TFS I

7 2 0
                                        

Ayaw tumigil ng ulan, napakapangit ng panahon. Mula ng lumipat kami sa bago naming bahay ay hindi ko masilayan ang liwanag. Tunay nga na malaki ang aming bzhay ngunit wala na ang ingay ng aming mga kapit bahay na minahal.

Humiga ako saaking higaan at niyakap ang teddy bear na nasa aking gilid, hindi ko na makikita sila Chat at Kalila. Tatlong araw nang walang pasok dahil sa bagyong elping. Nakatulong naman ito upang makapag-adjust ako.

"Amara." rinig ko sa boses ni Ate.

"Pasok." binuksan nya naman ang pinto at pumasok.

"Sabi ni Mama magbihis kana daw."

"Why?"

"We're going to shopping. Wala na tayong mga damit."

"Hindi ako sasama."

"Papa will get mad at you. Alam mo na mainit pa ang ulo nya." sabi nya at inalalayan nya ako upang maka upo. "Alam ko na nalulungkot ka parin dahil hindi na natin kasama ang ibang tao na tinuring natin na pamilya. Dapat nga maging masaya tayo dahil hindi sila nasama sa sunog na nangyari sa bahay natin, eh."

"Hindi ko na makakasama sila Kalila at Chad."

"Pwede mo sila papuntahin dito bukas. Ngayon magbihis ka na dahil bibili tayo ng mga bagong gamit."

"Pwede ka nang lumabas." Nakangiting saad ko at tumayo. Kinuha ko ang isang wide leg pants at hazel brown top na binili kahapon ni Mama sa mall.

Hindi na ako nagdala ng bag, inilagay ko lang ang aking cellphone sa likod na bulsa ng pants ko. Lumabas naako mula sa aking kwarto at nagtungo na sa baba kung saan nag-aantay sila Mama at ate.

"Ready?" tanong ni mama at tumzngo naman kami ni ate.

"Here's my card, buy all you want." iniabot ni Papa ang kanyang card kay Mama. "Amara, don't buy any cheap." sabi nya at ginulo ang aking buhok.

"Oka-"

"Don't buy any clothes from the thrift store."

"Okay, I wouldn't."

"Bye, Pa." paalam ni ate at tumzlikod na kami.

"Gusto ng Papa nyo ay magkaroon na kayo ng bagong buhay."

"Pati pananamit? Required pala yon."

"Amara." suway saakin ni ate.

Sumakay na kami sa 'bagong sasakyan' na binili ni Papa kahapon. Pati yung old car nya ayaw nya na gamitin kasi 'disgusting' daw. Sabagay nag-grow na ang business kaya dapat mag-grow narin ang aming mga gamit kahit na may sentimental yung car na iyon ay binenta nya parin.

Huminto kami sa isang malaking mall, sikat ang mall na ito dahil sa laki nito. "I want to buy some new shoes." saad ko.

"Anong brand ang gusto mo? Nike? Or some luxurious like Dior, Louis Vuit-"

"Stop it, Ma." putol ko sakanya.

"Why? Sabi ng Papa ny-"

"Yeah, right."

Ang una naming pinuntahan ay ang Dior, umupo lang ako sa isang couch sa store dahil wala akong gana mamili ng mga bag, sapatos at kung ano man.

The Forgotten Sin(On-going) Stories to obsess over. Discover now