TFS V

3 1 0
                                    


     Narito na kami lahat sa hall dahil sampung minuto nalang ay mag uumpisa na ang okasyon. Umupo ako sa pangalawang row para ako ang may pinakamalakas na cheer kay Amelia. Nakita ko naman ang kanyang lola na umupo sa harap, tumingin naman ito sa'kin nginutian ko siya ngunit tinaasan niya lamang ako ng isang kilay.

"Can I sit here?" tiningnan ko kung sino iyun at napa irap ng makitang si Vance yun.

"Hindi ko naman pagmamay ari ang upuan na iyan, eh."

"Still mad at me?" umiling ako at nagsimula na ang emcee sa pagsasalita sa stage.

"Give a round of applause to Ms. Amelia Dawn Suarez." proud naman akong tumayo sa kinauupuan ko at pumalakpak ng napakalakas.

"Woooooh, that's my bestie!!"

Nang pumatay na ang ilaw ay umupo na ang lahat at nanahimik. Narinig ko na Flashlight ang kakantahin niya. Isang beses ko plang siyang narinig na kumanta, at napakaganda nito sa taenga parang pinanganak siya sa pag kanta kaya nagtataka ako kung bakit hindi music ang pinili niya.

Namatay ang ilaw ng buong hall tanging ang isang spotlight nalang ang natitirang nakabukas, sinundan ng ilaw ang pag labas ni Amelia. Tumayo si Amelia sa gitna ng stage at tumingin sa mga audience. Nilapit niya ang mic sa kanyang bibig at natahimik ang lahat dahil sa mala anghel na boses niya.

"When tomorrow comes"

"I'll be on my own"

"Feeling frightened of the things that I don't know"

"When tomorrow comes."

"Tomorrow comes, Tomorrow comes" sumabay ang mga audience sa pag kanta niya kaya kahit na sintonado akech ay sumabay din ako.

Naramdaman ko namay umupo sa kabila ko at nakita kong umupo doon si Kalila at Chad.

"Kalila."

"Hi, Amara. Let's open our flashlights." saad niya at kinapa ko naman ang aking bag upang kunin ang aking cellphone.

Sabay naming apat itinaas ang aming cellphone at sumabay sa pag kanta ng chorus.

"I'm stuck in the dark but you're my flashlight" sumabay kami ni Kalila sa pag kanta.

Napangiti naman ako ng sinundan kami ng iba pang students at binuksan nila ang kanilang mga flashlight. Nakita ko naman na napangiti si Amelia dahil doon.

"You're getting me, getting me through the night."

"Kick start my heart when you shine it in my eyes."

napatingin ako kay Vance nang sumabay din siya sa pagkanta, ang lalim ng boses niyang kumanta ngunit napakaganda nito, tiningnan niya rin ako at nginitian habang sumasabay parin siya sa pag kanta.

"Cause you're my flashlight"

"Flashlight." kanta naming lahat.

"You're my flashlight"

"Flashlight." parang echo nalang kami dito dahil sa pag second voice naming lahat.

"You're my flashlight"

"I see the shadows long beneath the mountain top."

"Cause you light the way. You light the way, you light the way." woahhh, hindi ko nakayanan yung birit.

"I got all I need when I got you and I."

"I look around me, and see a sweet life."

Hindi ko alam kung saan ako manunuod at makininig, bakit ba ang ganda ng boses ni Vance kahit na napakalamig ng boses niya. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya titigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forgotten Sin(On-going) Where stories live. Discover now