Inspired o sinuwerte? Or both?
Huh. Regardless, I'm proud of you...
Apir! :))
...
HER POINT OF VIEW
On the way na kami sa Araneta nung naalala kong naiwan ko pala 'yung ticket. Ang saya. Nasa backpack ko 'yung ticket na pinabigay ni Jeron kay Thomas... 'Yung ticket na para sa'kin... 'Yung ticket na nasa bag ko na nakapatong sa kama ko sa dorm...
Saturday na. Game day na. Mapapanuod ko na ang Green Archers nang live. Kung nadala ko lang sana 'yung ticket...
Hayy. Bad trip.
"Miks, wait. Uhhh... Wala akong ticket…"
Palabas na kami ng mismong train ng MRT at nasa may Cubao station na kami nung sinabi ko ‘yun. Sa sobrang gulat ng lola niyong si Mika, kailangan pa namin siyang itulak para hindi kami maipit nung pasarang pinto.
"Mika naman, walang mga biglang tigil na ganun! Mukha kasing hindi masaya makaladkad ng train e," sarcastic na sabi ni Ate Kim.
Si Mika naman humarap lang sa’kin habang nakataas ang dalawang kilay. "Nawala mo 'yung ticket?"
"Nawala? Hindi, nasa dorm. Nandun sa bag ko. Nakalimutan kong kuhanin kanina."
"Bakit nasa dorm 'yung ticket mo sa MRT?!" gulong-gulong tanong ni Mika.
"Oo nga. Bakit nandun?" tanong ni Ate Kim na nagtataka din.
"Hindi! Nandito sa'kin 'yun. Nasa bulsa ko lang. Ticket ba tawag dun? Hindi ba electronic card or something?"
Nag-shrug lang si Mika. "Ewan. Baka. Hindi ko sure."
"Pero basta nasa akin 'yun, kung ano mang tawag dun. Makakalabas ako nitong MRT, no problem. 'Yung ticket sa game ang nakalimutan ko," paliwanag ko.
Napatango naman 'yung dalawa dahil nagkaintindihan na rin kami. "Ahhh! 'Yung ticket sa game!" sabay na sabi nila.
"Naiwan mo? Seryoso?" malungkot na tanong ni Cams.
"Oo e. Nandun sa bulsa nung purple na backpack na dinadala ko sa training."
"So babalik pa?” naka-pout na tanong ni Carol.
"Oo... Pero sige, mauna na kayo sa loob," sabi ko sa kanila. "Pupuntahan ko na lang kayo."
Nag-kunot ng noo si Ate Kim. "Paano kami makakapasok e wala ngang ticket 'diba?"
"Hindi, isa lang 'yung nakalimutan ko. 'Yung inabot lang sa'kin ni Thomas. 'Yung lima, nandito sa'kin. Pwede na kayong mauna sa loob."
"Ahh. Nand'yan naman pala! Isa lang 'yung nasa dorm? Wooo! Akala ko naman wala tayong ticket!" sabi ni Mika. "So babalikan mo 'yung iyo?"
Kailangan todo talaga ang smile, Mika? Loko talaga 'to. Hindi man lang ako binigyan ng chance tanggihan 'yung offer niyang samahan ako sa dorm. "Oo naman. Wala naman akong choice 'diba? Unless ililibre mo'ko..."
"Okay ka sa Gen Ad?"
Umiling ako.
"Then go. Proceed na sa Taft Avenue. ‘Yun lang ang afford ko today e... And we," sabi niya habang tinuturo sina Ate Kim, Carol at 'yung Kambal. "We will see you na lang later sa Patron."
Sabay-sabay kaming bumaba and bago ako makapunta dun sa counter para bumili ng card pabalik ng Taft, binigay ko na sa kanila 'yung ibang tickets for the game na nadala ko.
"Ayan oh. Kayo ha, i-save niyo naman ako ng upuan ha?" sabi ko sa kanila. Baka kasi pagdating ko mamaya, wala nang bakante kasi nakalimutan na nila ako. Medyo masakit 'yun.
BINABASA MO ANG
Breakthrough
Fanfiction"No, there's one thing I'll never not do I'll never not need you..." ::: A breakthrough is an important discovery that happens after trying for a long time to understand or explain something (from Merriam-Webster). Magkaiba daw ang description sa d...