'm sorry i can't give you my heart."

but i don't want someone better,

i want you.

"i appreciate your sacrifices, your years of patience for me. and i'm sorry i wasted all of them. hindi ko sila tinapon, pero sinayang ko."

"this will be your last sacrifice, justie. and i need you to be strong."

i can't.

"please, let me go."



hanggang dito na lang talaga.

"i want you to be happy, jus. so please, let me be."

pero mahal talaga kita...

ayokong isuko ka na lang sa kaniya.

hindi ko kaya.

"justin.."

"i love you," bukambibig ni justin, at ngumiti ng mapait.

"let me say it for the last time before i do. adam, i love you. so much."

sa mga binanggit ni justin, napaiyak muli si adam. ito ang nais niyang mangyari; ang mapalaya. pero hindi niya pa rin mapigilan na masaktan ng lubusan para sa magpapakawala sa kaniya.

nagpigil ng hagulgol si justin, bago niya sinabi ang mga salitang hindi niya inaasahang sasabihin niya, kahit kailan:

"malaya ka na."


"thank you, justin. thank you so much for loving me."






𝗟𝗮𝗻𝗸𝘆𝗕𝗼𝘅 𝑨𝑫𝑺𝑻𝑰𝑵 𝗢𝗻𝗲𝗦𝗵𝗼𝘁𝘀 [2]Where stories live. Discover now