CHAPTER 4

1.9K 51 5
                                    

Is it true that everything happens for a reason?

If it is, I can't really know them, can I?

I guess I just have to figure them out for myself...

...

HIS POINT OF VIEW

Hindi ko alam kung pa'no ako nakabangon kinabukasan after nung puyatan dinner na nangyari na 'yun. Napahaba kasi nang napahaba 'yung kwentuhan e. Nawala na rin sa isip kong may report pa 'kong gagawin. Kung hindi lang kailangan, baka tanghali pa 'ko nagising.

Good thing nalang na hindi ako masyadong napagalitan nina Mama at Papa nung inabutan nila ako sa may sala na kakauwi lang. I actually don't even know why they were still awake. But maybe inumaga na rin sila sa kwentuhan. Madalas silang ganyan. They love talking to each other. Hindi lang halata dahil parang pareho silang tahimik. Kahit nga ako nagtataka kung paanong hindi sila nagkakasawaan e. Year after year after year, ganyan sila.

Don't get me wrong, I find it cute naman, but I just don't get it. How can you continually do that for years? May trabaho pa sila niyan kinabukasan ha.

Going back, konting pangaral lang at grounded lang for a week ang 'punishment' ko from them. Ok na 'yun. Hindi na rin naman ako uulit in the near future...

I woke up at 6:00 am kasi may training pa kami later at discussion pa ulit nung gagawin for the game. Re-review-hin nalang naman kasi napag-usapan na rin 'yun nung mga previous training sessions namin.

"Jeron, kain na," yaya sa akin ni Papa pagkababa ko ng hagdan.

"Hindi na 'ko magbe-breakfast dito, Pa. Sabihin ko nalang kay Kuya na mag-drive-thru," sabi ko. Baka kasi mapagalitan na naman ako kapag dito pa 'ko kumain e.

"Sigurado ka?" tanong ni Mama.

"Yes, Ma."

"Sige, mag-ingat ka," sabi ni Papa. "Come home early ha."

"Yes, Pa."

"Ingat, Je," sabi naman ni Mama.

"I will. Bye!"

Hindi ko na tinanong kung pupunta sila sa game later. They always do naman and I never forget to thank them every time pagkatapos ng game.

Before I went out of the house, kumuha muna akong pain reliever. Ang sakit sakit ng ulo ko. Binabawi ko palang kasi siguro 'yung tulog ko from last week tapos eto na naman. Puyat na naman.

"Kuya, drive-thru tayo ha," sabi ko sa driver namin.

"Saan mo gusto?" tanong niya.

"Mcdo nalang siguro," sagot ko. Mind you, this was even before I became an endorser. Haha. #loveko'to

Nung nakadaan na kami, Sausage Mcmuffin at hashbrown nalang in-order ko para madaling kainin.

Nakarating ako ng Razon still with a nasty headache. Sana mawala na 'to soon. Susubukan ko pa sanang ihabol 'yung paggawa ng report e. Mabuti nalang nakapagbasa na 'ko about the topic kahit konti.

"Bro, are you in so much pain right now?" exag na tanong ni AVO pagkalapag ko ng bag ko katabi nung mga bag nila. Napansin siguro 'yung itsura ko. Loko 'to, natripan pa 'ko.

"I am. I can't even believe it. I think this is the worst headache I've ever had. Tapos may gagawin pa 'kong report," I said as I brought out my laptop.

He gripped me on the shoulder and said, "Deep breaths, man." Umupo siya sa tabi ko at bumulong. "Just bear in mind, brother, if this doesn't work out, we can try and be models, you and I. We do have the looks."

BreakthroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon