Sa bawat araw na mag kasama tayo parang napakaraming memories ang naipon natin, at dahil dun mas lalo natin nakilala ang bawat isa. Bawat memories masaya man, malungkot, away man pinipilit ko lahat na matandaan. At ngayon kapag naaalala ko un bawat memories na un pinaparamdam pa rin sakin ung feeling nung nandun ako sa mismong moment na yun yung saya, yung lungkot, yung galit 😂 yung pag mamahal mo ramdam na ramdam ko. April 16, 2020 nung sinusulat ko to 5:35 P. M., 2nd day ng extension ng enhanced community quarantine. Isang buwan at dalawang araw na kitang hindi nakikita at panibago un sakin kasi araw araw tayo nag kikita. Nakakalungkot na sa video call lang tayo nag kikita, limitado ang oras kasi may mga obligation tayo sa sarisarili nating pamilya at sa mga panahon na to ung mga memories natin ang paulit ulit kong binabalikan sa bawat oras na lumilipas. At dahil sa mga memories na yun nawawala ung pag ka miss ko sayo. At sana habang binabasa mo to naaalala mo lahat ng pinag daanan natin, imagine hindi pa tayo pero dami na nating pinagdaanan 😊 I cant wait to have and share all the memories with you.
BINABASA MO ANG
For My Future Partner
RandomThis is just an open letter to my future partner for his birthday - May 19, 2020. Most Impressive Ranking #1 togetherforever (February 04, 2023)