Continuation...
kakatapos ko lang magtrabaho, nagpaalam na din ako sa mga night shift na mga katrabaho ko.
"babye Bunny"
"Babu, oi Joel baka matulog ka na naman ha"
"ako matutulog? batak kaya ako mag puyat"
"talaga lang ha?, batak daw pero kita namin sa cctv bagsak" sabi naman ni Mind na kakalabas lang ng staff room
"Mind, dalian mo na umuwi" bilin ko
"ha? bakit naman?"
"baka wala ka nang uuwian na Looknam, nagtatampo yun sayo di mo siya pinapansin kanina" sabi ko
"kasalanan talaga to ni Boss eh, oh siya alis nako, advance goodnight!" sabi niya at nauna na saking lumabas
pagka labas ko ng resto bumungad sakin si Becky na nakatingin sakin at nakasandal sa kotse ni Jennie.. pinakita niya din sakin ang susi
marunong na siya mag maneho?
bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanya
"marunong kana?" tanong ko
"Di ah, hiniram ko lang kay ate Jennie. para makarating tayo sa condo ko, oh"
hinagis niya sakin ang susi na agad ko din naman na salo
"ikaw ang marunong mag maneho kaya tara na" sabi niya at pasakay na sana nang magsalita ako.
"may sarili akong bahay." seryosong sabi ko sinamaan niya ako ng tingin at agad lumapit sakin.
"gumagawa ka pa ng dahilan. baka gusto mong hindi kita pansinin ng isang linggo" seryosong sabi niya at sumakay na sa unahan ng kotse
napabuntong hininga na lamang ako. amp- ginawa pakong driver.
"halika na!"
"ito na nga!"
---- FF-----
ngayon nasa sasakyan na kami, ni walang gustong magsalita samin.
naalala ko na naman yung ginawa niya kanina, pinaasa ba naman ako eh.
"tsk"
napansin kong napatingin siya sakin
"ang seryoso mo, bakit? bad trip kaba?" tanong niya sakin
"hindi no."
"yung totoo?"
"pagod lang." seryosong sabi ko. hindi ko na siya narinig pa kaya tinuon ko nalang ang tingin ko sa kalye
"sinong hindi mababadtrip, pinaasa mo ba naman ako" mahinang sabi ko na ako lang makakarinig
"may sinasabi ka?" tanong bigla ni Becky
"wala ah. sabi ko ang sakit ng katawan ko" pagsisinungaling ko
"sige hihilutin kita mamaya" sabi niya na ikinatingin ko sa kanya
"talaga?" masayang tanong ko
"yes"
"okay kha" masayang sabi ko at pinaandar na ng mabilis ang sasakyan.
oo na ako na.. ako na marupok
--FASTFORWARD--
pagkarating sa condo, agad kong pinarada ang sasakyan at naunang bumaba para pagbuksan si Becky
BINABASA MO ANG
SANDALAN || FreenBecky|| [TAGALOG]
NouvellesFreen, an employee at the JKLM restaurant owned by Jennie, who is married to her cousin Lisa, has long harbored feelings for Rebecca. Despite her feelings, she chooses to keep them hidden, a secret known only to Lisa and Jennie. Rebecca, known for h...