Sa labis na pagkalito ng aking isipan, nais kong kumawala pansamantala sa realidad. Ngunit, alam kong kapag tinakasan ko lang ang mga gumugulo sa aking isipan, mas lalo lang akong hindi patatahimikin; hindi makalalaya.
"Bestie, ayos ka lang?"
Nagliligpit ako ng mga gamit nang punahin ako ni Carol. Marahan akong tumango. "O-Oo naman. Bakit?"
"Napapansin ko kasi na parang kanina ka pa tulala at tila ang lalim ng iniisip. May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.
Pilit akong ngumiti para ipakita na hindi niya kailangang mag-alala para sa akin. "Guni-guni mo lang 'yon. I'm fine—"
Napasinghap ako nang may lumapat na palad sa aking noo. Nakita ko rin ang panlalaki ng mga mata ng matalik kong kaibigan nang napadako ang kaniyang tingin sa aking likuran.
"Wala ka namang sinat," kas'wal na komento ng isang lalaking may pamilyar na boses.
Kaagad kong sinagi ang kamay nito sa aking noo bago masama itong tiningnan nang tuluyan akong humarap dito.
"Ano ba? Close ba tayo, ha? Stay. Away. From. Me," asik ko kay TJ bago kinuha ang aking mga gamit at nagmartsa palabas ng silid.
"Bestie!" habol ni Carol sa akin.
Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko. Kaasar! Bakit ba ginagawa lang nito ang ano mang naisin nang hindi iniisip ang maaaring mga taong nasa paligid? Argh!
"Why did you do treat him like that? Gosh, bestie, sa ginawa mong 'yon baka isumpa ka ng mga tagasunod niyon."
"Mas isusumpa nila ako kapag dumikit pa ako sa kaniya. He's so insensitive! Hindi niya ba naiintindihan na ayaw kong madikit ang pangalan ko sa kaniya?"
"What's your problem with that? Hindi mo ba alam na nagkakandarapa ang lahat ng mga babae, mapalapit lang sa kaniya? Tapos, siya na nga 'yong lumalapit sa iyo, sinusungitan mo pa. Hindi ka naman gan'yan sa iba, a? You're friendly ..."
Bigla akong natigilan. Yeah, this was not so me. Kahit ako, hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Huminga ako nang malalim. "I-I'm sorry. Pagod lang siguro ako."
"Naiintindihan ko naman na hindi ang tipo niya ang gusto mo kaya hindi ka naghahabol sa katulad niya ay dahil s'yempre, may Leon ka ... pero, hinay-hinay naman, bestie. Huwag kang mas'yadong malupit kay TJ."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Carol naman, e. Wala namang kung ano para itulak mo ako sa kung sino man sa kanila."
"Of course, I also wanted you to enjoy with your life. Huminga ka naman."
I sighed. "But, I'm already fine ..."
"Hope."
Napabaling kami ni Carol sa pinagmulan ng tawag at nais ko na lang maglaho na parang bula nang makita kung sino na naman iyon.
It's TJ. Kailan niya ba ako titigilan, ha?
Makahulugang ngumiti ang kaibigan ko sa aking tabi. "Sige, mauna na akong umuwi, bestie. See you tomorrow."
"Ano?" Nagbabantang tingin ang iginawad ko sa kaniya ngunit binalewala lang niya iyon at tuluyang umalis.
Carol!
Napabuntong-hininga ako nang iniwan nga niya ako rito nang mag-isa. Argh! What a life!
"Hope."
"What?!" Naiirita ko siyang hinarap. "Can you please leave me alone? Ayaw kong makita ng iba na lumalapit ka sa akin."
"At, bakit? Lalapitan ko ang kung sino mang gusto ko. Hindi mo sila kailangang isipin—"
BINABASA MO ANG
My Hope in Forever
Novela JuvenilIsang babae ang magbabalik upang hanapin ang mga munting pirasong labis na may kakaiba sa kaniya na epekto. Mga pirasong alam niya na gumugulo hindi lang sa isipan niya kundi pati na rin sa kaniyang puso. Subalit sa pagbabalik ng kaniyang natatangin...