Happy crush.
Sad crush.
Kailan happy at kailan sad?
Sino ang alin?
HER POINT OF VIEW
"Oy Ara. Saan ka na naman galing?" tanong agad sa akin ni Ate Kim pagkapasok ko sa may sala. Parang déja vû lang. "Akala ko napatagal lang usapan niyo ni Ate Aby. Akala ko nasa taas ka pa."
"Hindi. D'yan lang lang ako galing. Naglakad lang."
Tumango lang siya. Ako naman napangiti na lang habang umiiling. Ganyan. Ganyan ang normal na reaksyon kapag sinabi mong lumabas ka lang at naglakad-lakad lang sa school grounds. Chill lang dapat. Hindi 'yung mag-aalala agad. Jeron talaga.
"Ang lakas nung patugtog sa labas," sabi ni Ye habang pababa ng hagdan at nag-uunat. "Nagising ako dun sa Total Eclipse of the..." *hikab* "...Heart. Ang lakas. Feeling ko nasa labas lang ng bintana 'yung speakers... Teka, ano palang dinner?"
"Puso ng mga martir, Miks. 'Yun ang dinner. Medyo tender pa," seryosong sagot ni Carol mula sa may dining table. Gising na rin pala siya.
"Aww. Akala ko puso ng mga na-friendzone tayo tonight. Bet ko 'yung medyo may lamat na e," pokerface naman na sabi ni Mika.
"Dessert 'yun."
Then, nakita ko 'yung tingin na binigay ni Cams sa kanila habang nakahawak sa may kaliwang dibdib niya. "Anong problema niyo?!" tanong ni Cams na nanlaki 'yung mga mata.
Natawa na lang kami. Mga walang matinong magawa kasi e. Kung anu-anong trip.
"Hindi ka na nasanay d'yan sa mga 'yan," sabi ni Ate Kim na tumabi naman sa akin sa may sofa. "Kamusta?" tanong niya sa 'kin. "Anong palang napag-usapan niyo ni Ate Aby?"
"Oo nga, Boss. Kamusta one-on-one niyo?" sabi ni Cess habang nakadilat ang isang mata. Akala ko e nakaidlip siya dun sa isang upuan. Gising pa pala.
"Nag-usap kayo ni Ate Aby, daks?" tanong ni Ye habang nakatayo lang dun sa may baba ng hagdan. "Tungkol saan?"
For a split second, naisip kong sarilihin na lang 'yung problema ko. Pumasok sa isip ko na ayokong maging burden sa kanila. Pero...
"Spill na," sabi ni Carol. "Problema mo, problema na rin namin 'yan."
Huh. Tiningnan ko sila. So, ganito pala talaga namin kakilala ang isa't isa. Hindi ko pa sinasabi sa kanila na bad news 'yung binalita sa 'kin pero sa expression pa lang siguro ng mukha ko, alam na nila agad na hindi maganda. At alam na rin siguro nila na kapag good news ang sasabihin ko sa kanila, hindi naman ako magdadalawang-isip na i-share 'yun.
Nakatingin silang lahat sa akin na parang nag-aabang ng paliwanag ko. It was then that I decided to tell them. Wala akong takas dito sa mga 'to. Susuporta at susuporta sila kahit anong mangyari.
Ugh. Nata-touch ako.
So ayun na nga, kinuwento ko sa kanila 'yung nangyari. Lahat ng nangyari, pati mga expression at mga buntong-hininga ni Ate Aby at mga naramdaman at tumakbo sa isip ko nung mga panahong 'yun. Hindi naman ako worried na bigla na lang kaming abutan dito ni Ate Aby na para kaming nagpupulong dito. Nagpaalam siya sa akin na uuwi siyang Antipolo ngayon dahil isusuprise daw niya 'yung nanay niya na hindi ineexpect na uuwi siya.
Hindi naman sa tinatago namin sa kanila na nag-uusap kami. Pero...alam niyo na 'yun, 'diba? I mean, hindi naman lahat masasabi niyo sa magulang niyo. Parang ganun lang din kami kay Ate Aby.
Habang ninanarrate ko kanila 'yung mga nangyari, sila naman nakatingin lang at nakikinig. May ibang tumatango lang at may iba naman kumukunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Breakthrough
Fanfiction"No, there's one thing I'll never not do I'll never not need you..." ::: A breakthrough is an important discovery that happens after trying for a long time to understand or explain something (from Merriam-Webster). Magkaiba daw ang description sa d...