Chapter 29 Her room

1.9K 15 1
                                    

Kari's POV

"Are you ok?"
Tanong sakin ni Karisha pag upo nya sa tabi ko. Dito kami ngayon sa labas ng emergency room.
"Ipagamot mo muna yung galos mo."
Dugtong nya, simula kase kanina pag dating namin dito sa hospital hindi ko pa pinapa gamot yung galos na nakuha ko nung tinulak nya ko kanina. 


"Ang dami ng press sa labas at gusto ng statement. But don't worry I'll handle it."
Sabi ni manager pag kalapit nya samin.


RING!!


Rinig kong tunog ng cellphone ko kaya kunuha ko 'to sa bag ko.


Troy: "Kamusta ka? Napanood namin ng barkada sa balita yung nangyari. Okay ka lang ba Kari?" 


"Ok lang. Nasa labas kami ng ER hinihintay lumabas yung doctor na nag oopera sakanya."
Walang kagana gana kong sagot.


"Mag papabook na ko ng flight pabalik dyan."
Sabi nya saka ko inend ang call nya.


Maka lipas ang ilan pang minuto ay lumabas na rin ang doctor sa ER at sinabing critical ang sitwasyon nya at nasa comatose stage. Pag kasabi ng doctor nun ay pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko at kumawala ang luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. 


Dahil sa gulong gulo ang isip at damdamin ko ay tumakbo ako paalis sa hospital, ramdam kong mag sumunod sakin pero di ko alam kung sino.


Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa garden ng bahay namin. Lumingon ako sa sa may bintana dito sa gilid ng bahay ng may makita akong bukas na pinto sa loob ng bahay.


Pakiramdam ko may humahatak sa paa ko para lumapit at pumasok sa pinto na yun. At muli hindi ko alam na nasa harap na ko ng pintong yun, masyado na kong nawawala sa sarili ko dahil sa mga nangyari ngayong araw.


Nilakihan ko ang pag kakabukas nung pinto at laking gulat ko sa mga nakita ko. Isa itong malaking kwarto na punong puno ng mga laruan, may toy cars, robot, doll house, maliliit at malalaking barbie at kung anu-ano pa. 


Pumasok ako at may nakita akong dalawang cabinet isang blue at isang pink, hindi ko alam kung bakit pero di ko napigilan ang sarili ko at binuksan ko ang mga ito, mga damit ang nasa loob nito mula sa baby clothes hanggang sa pang adults. Yung sa blue cabinet yung pang boy at pink cabinet for girl.


Bakit ganun, bakit parang gusto kong umiyak? Bakit ganito ang nararamdaman ko?


"This is all yours."
Rinig kong sabi ni Karisha na ikinagulat ko kaya napa tingin ako sa likod ko kung saan sya nandun.


Ako: "Mine?"


"Di nya alam kung anong gender ang pinag buntis ni mom kaya tulad ni mom sakin noon bumibili din sya ng gifts every December and January for Christmas and for you're birth month. Para sure bumibili sya ng for boy and girl."
Pag iexplain nya.
"Dad loves you so much Kari and gusto nya talagang bumawi sayo sa pag kukulang nya."

Daughter's tears (Completed: June 17 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon