First Encounter
Lahat naman tayo nangangarap.. Walang masama kung gaano kataas, gaano katayog, gaano kababa, gaano kasimple. Pero meron ba talagang simple at mababang pangarap?
Ah, basta.. Ako ang gusto ko, iyong magkaroon ako ng boyfriend na koryano! Kung di papalarin basta yung mala-Lee Jong Suk o di Kaya Lee Min Ho.. Pangarap ko makatapos ng pag aaral, makapunta ng South Korea—sa kahit anong bansa! Gusto kong magtravel! Makuha ang lahat ng gusto ko!
"Tiis tiis lang." I sighed when the lights on my dormitory automatically turned off. Kinuha ko ang flashlight at ginamit iyong ilaw habang nagbabasa para sa lesson namin bukas.
Pinili ko na mag dorm at mag working student dahil pinayuhan ako ng tita ko na kung gusto ko na makapagtapos ay makipagsapalaran na lang ako dito sa Maynila. Nung namatay kasi ang mga magulang ko noong 10 taon gulang ako ay siya na ang kumupkop sa akin, maaga siyang nabyuda at siya na lang din ang natitira kong pamilya. Kaya lang dahil sa hirap ng buhay namin, landscaping at pagsasaka ang pangunahin na pangkabuhayan sa probinsya, sinabihan niya ako na hindi ganoong buhay ang pinapangarap niya para sa akin..
Kaya heto ako ngayon.. sa isang maliit na apartment, may oras lang ang ilaw at tubig. Kasama na raw kasi sa upa na 2,500 kaya kinocontrol ng landlord.
Nang ma-lowbat na ang flashlight ay tinigilan ko na Ang pagbabasa ng libro. Maaga pa ako bukas sa trabaho sa sizzlingan kaya nag alarm ako gamit ang maliit na keypad phone.
I saw my aunt's two missed call but it's late and this room has paper thin walls, baka ireklamo ako ng kapitbahay kung bakit ngayon pa ako nakikipag tawagan, at baka tulog na rin si tita.
Alas sais pa lang ng umaga ay nakagayak na ako, suot ang puting shirt at itim na slacks ay nilakad ko ang eskinita palabas. Naroon pa Ang mga tambay na nakatulugan na ang pag iinom. Muntik na din ako mabunggo ng mga batang nagtatakbuhan. Nang binuksan ko Ang gate ng eskinita ay natanaw ko si Vincent, ang anak ng landlord ko, mabait siya at siya rin ang una kong naging kaibigan dito.
"Magandang Umaga Chesca." Batik nito, mukhang may gusto pa na sabihin pero nginitian ko na lang dahil nagmamadali na ako.
Bago sumakay ng jeep ay nadaanan ko yung paborito kong kainan... May baon naman akong delata at kanin, pero plano ko kasi na mamaya na sa school ito kainin.
"Ate, may pancit?" tanong ko habang binubuksan isa isa ang mga nakatakip doon. "Isang order nga, tapos kape po." sabi ko bago umupo. Gustong gusto ko ang pancit nila dito, maraming gulay at may iilang piraso ng manok na lahok.
Mabilis lang akong kumain pagkatapos ay dumiretso na rin papunta sa pinapasukan kong sizzlingan. Hanggang alas dose lang ang shift ko, at ala una naman ang klase ko.
Pag dating sa community college ay mabilis akong nagpalit ng damit, nagtoothbrush, at naghanda sa susunod na klase.
Nagpapahinga ako sa bench pagkatapos ng isang major nang tumawag si Tita May sa akin. Nangamusta lang ito pagkatapos ay ibinaba ko na rin.
I thought of reviewing for my next class, and I just pulled out my book when a man wearing my school's same uniform sat on the bench in front of me.
"Don't mind me." antipatiko niyang sabi. Luh? Ano iyon? Hindi ko talaga siya papansinin. His strong masculine perfume filled my nose. "Anong course mo?" he asked, trying to look at my ID.
Hindi ko pinansin at nagfocus sa binabasa. "Sungit." nag angat ako ng tingin at inirapan siya. There was this sly, and playful smile plastered in his face. Mabilis akong yumuko, mabilis na uminit ang pisngi ko.
Ang gwapo! P-pero mayabang! His hair is neatly pulled back, medyo may kahabaan iyon. Singkit, at sobrang matangos ang ilong, and his body is so chiseled as well. He was like those playboys on television, iyon bang alam mong walang ibang gagawin na mabuti at magpapaiyak lang ng babae.
I heared him chuckled, if possible siguro mas lalo akong namula! Tumayo siya at akala ko aalis na. He's so tall.. Napakaliit ko compared sa kaniya, I was only 5'2 and if I stand beside him sa tingin ko hanggang kilikili niya lang ako..
Umupo siya sa tabi ko, kaya umusod ako ng konti at pilit na binabasa ang isang pangungusap doon na hindi naman pumapasok sa isip ko kahit anong gawin ko.
"I'm Philipp, by the way. Kaklase kita sa dalawang minors. Irregular ka?" there was this long silence between us after he said that. Nang lingunan ko siya ay awkward siyang napakamot ng ulo.. Hindi naman kasi ako nakikipag usap at nakikipag kaibigan, it is hard.. being an irregular student..
"Franchesca—"
I was cut off when other college boys entered the scene. Mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Bro, kanina ka pa hinahanap ni coach. Kakausapin ka lang daw. Ano na? Nandito ka lang pala sa park..... Siya na ba yung?" he stopped midway, kumunot ang noo ko sa sinabi ng kaibigan niya.
"Kaibigan ko 'to si Chesca." he pulled my shoulders kaya napadiretso ako ng upo. He is so close, and all that I can think of is his perfume. Napansin yata ni Philip na nagulat ako at mabilis din naman niyang kinalas ang hawak niya sa akin. Maya maya pa ay tumayo na rin.
"Tara na, Cedric. Bye Cheesecake." he said playfully before leaving with his friend.
Tinignan ko sila hanggang makalayo. This place might be a community college; dito nag aaral iyong mga di afford ang private university, to us this is heaven, we can study, have dreams for our future. But to them, this is a playground.. Nasa private na pero dito binagsak dito kasi... siguro politika?
I know Philip, hindi man sa mukha but he is the talk of the town. Kapag kumakain ako sa school canteen or kapag wala pang prof ay naririnig ko siyang pinag uusapan. I know he is my classmate pero madalas may sarili akong mundo.. Bahay, trabaho, at school lang.
"Ayan yung anak ni Governor, sakit daw kasi yan sa ulo at pasaway pero matalino daw! Andito dahil siyempre eleksyon at pinopromote ng tatay itong community college!"
Dinig kong bulungan sa klase. I turned to look at Philip, it was obvious that he heared what they are saying pero parang wala lang sa kaniya at tuloy lang sa paikot ng ballpen sa kamay. He caught me looking at him, mabilis akong umiwas ng tingin at hindi na siya pinansin.
After that class, I had a vacant period tapos isang klase na lang ay uwian na. Bumalik ako sa park at inilabas na ang lunch ko, kanin na nakalagay sa tupperware at canned tuna. Just when I was about to eat, may naglapag ng isang mangkok ng sinigang sa harap ko. I looked up to see Philip who is smiling at me. Hawak niya ang isang plato na may kanin din at sinigang na para sa kanya..
"Pasabay ako ah." hindi ko na siya pinansin at tinuloy ang pagkain ng canned tuna at kanin. "Ayaw mo ba nito?" akmang ibubuhos niya ang sabaw sa kanin ko nang tabigin ko iyon.. Pati ako nagulat sa ginawa ko, but I was allergic to shrimp and I didn't have my antihistamine with me... Tinitipid ko rin at mahal yun.. Kung aksidente lang akong makakain..
"Allergic ako sa hipon. Sorry, hindi ko sinasadya.." mabilis kong pinulot isa isa ang mga gulay at hipon na nakalagay doon.
"It's okay.." seryoso niyang sabi at parang may malalim na naiisip.. Hindi na siya nagsalita at mabilis na inubos ang kinakain niya at iniwan ako roon.
Nahiya ako sa ginawa ko. Kanina ko pa siya sinusupladahan at baka akala niya ay kasali ako roon sa mga nagchichismisan at nanghuhusga patungkol sa kaniya kanina..
Hindi na nawala iyon sa isip ko kahit pa sa sunod na klase. I was thinking of explaining for our next class pero he didn't approach me. He was so serious while he was listening to our prof and never batted an eye..
Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin. Binati ako muli ni Vincent pero dahil okupado ay hindi ko na nahanap ang enerhiya para sagutin ang bati na iyon.. Why am I so affected? Allergic naman talaga ako! At hindi ko rin sinasadya..
It also didn't help that even after washing my clothes ay kapit na kapit parin ang mamahalin niyang pabango..
Maaga pa ako sa trabaho bukas kaya imbes na mag isip ng mag isip ay nagtalukbong na lang ako ng kumot at natulog.

YOU ARE READING
Pregnant With Mr. Ignacio's Baby
عاطفيةFranchesca Ferrer is your typical kolehiyala promdi girl. She has her dreams of her own, hirap sa buhay pero nagsisikap but it all took a turn when she got pregnant with Philip River Ignacio Jr.-the son of their province's governor.