PROLOGUE

19 2 0
                                    


     Magandang panahon at tanawin ang bumungad saakin nang itinapak ko palabas ang aking paa mula sa aming bahay.

"Hi Amara." magiliw na bati saakin ng aming mga kasambahay.

"Hello po. Kumain na po ba kayo?" tanong ko sakanila.

"Tapos na hija." sabi ng pinaka matanda sakanila, si Manang Mila.

"Sige po mauna na ako, pupunta po ako sa bahay nila Kalil." sabi ko at nagpaalam na.

Habang naglalakad sa masikip na eskinita ay binabati ako ng aming mga kapit-bahay.

"Ang ganda naman ng panahon, kasing ganda mo ate Amara." hirit ng pilyo na bata na si Luke.

"Manahimik ka nga, buksan mo nalang yang bakod nyo at pupunta ako kila Kalil." utos ko dito. "Hawakan mo na din yung aso mo na panget."

"Ang ganda kaya ng aso ko." sabi nito at ngumuso. Nakanguso nyang binuksan ang kanilang bakod kaya naman nakapasok naako.

"Kalil." tawag ko sa kaibigan ko ng makita syang naglalaba sa harap ng bahay nila.

"Amara." bati nya saakin at tumayo. "Anong kailangan ng prinsesa ng barangay Masiling?"

"Wala akong magawa sa bahay namin. Mamaya pang gabi uuwi si Mama at Papa, ganon din si ate Alice." saad ko pa. "Pero may ginagawa kapa kaya babalik nalang ako ng bahay.

"Almara!!" rinig kong tawag saakin ng mama ni Kalila.

"Yes tita?"

"Pasok ka dito dali. May niluto akong meryenda." nakangiti naman akong pulasok sa loob ng bahay nila, sumunod naman saakin si Kalil.

"Bibingka ba iyan Tita Letty?" tanong ko sa mama ni Kalila.

"Oo, ipapadala ko pa sana yan sa bahay nyo kaso narinig ko ang boses mo jaya dito kanalang kumain."

"Thank you, Tita." sabi ko at naupo na kaming dalawa ni Kalila sa upuan. "Mmmmhhh, ang sarap talaga magluto ng Mama mo." puri ko kay Kalil

"Kaya nga hindi nakakapagtaka na doble yung laki ko sayo. Ang taba kona." sabi nya habang sinusukat ang kanyang braso gamit ang kanyang mga daliri.

"Agree ako sa sinabi mo." saad ko at tiningnan nya naman ako ng masama.
Nginitian ko lang sya at sumubo nalang ulit ng bibingka.

Hindi ako tumagal sakanilang bahay dahil may assignment pa akong gagawin, pagdating ko sa labas ng aming bahay ay andun na ang sasakyan nila Mommy. Kami lang ang may sasakyan dito saaming buong barangay. Hindi kami mayaman pero hundi rin kami mahirap, tumataas lang ang kita ng aming negosyo dahil saaming mga investor.

"Manong Kiko." tawag ko saaming hardinero na nakaupo sa gilid ng aming bahay. "Nasaan po si Chad?" patungkol ko sa anak nya na kaibigan ko rin.

"Nasa bahay. Gumagawa ng assignments." sabi nito at tumayo. "Nasa loob na ang iyong mga magulang at hinahanap kan." dagdag nya pa at nagpaalam saakin na uuwi na siya.

"Sweetie." agaw pansin na pagtawag saakin ni Mama mula sa bintana.

"Hi Mama." bati ko dito at tumakbo na papasok sa aming bahay. "Hi Papa." masayang bati ko rin sa aking tatay.

"Amara." napatingin naman ako saaking likod ng marinig ang boses ng aking ate.

"Ate Alice." saad ko at pabilis na tumakbo papunta sakanya upang yakapin sya ng mahigpit. "May dala ka bang pasalubong?" tanong ko sakanya habang nakayakap parin.

"Wala eh." sambit nya kaya binitawan ko sya. "Syempre meron. Pasalubong lang talaga siguro ang gusto mo saakin."

"Hindi kaya." tanggi ko.

The Forgotten Sin(On-going) Where stories live. Discover now