Chapter VI: The Unwanted

29 1 0
                                    

Sa pagpasok ko sa aking silid, naratnan ko si Alyanna na nagwawala sa loob. Napadako ang mga mata ko sa magulong ayos ng aming kuwarto. Napaawang ang aking mga labi. Ano'ng nangyari? Napabaling ako sa kaniya na kasalukuyan ko na ring nakuha ang atensiyon.

Pabagsak siyang naupo sa gilid ng kaniyang kama. "Argh! I hate this life!"

Pinulot ko ang mga librong nakakalat sa sahig at itinabi iyon. "Alyanna, ano naman ba 'to, ha? Buti na lang wala rito si Mommy kundi maaabutan na naman niya ito." Pinilit kong maging kalmado kahit pa, labis na nagtataka sa hindi magandang inaasal niyang ito.

"Shut up! Wala kang alam! Kung gusto mo, ayusin mo! Wala akong pakialam!"

Hinarap ko siya. "Bakit ka ba kasi nagkakagan'yan, Alyanna?"

"Gusto mo ba talagang malaman, ha? My college life is already ruined! Ang nag-iisang dahilan kaya nasasabik akong pumasok sa mga klase ko rito sa imp'yernong bansang 'to, wala na!" bulalas niya sa akin. "At, bakit ba kailangan mo pang tanungin ang bagay na ito na parang wala kang kaalam-alam sa nangyayari sa unibersidad? Nasa seksiyon ninyo na nga siya, di ba? Maang-maangan ka pa."

Kumunot ang aking noo. "W-What did you say?" Ano'ng ibig niyang sabihin sa bagay na iyon? Sa sandaling ito, may biglang sumagi sa aking isipan na imahe ng isang lalaki nang dahil sa kaniyang litanya ... . Napamaang ako. Don't tell me ... "Teka, si TJ ba ang tinutukoy mo na dahilan mo kaya pinili mong sa seksiyon na iyon pumasok?"

"Sino pa nga ba? Stupid!" Napairap siya sa kawalan bago nagmartsa nang palabas ng aming silid.

Bigla akong natigilan. Bahagya akong naestat'wa mula sa aking kinatatayuan. Kung ganoon, ang lalaking iyon ang kaniyang nagugustuhan sa unibersidad? No way ...

Nang pagsapit ng Sabado, sobra akong napagod para bumangon nang maaga. Napuyat ako sa pagtapos ng mga gawain na kailangang ipasa sa Lunes. Mas mainam nang natapos ko iyon nang maaga kaysa magahol ako sa oras. Ngayon, maaari akong magtagal sa aking kama nang walang inaalala na kung ano man.

Mag-aalas dose na ng tanghali nang maisipan kong bumangon at bumaba para kumain. Tuloy-tuloy ako sa kusina. Maghahanap na sana ako ng makakain nang bigla akong nauhaw. Binuksan ko ang aming refrigerator para kumuha ng tubig at isalin sa isang malinis na baso.

Namumungay pa ang aking mga mata nang uminom ako roon ngunit halos maibuga ko ang tubig na nasa aking bibig nang may mahagip ang mga mata ko na isang pamilyar na pigurang prenteng nakaupo sa mahabang sofa na nasa sala. Umangat ang isang sulok ng kaniyang mga labi nang magtama ang aming mga mata.

T-TJ?

Mabilis kong kinalma ang aking sarili bago nagmamadaling nagmartsa patungo sa sala. Wala na akong pakialam kung mukha man akong bagong gising ngayon na walang suklay at hilamos.

Ano'ng ginagawa niya rito?! Oh my gosh! Pati pa naman dito umabot ang pagsunod niya?!

"Gosh! You're really a stalker!" paratang ko sa kaniya nang tuluyan siyang makaharap.

Namamanghang napatitig siya sa akin dahil sa aking ibinulalas. "Ano?"

Aba, umaasta pa talaga ang lalaking ito na wala siyang alam. Then, try harder! "This is trespassing! You better to leave now or else—"

"Are you bothering my guest?"

Napaangat ako ng tingin sa hagdanan at nakita ko si Alyanna na bumababa mula roon. Lumapit ito sa aming kinaroroonan.

Kumunot ang aking noo. "G-Guest?" Seriously? This guy?

"Yes, he is. Ako ang nagpapunta sa kaniya rito. Why? Is there a problem?"

My Hope in ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon