Anata ga koishii
Babiii, may sakit ka kaya hindi tayo masyadong nag kakausap ng matino.
Ingatan mo naman ang sarili mo! Bigyan mo naman ng rest day talaga ang sarili mo..
Paano na ko pag nag ka sakit ka? Hindi tayo mag kasama para maalagaan kita.
Alam mo ba umiiyak ako ngayon? Nalulungkot kasi talaga ko. Alam ko naman ang sasabihin mo pag ganto ako na "magiging okay din ang lahat," gusto ko maniwala sa sinasabi niyo babi pero bakit iba ang nararamdaman ko?
Alam ko napapagod ka sa sitwasyon ko, sa sitwasyon natin. Alam kong ilang beses din sumagi sa isip mo na wag nang ituloy.
Nalulungkot ako pag naiisip ko yun. Dahil kahit anong isip ko sa sitwasyon ko ngayon hindi kasi nababago yung nararamdaman at naiisip ko na ikaw ang nakikita kong kasama ko hanggang sa pag tanda.
Iniisip ko kung gawa gawa ko lang ba yun? O Diyos na ang nag sasabi?
Ewan ko ba. Ginayuma mo ata ako e. Hindi kamo kita kayang mawala sa kahit anong paraan o sitwasyon kaya ingatan mo lagi ang sarili mo.
Lagi kitang pinagdarasal. Lagi kitang pinagpapasalamat sa kanya. Isa ka sa mga rason kung bakit ko pinipiling mabuhay kaya lubos akong nag papasalamat sayo na pinili mo ding manatili sa buhay ko.
Thank you kasi andyan ka pa din sa likod ko para masandalan. Andyan ka pa din para punasan ang mga luha ko kahit malayo tayo sa isat-isa. Thank you dahil alam kong isa ka sa mga taong ipaglalaban ako.
Thank you kasi pinipili mo pa din ako kahit na wala ka namang mapapala sa kagaya ko. I'm sorry bab.. Sorry kung pabigat ako. Sorry talaga.
Madami pa ko gustong sabihin kaso yung luha ko ayaw tumigil.
I love you.
BINABASA MO ANG
For My Future Partner
DiversosThis is just an open letter to my future partner for his birthday - May 19, 2020. Most Impressive Ranking #1 togetherforever (February 04, 2023)