Chapter I: The Harris Family

103 2 1
                                    

Abala ako sa pagtitipa ng aking sinasaliksik para sa gawain na pampaaralan nang mapukaw ang atensiyon ko ng munting mga katok at boses mula sa labas ng aking kuwarto.

"Ms. Hope, dinner is ready."

"Uhm, okay! I'm coming. Thank you!" masigla kong tugon mula sa loob.

Nang marinig ko ang papalayong mga yabag, hudyat ng kaniyang paglisan, nagmamadali akong naghanda para bumaba. Tinapos ang mga dapat tapusin na aking kasalukuyang ginagawa. Isinarado ko ang aking laptop at itinabi ang mga gamit kong nakakalat.

Sa aking pagbaba, sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko nang matanaw ang aking mga magulang na naroroon na sa harapan ng hapag: ang napakaganda kong ina na si Mrs. Katelyn Harris at ang aking tumatayong ama na si Mr. George Harris.

Marami nang nagbago simula nang manirahan ako rito sa ibang bansa kasama sila. Pagkatapos ng operas'yong nangyari sa akin noon, nagbago ang buhay ko. Yeah, I had a brain tumor before. I thought, I would die so young but God's really so good. I was a survivor; a living proof of miracle.

Nalagpasan ko ang puntong iyon ng aking buhay na akala ko, bilang na lang ang aking araw sa mundo pagkatapos kong malaman ang aking matinding karamdaman. At ang akala kong hindi ako matatanggap ng bagong lalaki sa buhay ng aking pinakamamahal na ina, himalang hinayaan akong tumira kasama sila nang malaman ang aking kaawa-awang kalagayan. Ngunit, labis akong nagpapasalamat dahil ang awang iyon para sa akin, napalitan ng totoong pagtanggap at pagmamahal bilang isang pamilya ... isang anak.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, alam kong dapat akong maging masaya para sa aking bagong buhay dahil ito ang pangarap ko noon pa man—ang magkaroon ng isang buong pamilya. Ngunit, bakit ba hindi ko magawa?

Isang palaisipan pa rin sa akin ang pagpayag ko sa nasabing operas'yon. Dahil kung ako ang tatanungin, hindi ako kailanman papayag sa bagay na iyon dahil alam ko ang maaaring magiging malaking kapalit niyon. Sa hindi mawaring dahilan, may mga putol na bahagi sa aking alaala. Maliban sa mga nagugunita ko dati bago ko pa man matuklasan ang aking sakit hanggang sa malaman ko na ang tungkol doon at ang pagkagising pagkatapos ng naturang operas'yon, wala na. Blangko na sa hindi malamang dahilan at napaiisip ako kung may mga mahahalaga bang nangyari sa pagitan ng mga iyon.

Inaayos ng aking ina ang mga gamit ko sa aking magiging silid rito sa mans'yon nang binuksan ko ang isang maliit na kahon na nakapatong sa aking malaki at malambot na kama. Bitbit ko iyon sa aking paglabas ng hospital. Naroroon ang ilang mga gamit ko.

Inangat ko ang isang kapirasong papel na aking itinabi mula roon. Marahan kong ipinaglandas ang aking mga daliri sa naturang sulat.

"Tomorrow, we will go shopping. We will buy some stuff for you," sabi ni Mom habang abala siya sa pag-aayos ng mga damit ko sa isang malaking aparador.

"Mom ..." wala sa sarili kong sambit habang ang mga mata ay nasa tangan na papel.

"Yes, sweetie?"

"Do you know anything about Isla Espero?" tanong ko nang balingan siya.

Kumunot ang kaniyang noo. "Oh, that island?"

Nakuha niya ang buong atensiyon ko. "Do you know that place?"

"Yeah ..." Nagkibit-balikat siya at muling hinawakan ang mga damit. "Doon tayo nanggaling bago pumunta rito sa Amerika. Do you remember?"

Ibinaba ko ang tingin sa papel. "I-I don't remember anything ..." saad ko sa mahinang tinig.

She sighed. "What's bothering you, sweetie?" Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi. Bumaba ang kaniyang tingin sa hawak ko. "What is that?"

My Hope in ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon