𝐬𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐞𝐞𝐧. 𝐭𝐨𝐫𝐩𝐞𝐧𝐢𝐬𝐦

127 1 3
                                    

a tagalog adstin au

"oy, pre!"

hindi na kinakailangan pang tumingin ni justin sa likod niya para malamang ang kaibigan ang tumatawag sa kaniya. nagpigil ito ng ngiti nung marinig ang pamilyar na boses, bago lumingon para harapin ito.

"sa wakas, nagpakita ka rin," pabirong pagmumukmok niya, tinawanan lang siya ni adam.

"tanga, sinabi ko sa'yong may practice pa kami, 'di ba? sinabihan kitang mauna ka na tapos sinabi mo sa akin na hihintayin mo 'ko. ngayon nagrereklamo ka?" pabalik na pagtataray ng nakababata nang magsimula na silang maglakad papunta sa direksiyon ng mga tahanan nila.

"edi wow," naasar na saad ni justin, bago sila nagtawanan.

ang dalawa ay matagal nang magkaibigan. kahit man mukhang cliché, pero kabataan pa lang nila ay magkasama na sila. hindi na sila mapaghiwalay simula noon.

bawat pangyayaring nagaganap sa buhay ng isa sa kanila, naroon ang isa bilang saksi dito - maging kagiyak-giyak man, kalungkot-lungkot, o kahiya-hiya. sa bawat kahihiyang mararanasan ng bawat isa ay nariyan sila para asarin sila nang walang tigil tungkol doon, hanggang sa magkapikunan at magkakatampuhan sila buong araw.

kahit na paminsan ay parang ramdam nila na ayaw na ayaw na nilang makasama ang isa dahil sa pang-aasar nito, hindi pa rin sila mapaghiwalay sa isa't isa; hindi nila kayang magpalipas ng isang araw na hindi nila nakakausap ang matalik na kaibigan.

ganiyan sila kalapit sa isa't isa. na parang mala aso't pusa lamang sa pagbabangayan, ngunit palagi silang nariyan kapag nangangailangan man ng tulong ang kaibigan nila.

pero si justin,

ayaw man niyang aminin sa sarili niya noon,

ay gustong maging mas malapit pa silang dalawa ni adam.

dulot ng matinding takot at pag-aalala na maaaring masira ang pagkakaibigan nilang dalawa na pinakaiingatan niya sa buong mundo, dito siya natutong magpanggap, at masakit man sa kaniya, magsinungaling kay adam.

nangako sila, na kahit kailan ay hindi sila magtatago ng kahit anong sikreto sa isa't isa. hindi tipo ng tao na sumira ng pangako si justin, pero nang dahil sa nakakagulong nadarama niya para sa kaibigan, ay hindi nga niya tinupad ito.

gusto niya si adam, at wala na siyang ibang hinihiling kundi ang magustuhan rin nito.

"hoy, nakikinig ka ga?" bumalik mula sa malalim na pag-iisip si justin nang usugin siya nang mahinhin ni adam, na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"ha?"

"sabi ko may nagbukas na bagong pizza parlor doon sa may malapit sa parke. tinatanong kita kung gusto mong magmeryenda muna tayo? nagugutom na kasi ako," sabi nito.

agad rin namang tumango si justin. "sige ba, basta libre mo."

"tangina nito, buraot amputa."



"utang 'yan ha."

"ha?"

"akala mo nilibre talaga kita? tanga! babayaran mo ako."

𝗟𝗮𝗻𝗸𝘆𝗕𝗼𝘅 𝑨𝑫𝑺𝑻𝑰𝑵 𝗢𝗻𝗲𝗦𝗵𝗼𝘁𝘀 [2]Where stories live. Discover now