Never ko naman pinangarap ang ilan sa mga bagay na meron ako ngayon.
Ang mga award sa volleyball na meron ako ngayon.
Ang makapaglaro sa ligang kasinglaki ng UAAP.
Ang makapag-aral sa isa sa top universities ng bansa.
Pero kahit na ganun, mahirap pa rin pala harapin 'yung possibility na pwedeng silang...mawala.
...
HER POINT OF VIEW
The moment na nabaling 'yung tingin sa 'kin ni Ate Aby, kinutuban na 'ko...
...
Kakagaling namin nun sa Lib, nag-offer si Jeron na ihatid na kami ni Carol and tinanggap na namin since hindi ko na rin yata kakayanin 'yung suspense kung maglalakad pa kami. Dun pa nga lang sa halos iisang minutong biyahe, hindi na ako mapakali sa upuan ko. Baka bigla na lang ako magsisigaw sa daan kung babaybayin ko pa 'yung lakad from Lib papuntang dorm. Nakakahiya.
Nung makarating na kami sa dorm, bumaba na kami agad ni Carol and narinig ko vaguely si Teng. "I'll wait here outside," sabi niya since alam naman niyang bawal usually ang visitors sa loob.
"'Wag na, 'wag na," sabi ko sa kanya habang naglalakad na ako papuntang gate ng dorm, medyo distracted. "Uwi ka na. Thank you sa paghatid."
I gave him a nervous smile which he returned naman. "Good luck," pahabol niya.
Hindi na 'ko nakasagot.
Pagpasok namin ng gate, dumiretso na kaming sala.
Medyo marami nang taong nandun na at nakaupo. Pero halatang may mga kulang pa, mga around lima or anim pa. Hinanap ko sina Ye and nakita ko sila ng kambal, nandun sa sulok nung mahabang sofa. Si Miks mukhang chill lang. Pero dahil sa walang tigil niyang pagkutkot sa kuko niya, gets nang kinakabahan talaga siya.
Huminga ako nang malalim at umupo dun sa may armrest sa tabi niya. "Ano nang nangyayari? Nas'an si Ate Aby?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na tinanong kung bakit sobrang tahimik, alam ko naman kasi kung bakit.
"Nasa taas. Per batch nila kinakausap ni Ate Che e. Sina Ate Cyd nasa taas ngayon. Next na tayo..." Bigla siyang umalis sa pagkakasandal niya. "Badtrip kinakabahan ako." Tuloy pa rin siya sa pagkutkot ng kuko niya.
"Ako nga rin e! Kasi naman... Hindi naman ganito pag-announce last year e," reklamo ni Carol na nakatayo sa tabi ko. "Tapos biglaan pa. Gumagawa kaming report sa Lib tapos biglang, 'Surprise! May line-up na!'"
"Para tayong babasahan ng sakdal," walang emosyong sabi ni Ci habang nakatitig sa pader.
"Bored siguro si Coach." Nag-shrug lang si Cams, then tumayo siya. "Oh ayan na pala sila e."
Napatingin kaming lahat sa stairs and oo nga, nandyan na sina Ate Kimmy with Ate Cyd and Ate Den, tahimik na bumababa.
"Batch 111, akyat na kayo," seryosong sabi ni Ate Denden.
Si Ate Kimmy naman dumiretso sa 'min at bumulong. "Tip lang guys, 'wag niyong bibiruin si Ate Aby. 'Wag ngayon."
Tumango naman kaming lahat pero I swear, nakita kong napalunok si Carol nung marinig niya 'yun.
"Sige na, sige na. Akyat na kayo. Good luck, girls," sabi ni Ate Cyd.
Pumunta na ng kitchen 'yung mga galing sa taas. Maghahanda na siguro ng kakainin for lunch. Honestly, hindi ko feel ang gutom. Hindi ko alam kung magugutom pa ako ever. Ganun ka-intense ang kaba ko that time. Ako na forever gutom, feeling ko kahit lumunok nang maayos, hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
Breakthrough
Fanfiction"No, there's one thing I'll never not do I'll never not need you..." ::: A breakthrough is an important discovery that happens after trying for a long time to understand or explain something (from Merriam-Webster). Magkaiba daw ang description sa d...