Mamayang hapon na ang umpisa ng okasyon sa paaralan namin, nandito kali sa hall upang mag decoration upang maganda itong tingnan sa paningin ng mga bisita, naglagay kami ng pula, itim at ginto na lobo, ang ganda ng combination nito, amoy luxurious.Nandito ako sa back stage kasama si Vance, inaayos namin ang sound system na gagamitin namin, nakahanda na ang mga instrument at mic ganon din ang mga bass.
"Kain muna tayo." pag anyaya sa akin ni Vance.
"Tara, nagugutom narin ako, eh." binitawan ko ang chord na hawak ko at tumayo mula sa pagkaka-upo sa sahig.
Nauna akong maglakad dahilinilapag niya pa ang dala nyang speaker. "Ang daming dumi ng pantalon mo." napatingin naman ako sa puwitan ko upang silipin ito.
Napahampas ako sa aking noo dahil bakit kasi puti ang naisipan kong suotin na pants. Naka white mom jeans at beige tank top na pinatungan ng varsity crop top jacket ako, kaya bawal kong tanggalin ang jacket at ilagay sa pants ko.
"Michael." tawag ko sa monitor ng council namin.
"Oh?"
"Pahiram ng jacket mo." agad niya naman itong hinubad ngunit pinigilan siya ni Vance.
"Ako na." hinubad niya ang jacket niya at ibinigay ito sa akin.
Malamig dito sa hall dahil bukas ang limang aircon dito, may isang malaking aircon pa dito sa backstage.
"Thank you." sabi ko kay Michael bago ko abutin sa kamay ni Vance ang jacket niya. "Thank you, Vance." pinulupot ko sa aking baywang ang jacket at itinali ito sa aking harapan.
Habang naglalakad ay naalala ko na may extra pants ako sa aking locker, hindi ko iyun nadala pa uwi dahil maliit lang ang bagna dinadala ko.
"Samahan mo muna ako sa locker ko." sabi ko kay Vance. "Pero, kung pagod ka na, I can manage. Hintayin mo nalang ako sa Cafete-"
"Sasamahan na kita." malapit na kami sa gate patungo sa main building nang marinig ko ang boses ni Chad.
"Amara!"
"Wala kayong pasok?" tanong ko.
"Ako, wala pero yung mga kaklase ko meron, pinapatulong ako ni Ma'am sa inyo."
"Pinapatulong ka tapos nandito ka?" napakunot ang kilay ni Chad nang sumabat si Vance sa pag uusap namin.
"Nakita ko si Amara, eh." kalmado na saad ni Chad. "May kasama ka palang chukoy." bulong sa akin ni Chad.
"Chukoy? What?"
"Sasama daw siya dahil gusto niya bumili ng tikoy." palusot ko.
"Walang tikoy na binibenta sa Cafeteria." ani Vance.
"Malay mo meron, desisyon ka ba?" pa simple ko namang kinurot si Chad sa kanyang braso. "Ouch."
"Sumama ka nalang, ang dami mo pang sinasabi." naglakad na kaming tatlo patungo sa gate.
"Pass card?" tanong ng guard, ipinakita naman namin ni Vance ang ID namin. "Pass card?" tanong naman nito kay Chad.
"Hindi pa po namin time, eh. Kaya wala akong pass card, pero pinapatulong po ako ni Ma'am sa kanila, nagugutom na po ako." palusot ni Chad sa guard ngunit umiling lang ang guard.
"Ano bang bibilhin mo?" tanong ko kay Chad ngunit umiling lang siya at tumalikod sa amin.
Napakibit balikat nalang ako at tinanaw siya hanggang makapasok sa loob ng hall.
"Tara na." anyaya ko kay Vance at nagpatuloy na kami sa Cafeteria.
Nag order ako ng isang sopas at tubig para maligamgaman ang katawan ko dahil sa lamig, bumili din ako ng biscuits at yakult upang baonin ito sa hall.

YOU ARE READING
The Forgotten Sin(On-going)
FantasyAmara Blaire Castro, Pretty, clever, belongs to the middle class, with a comfortable home and happy family, seemed to unite some of the best blessings of existence. She was the youngest of the two daughter of Family Castro.