12:57

2 2 2
                                    

Hi bab,

Hindi ko sasabihin sayo na may ganto dito 😜 bakit? Kasi trip ko lang bakit ba!

12:57 na ng madaling araw and yet ikaw ang naiisip ko.

Masyado kang badtrip kahapon dahil sa tao mo pero kahit na anong inis mo kanina all I can see is man with a big heart.

Noon pa, yan na ang tingin ko sayo. A man with a big heart. Kahit na madalas tayo nag aaway, I mean kahit madalas kitang inaaway 😂 hindi naman mababago nun na may malaki kang puso.

Paano mo nagagawang palalimin ang pag mamahal na nararamdaman ko sayo kahit na nag rrant ka ng mga bagay bagay.

Nagagalit ka at sinasabi mo na masyado ka na naging mabait sa kanila pero alam mo bang it's not the first time na nangyari yan sayo, pwedeng ibang scenario yun pero lagi mo sinasabi na napapasobra ang kabaitan mo pero still hindi ka nag babago.

Mabait ka kasi talaga.

Alam mo bang sobra kong proud sayo. Lagi kang bida sa mga kwento ko kay mama. Araw-araw kahit mag kaaway tayo ikaw ang bukang bibig ko:

Kung gaano ka nakakatawa
Kung paano tayo nag simula
Kung ano ang nagustuhan ko sayo
Kung ano ang paborito mo
Kung paano tayo mag away
Kung gaano mo ko ka mahal
Kung paano mo ko tinanggap
Kung gaano kita ka mahal at kung gaano mo ko napapasaya.
At madami pang iba

Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko nababangit ang pangalan mo.

Hindi kumpleto ang araw ko na hindi kita nakikita.

Hindi kumpleto ang araw pag hindi ka tumawag sabay kanta at pag concert mo tuwing mag ka video call tayo.

Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko nakikita na tumitingin ka sakin.

I know mahirap i maintain kung ano ang meron tayo pero alam mo naiintindihan na kita.

Naiintindihan ko na kung bakit sa tuwing nababanggit ko yung break sayo noon, ayaw mo at kinukulit ako naitutuloy natin ang istorya.

Kasi ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman mo noon.

Ngayon kasi nararamdaman ko ang kagustuhan na ilaban to hanggang dulo. Na kahit na masakit patuloy pa din basta kasama kita, basta nandyan ka.

Hindi pala mahalaga ang ako kung wala ang ikaw.

Lagi kong pinagdadasal ang relasyon natin na pag tibayin pa niya tayo at panatiliin ang pagmamahal sa isat isa.

Tama ka madami na tayong na lagpasan at hindi kelan man magiging solusyon ang hiwalayan.

You're the most hardworking person na nakilala ko.

You have a beautiful soul. Kaya wag kang mag babago. Wag ka papalamon sa mundo gaya ng mga kilala natin. Always keep your feet on the ground.

I miss you.

Mahal kita noon, ngayon, bukas at sa mga susunod pang bukas. ❤️

Love,

Babi. 💚

For My Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon