Naglalakad ako ngayon patungo sa parking lot kung saan nag-aantay na ang aking driver.
Nakakapanibago dahil dati lamang ay si Mama o si Papa ang sumusundo sa akin, ngayon driver na. Busy na silang lahat sa business nila.
"Hey." napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, kuya ni Georgia.
"B-bakit?" kinakabahan kong tanong.
"Huwag kang matakot, nandito ako upang tanongin ka kung nakita mo ba si Georgia."
"H-hindi ka ba g-galit s-sakin dahil s-sa sinabi k-ko kay G-Georgia?"
"Hindi." nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. "Nagpapasalamt nga ako at hindi ko na kailangan itago kung sino ako." Ani n'ya.
"Sa tanong mo...hindi ko pa nakita si Georgia mula kanina. Hindi rin s'ya pumasok sa last period namin."
"Gan'on ba?" tanong niya at tumango naman ako. "Sige, salamat." pinanood ko ang kanyang likod hanggang sa makalayo na siya saakin.
Napabuga ako ng napakalalim na hinga dahil sa kaba na naramdaman ko kanina.
"Amara." agaw pansin naman saakin ni manong driver.
Lumapit ako dito at pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Salamat po." nginitian ko siya at umayos na ako sa pagkaka-upo.
Isinalampak ko ang aking head phone sa taenga ko at binuksan ang spotify, pinatugtog ko ang Old by yugi, putri dahlia.
I accompanied the song by humming the lyrics until the chorus came.
"When I'm with you, it's like deja vu" sabay ko sa kanta. Naaliw ako sa pagkanta hanggang sa naalala ko na hindi pala ako magaling don.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko na ang haba ng traffic. "May na disgrasya daw sa harap." saad ni Manong driver, tumango naman ako sa kanya.
Napatingin ako sa aking cellphone nang mag-vibrate ito. Nag pop-up sa screen ko ang pangalan ni Kalila.
'Si Georgia naaksidente daw' nanlaki ang aking mga mata dahil sa nabasa.
Nag reply ako kung saan tinanong ko kung saan ito na disgrasya.
'Malapit daw sa Serendipity'
"Manong pagdating sa unahan paki-parking po."
"Huh? Bakit hija?" may takang tanong niya.
"Basta lang po, manong." nag-vibrate ulit ang aking cellphone kaya tiningnan ko ulit iyon.
From: Kalil
Nasa hospital na daw, hindi pinapayagan ng mommy niya na may mga pupunta doon.
Nagtaka naman ako sa kanyang chat.
To: Kalil
Bakit daw??
"Manong wag na pala tayong dumaan."
"Okay, po." gulat na tiningnan ko ang driver.
"Po?"
"Opo." napatapik ako sa aking noo dahil sa pag opo ni manong.
"Ilang taon na po kayo?"
"48."
"Ako naman 15. Wag po kayong mago-opo sa akin."
"Pero amo po k-"
"Mas matanda ka naman sa akin." putol ko dito.
From: Kalil
Hindi ko din alam. Basta sabay nalang tayong pupunta doon pag pumayag na ang mommy niya.
Hindi ko nalang siya nireplyan at sinalampak ulit ang headphone sa taenga dahil umusad na ang sinasakyan namin.
YOU ARE READING
The Forgotten Sin(On-going)
FantasiaAmara Blaire Castro, Pretty, clever, belongs to the middle class, with a comfortable home and happy family, seemed to unite some of the best blessings of existence. She was the youngest of the two daughter of Family Castro.
