Chapter XII: The Lies of Present

28 0 0
                                    

Tahimik ako sa buong biyahe. Narating namin ang Ash Iya Resort nang hindi ko binabasag ang katahimikang namamayani sa aming dalawa.

Nang itigil niya ang sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Nagmamadali akong bumaba upang tunguin ang aking silid.

"Hope."

Bigla akong natigilan. Dahil sa pagiging okupado ng aking isipan, hindi ko na namalayan ang ginawa niyang pagsunod sa akin. Nasa tapat na ako ng aking silid nang lingunin ko siya.

Kahit na mahirap sa aking kalooban, kailangan kong umakto na katulad pa rin ng dati—walang naaalala na kahit na ano man sa pagitan naming dalawa noon.

Napatitig ako sa binata. Gusto kong ihagis ang sarili ko sa kaniya at yapusin siya nang napakahigpit. God knew how much I missed him. Gusto kong ipaalam kung ano talaga ang aking nararamdaman para sa kaniya noon pa man ngunit hindi ko magawa. May bahagi sa akin na pumipigil na magpakatotoo dahil ayaw kong masaktan ang isang tao sa aking buhay nang dahil sa pagiging makasarili ko.

Gusto siya ng aking kapatid at kung aamin man ako na naaalala ko na ang lahat-lahat ng tungkol sa aming dalawa, mahihirapan lang akong itulak siya nang palayo.

Inilihis ko ang aking mga mata mula sa kaniya. "Magpapahinga na ako. Salamat sa araw na 'to," walang emos'yon kong turan nang huminto siya sa aking harapan.

Inabot niya ang aking siko. "Galit ka ba sa akin dahil sa ginawa ko kanina?" He sighed. "I'm sorry, alright? Hindi ko na uulitin ..."

Binalingan ko ang binata at hindi ko alam kung paano ko siya natingnan sa mga mata nang diretso sa sandaling ito. "At, bakit naman ako magagalit sa iyo? I don't care about you, TJ. Kahit sa simula pa lang, alam mo na ang bagay na iyon, 'di ba?" malamig kong saad. "Wala akong pakialam kung malunod ka kanina. Hindi ko kailanman sisisihin ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa iyo dahil wala akong kasalanan sa bagay na iyon."

"Ano?" kunot-noong sambit niya.

Akmang bubuksan ko na ang pinto na nasa aking harapan nang higitin niya ang braso ko. Napatingala ako sa kaniya dahilan upang magtama ang aming mga mata nang sandaling iyon.

"Kung gano'n para saan ang pagtawag mo sa pangalan ko kanina? Para saan ang mga luha mo? Para saan ang mga iyon kung hindi naman pag-aalala ang ibig sabihin niyon?" sarkastiko niyang turan.

Binawi ko ang aking braso mula sa kaniya. "Pag-aalala?" malamig kong sambit bago tumawa nang pagak. "Ako? Mag-aalala sa tulad mo?" sarkastiko kong turan. "Bakit? Sino ka ba TJ sa buhay ko? Sa islang ito, tour guide lang kita. Narinig mo? Isa ka lang tour guide. Kaya kung ako sa iyo? Matuto kang lumugar at hayaan mo akong magpahinga—"

Natigilan ako nang isandal niya ako sa pader; ang kaniyang magkabilang mga kamay ay tila ikinukulong ako sa posis'yong iyon.

Mataman niya akong tiningnan. "Hope, ano bang nangyayari sa iyo? Akala ko ba nagiging maayos na tayong dalawa? Ano'ng drama 'to?"

Tinatagan ko ang aking kalooban na huwag ipahalata ang tunay na nararamdaman. "Wala pa ring nagbago. Isang sinungaling pa rin ang tingin ko sa iyo," malamig kong usal. "Tinanong kita kanina at ayos lang sa iyo ang bagay na iyon na ganoon ka sa mga mata ko. Dahil, alam mo sa sarili mong gano'n ka, 'di ba? You're just a freakin' liar. Kung ako sa iyo, tigilan mo na ako. Lubayan mo na ako rito sa isla—" Napaigtad ako nang hampasin niya ang pader na kinasasandalan ko.

Hindi ko maiwasan na hindi maapektuhan nang makita ko kung gaano siya naghihirap sa sandaling ito.

T-TJ ...

"Hope, hirap na hirap na ako ... pero para sa iyo, hindi ako susuko," nanghihina niyang sambit na tama lang para marinig ko.

Napalunok ako at bago pa man umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, marahas ko siyang itinulak sa dibdib upang makawala mula sa kaniyang pagkakukulong.

My Hope in ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon