CHAPTER 6

2.1K 57 13
                                    

Bawal magka-crush, ha? Bawal?

...

HER POINT OF VIEW

"Galang!" sigaw ni Jeron nung makita niya ako sa may tapat ng Razon, nakaupo sa hagdan.

"Kain agad? Wala pang practice ha," bati ko sa kanya. Kinuha ko 'yung waffle na hawak niya. "Pahingi ako."

Ngumiti siya nang malaki at inabutan din niya ako ng fruit shake. "Sa 'yo naman talaga 'yan. Binilhan kita, mabait ako e."

"Pwede bang sa 'kin na lang manggaling 'yun? Thank you, Teng," sabi ko at umusog ako para paupuin siya. "Pano mo nalamang nandito ako?"

"Where else would you stay? Dito ka lang naman lagi habang wala ka pang kasama sa taas," nakangiting sabi niya at umupo siya sa tabi ko.

"Stalker ka ba?" pabirong tanong ko sa kanya. Pero hindi na 'ko nagulat na napansin niya 'yun. Halos dalawang buwan ko na rin siyang sinasamahan mag-practice tuwing Wednesday at minsan din sa ibang araw kapag free ako. Sa lahat ng pagkakataon na 'yun, never akong umakyat sa taas kung alam kong mag-isa lang ako.

Sinagi niya 'ko ng braso niya. Medyo malakas pero binaliwala ko nalang. Hindi niya yata alam na hindi lahat may braso kasinlaki ng kanya. Kaloka.

"Ako? Stalker? I don't really have to be a stalker para malaman 'yun. Ilang beses na kaya kitang naabutan dito. Sasabay ka nalang 'pag paakyat na 'ko," sabi nang nakangisi.

Natawa nalang ako. Totoo e.

Sooo, I'm sure nagtataka kayo kung paano kami umabot sa ganitong tipo ng pagkakaibigan na nililibre niya ako at naaasar-asar ko siya at pa-smile smile lang siya?

Well, Ganito kasi 'yung nangyari niyan... Naalala niyo 'yung time na may contest kami sa pag-shoot? Natapos 'yung shootout namin na 'yun at panalo siya. Syempre, nagdahilan lang ako kung bakit ako natalo.

"Basketball player ka e... Kulang ako sa practice... Mas magaling ako mag-abot ng bola. Ikaw hindi marunong e... blah blah blah..."

Siya naman, pa-ngiti ngiti lang. Humble daw siya e. Hahaha. Ka-pikon.

Nung paalis na siya, tinanong niya 'ko kung pupunta pa ba ako sa susunod. Sabi ko pwede naman. Tumango lang siya pero hindi niya yata alam na halata sa mukha niya na gusto niya ng kasama.

Sa aming dalawa, ako naman talaga 'yung mabait, sa totoo lang. Kasi naman, nahiya pa, hindi nalang nagyaya. Pero actually, naiintindihan ko naman. Kakakilala lang namin noon e.

Since then, sinasamahan ko na siya. Parang cross-training na rin naman para sa 'kin. And one time, nayaya ko pa siyang mag-volleyball naman kami para ma-experience naman niya. Pero ayun, medyo nawalan ako ng pasensya sa pagturo nung nagtagal na at ginawa ko siyang tiga-bato nalang ng bola. Nakakahiya naman kasi siyang ipag-dig sa tangkad niyang 'yun. Kaya naman hanggang ngayon, basketball nalang kami...

So ayun, awa at kabutihang-loob ko talaga ang dahilan kung bakit ganito kami ka-close ngayon.

Joke.

Mabait din naman siya and for some reason, nagkakasundo kami kahit parang basketball nga lang yata common denominator namin. Weirdly, sapat na 'yun. Sa tingin ko nga, naging factor 'yun kung bakit kami naging close. Kakaiba siya sa mga kaibigan na meron ako at parang ganun din naman ako sa kanya. Somehow, curious kami sa isa't isa. At, sa tingin ko, ito din 'yung tipo ng pagkakaibigan na walang 'dapat ganito ka' o 'dapat ganyan ka.' I think naramdaman namin 'yun pareho kaya nag-eenjoy kami magkasama.

"Tara, taas na tayo," yaya ko sa kanya.

"Let's stay here muna. Ang lakas ng hangin e," sabi niya. Oo, medyo mahangin nga.

BreakthroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon