Mabilis na lumipas ang mga araw. It's our semestral break. Ngunit, sa halip na sumama ako kila Mom at Alyanna para bumisita kay Dad sa Amerika, mas pinili kong magpaiwan sa Pilipinas.
"Dahil nagkakasundo naman na kayong magkapatid, pumayag na rin ang Daddy ninyo na umuwi tayo sa Amerika habang bakas'yon ninyong dalawa. Babalik na lang ulit tayo rito pagkatapos ng ilang araw," nakangiting anunsiyo ni Mommy sa amin.
Lumiwanag ang mukha ni Alyanna. "Really, Mom? Oh my gosh! I'm so excited. I miss Dad so much," nakangiting nitong sabi.
Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. I wanted to see him too but ...
"Sweetie, how about you? Are you excited too? We're going back to America!"
Napaangat ako ng tingin sa aking ina. "Uhm ..." Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko kung ano man ang gumugulo sa aking isipan ngayon.
Napawi ang kaniyang ngiti habang nakatitig sa akin. "What's wrong, sweetie?"
Napairap sa kawalan si Alyanna bago binawi ang tingin mula sa akin.
"C-Can I spend my semestral break here in the Philippines?"
Kumunot ang noo ni Mommy. "What? Akala ko ba nasasabik ka na ring makita ang Daddy mo?"
Alam kong hindi nila inaasahan ang desis'yon kong ito. Sa katunayan niyan, ilang araw kong pinag-isipan ang bagay na ito at alam kong hindi ako patatahimikin ng mga gumugulo sa aking isipan kung hindi ko haharapin ang mga iyon ngayon.
"Of course, I am. I really miss him so bad but ..."
"Mom, hayaan mo na lang siya. Maybe, we are not really important for her. Right, sis?" Ngumisi ito sa akin.
"Alyanna, hindi iyon gano'n ... . Mahal na mahal ko ang pamilyang 'to pero may kailangan lang talaga akong asikasuhin dito sa Pilipinas."
"Whatever ..." Umirap ito sa kawalan bago nilisan ang lugar na aming kinaroroonan.
Mommy sighed. Lumapit siya sa akin bago ako nag-aalalang tiningnan. Hinawakan niya ang aking pisngi. "Sweetie, Hope, bakit ba hindi ka sasama sa amin? We're fixing your relationship with your sister. Hindi magandang magkalayo kayo ..."
"Alam ko po iyon, Mom. Pero, babawi naman po ako kapag bumalik kayo, e. Kailangan na kailangan ko lang po talaga ang panahong ito para sa sarili ko ..." Malungkot akong napatitig sa kaniya. "Gusto ko pong buuin ang pagkatao ko. Gusto ko pong pumunta sa Isla Espero."
Saglit siyang natigilan nang dahil sa aking tinuran. Napakurap-kurap siya bago ako idinala sa kaniyang mga bisig. "Of course, I understand ... . Pumapayag na ako. I'll support you with this one. Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanila."
Napapikit ako nang mariin sa gitna ng paghaplos niya sa aking buhok. Thank you, Mom ...
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Marahil, ito na ang tamang panahon upang puntahan ko ang lugar na maaaring may malaking bahagi sa mga alaalang aking nawala. Handa ako sa mga maaaring bumungad sa akin sa natatanging islang iyon—ang Isla Espero.
Nakatanaw ako sa malawak na katubigan nang mapansin ko ang kakaibang titig na iginagawad sa akin ng bangkero. Kanina ko pa napapansin na hindi maalis ang mga mata niya sa akin simula nang sumakay ako sa kaniyang bangka. Mukha namang mabait siya sa aking pakiwari.
"Bakit po?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang mag-usisa. Tipid akong ngumiti sa kaniya.
Saglit siyang natigilan bago nagwika. "Wala naman po, Ma'am. Tila pamilyar lang ang inyong mukha sa akin."
BINABASA MO ANG
My Hope in Forever
Roman pour AdolescentsIsang babae ang magbabalik upang hanapin ang mga munting pirasong labis na may kakaiba sa kaniya na epekto. Mga pirasong alam niya na gumugulo hindi lang sa isipan niya kundi pati na rin sa kaniyang puso. Subalit sa pagbabalik ng kaniyang natatangin...