TFS II

5 2 0
                                    


Kanina pa bulong nang bulong sa tabi ko si Chad dahil natalo sya ni Vance, nandito kali ngayon sa kalenderya upang mag tanghalian.

"Kanina ka pa. Tumahimik ka naman." reklamo ni Kalila sakanya.

"Escort lang naman yan." sabi naman nitong babae na nasa harap ko, si Amelia.

"Kaya nga, hindi naman iyon big deal. Kasalanan ba ni Vance kung mas malakas ang kanyang aura kaysa sa'yo." Patung ko pa.

"Si Vance binoto mo, noh?"nalilisik na tanong saakin ni Chad.

"Ikaw, syempre." walang alinlangan na sagot ko.

"Mabuti naman."

"Umpisahan nalang natin ang pag kain, napaka ingay nyo naman." reklamo pa ni Kalila.

"Napakasungit mo yata ngayon, ireregla ka ba?" walang hiyang tanong ni Amelia kay Kalil.

"Yung bibig mo po paki zipper, salamat." ani Kalil at nag simula nang sumubo ng pagkain.

Napakibit balikat nalang kami at nagsimula na rin mag subo.

"T-tubig." nabubulunan na utos ni Chad. "T-t-tubig." nataranta naman ako na iniabot sakanya ang tubig na kakainom ko lang.

"Napaano ka?" tanong ko habang hinihimas ang kanyang likuran.

"Balak nyo ba akong patayin? Nagtinginan pa talaga kayo bago nyo iabot saakin ang tubig." reklamo nya pa nang mahimasmasan sya.

"Hindi ka pa naman namatay." pabalang na saad ni Kalil.

"Kanina ka pa, ah." inis na sambit ni Chad.

"Excuse me." napatingin ako saaking likod nang marinig ko ang boses ni Vance.

"Kailangan mo?" tanong ni Chad dito.

"May nakaupo ba diyan?" patukoy nya sa upuan sa aking tabi.

"Wal-"

"Meron, yung imagination girlfriend ko." putol saakin ni Chad. Nagtataka namang napatingin si Vance kay Chad. "Bakit?"

"Walang naka upo dito." kinuha ko naman ang aking bag na nakapatung doon.

"Salamat." naupo na saamin si Vance, mabuti naman at may dala na syang kanin at ulam.

"Saan mo yan nabili? Bakit walang ganyan dito?" tanong ni Kalil nang makita nya ang ulam ni Vance. Kare-kare iyon.

"Nagpaluto ako nito, wala talagang ganito dito dahil para saakin lang to." sabi nya at sumubo na.

"Ang unfair naman." sambit ko.

"Gusto nyo?" alok nya saamin.

"Syempre hindi kami tatanggi." malakas na saad ni Kalil.

"Parang wala ka sa mood kanina, ah." ani naman ni Chadrick.

"Pahinge, ah." paalam ko at kumuha ng dalawang hiwa ng manok.

"Ang sarap." sambit ni Amelia nang makasubo sya.

"True." sabi naman ni Kalil.

"Ayaw mo?" tanong ni Vance kay Chad.

"No, thanks." napakibit balikat nalang si Vance at nagsimula nang magsubo ng pagkain.

"Para kang ano." bulong ko kay Chad at bahagya ko syang inirapan.

Natapos na kaming kumain, sa kabilang bahagi dumaan si Kalila at Chad samantalang kaming tatlo ay medyo malayo pa ang lalakarin patungo sa Main gate ng Naria. Wala pa kaling payong na dala kaya naman ay lakad takbo ang ginawa naming tatlo.

The Forgotten Sin(On-going) Where stories live. Discover now