Chapter 20 Last birthday with them. (Part 2)

832 11 0
                                    

5...


4...


3...


2...


1...


"HAPPY BIRTHDAYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!"


12 Mignight na!! Birthday ko na at sabay-sabay nila akong binati at grabe ang dami palang dalang food ng mga ito, nasa loob lang ng minibus hindi nila agad nilabas yun kanina eh ngayon lang.


Kainin, sayawan, kwentuhan, kulitan, asaran, habulan at kung anu-ano pa yan lang ang ginawa namin!! Tuwang-tuwa nga sila Karisha and Jacob ngayon lang daw sila nag enjoy sa kahit anong party, sabagay ang party nga naman talaga ng mga pinoy ang pinaka masaya sa lahat diba? Hindi na nga natin namamalayan yung oras pag nag pa-party tayo, maliit man o malaki nag eenjoy parin tayo basta kasama natin sila.


Time check 3 AM.


Mom: "Hoy mga bata! Mag situlog muna kayo at umaga na! Mamaya nyo na ipag patuloy yung party nyo."


Ako: "Pwedeng wag na matulog?"


"Hindi pwede"

Sabi nya kaya wala na kong nagawa kundi mag pout.


Katulad pa din naman ng dati, two lines yung air bed for girls and boys yun nga lang ng nasa tent na kami ay ano pa nga ba eh riot nanaman dahil sa pag aagawan nila Jed at Kevin ng pwesto.


Jed/Kevin: "Ako sa tapat ni danda/Charity ko!"


Jed: "Ako!!!"


Kevin: "Ako!!!"


Jed: "Ako nga sabi eh!!!"


Kevin: "Sinabi ngang ako eh!!"


Jed ---> (        >>_>>)            (<<_<<           ) <--- Kevin


Kami: "(=____=)"


"GRRRR!!!! Kayong dalawa dun kayo sa kabilang DULO!!!!" (>_____________<)

Sabi ni best sabay turo dun sa kabilang side ng big tent.


Kevin/Jed ---> (O________________O)


Hay naku kung di pa panlisikan ni best di pa sila tatahimik ayun yung dalawa nag madaling pumunta sa dulo ng tent at nahiga.


Makaya ko kayang wala ang mga ito? Tuwing birthday namin ni mom, sila lang lagi ang kasama naming mag celebrate hindi lang birthday pati sa lahat ng ukasyon, sa lahat ng hirap, lungkot, sakit at saya sila lang ang nandyan para samin kuntento na ako dahil meron akong katulad nila, pag alis namin tuluyan ng mag babago ang buhay ko. Noon wala akong paki alam kung ano mang buhay ang dadating samin ni mom kase alam mo na nandyan ang support ng barkada for us, pero ngayon nag uumpisa na kong maka ramdam ng takot sa kung ano mang bagong buhay ang haharapin ko kasama "SILA"


"Ang lalim ng iniisip natin ah!!"

Biglang sabi ni best na syang kinagulat ko.


Nasa tabi ko na pala sya hindi ko man lang namalayan, tulog na kase yung iba sa loob ng tent habang ako naman ay lumabas muna para mag pahangin. Naka upo lang ako dito sa bermuda habang naka yakap sa tuhod ko tapos yung baba ko naman ay naka patong sa tuhod ko parin.


"Kala ko tulog ka na?"

Tanong ko naman sakanya na ginaya ang pwesto ko.


Best: "Don't worry, you'll be fine with them."


Ako: "Anong ibig mong sabihin?"


Best: "Ganyan din ako before, ano ba ang magiging buhay ko kasama ang mga bagong parte ng buhay ko."


Ako: "Best friend nga kita alam mo kung ano ang nasa isip ko. Pero pano mo naman nalaman na magiging okay ako with them?"


Best: "Because I can see na mahal ka nila at alam kong hindi ka nila pababayaan at aalagaan ka nilang mabuti."


Ako: "Hindi sya!!"


Best: "He does!! Nasaktan lang din sya at hanggag ngayon nasasaktan. I didn't know kung hanggang saan ka kayang dalhin ng galit mo sa dad mo, pero please best pag isipan mong mabuti yung mga bagay na gagawin mo. And please always remember that I'm here! Kahit malayo tayo sa isa't isa nandito parin ako for you."


"I know best, pero ilang weeks na lang aalis na ko pero hindi mo parin sinasabi sakin kung anong meron sayo, alam ko ding may mali sayo eh ramdam ko best"

Sabi ko habang naka tingin sakanya, at nakita kong na bigla sya pero ngumiti din naman sya at tumingin din sakin.


"I'm okay (^___^) Tara sleep na tayo, mahaba pa ang mag hapon natin pag gising later"

Sabi nya saka sya tumayo pero hinawakan ko sya sa braso at hinila ulit paupo.


Ako: "Di mo talaga sasabihin sakin best?"


Best: "Best!! Di ako pababayaan ni dad at alam mo yun. I'll be okay."


Kari: "So meron nga? Best please tell me, what is it?"


Best: "Sa dami ba naman ng pinag daanan ko at nalampasan isang maliit na "TULDOK" lang 'to best! Don't worry okay? Malalaman mo din soon, ang sure ko lang aalis din ako pero di ko alam kung kelan."


Ako: "Ang unfair! Lalo akong na bother."


Best: "Expect the worst best (^___^)"


Ako: "BEST!!!"


"HAHAHAHAHA!!! Joke lang" 

Sabi nya sabay tayo. 

"Tara na dali tulog na tayo dun tayo sa minibus gusto kitang masolo"

Sabi nya sakin sabay hatak sakin patayo.


Tama si best, kahit ako hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng galit ko sakanya. Saan nga ba ako dadalhin ng galit ko?


Pero sa ngayon sana naman sabihin nya na sakin kung anong meron sa kanya (" _,_)

Daughter's tears (Completed: June 17 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon